CHAPTER 10 "Anong sinasabi mo e, wala naman akong nakikita?" "Andun..." natigilan ako. Biglang nawala ang lalaking iyon doon sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko magawang ipilit kay Francis ang nakita ko. Ngunit sigurado ako sa nakita ko. Kung kaluluwa man iyon, siguradong hindi niya makita ngunit hindi ako namamalikmata lang. Kinabahan ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko lalo pa't hindi ko sigurado kung buhay o matagal nang patay ang lalaking nakatingin sa amin. Basta ang alam ko lang, may hindi magandang kutob akong nararamdaman. Maaring may gumagalang kaluluwa dito. "Tinatakot mo ba ako o pinagtritripan ha!" nagsimula na siyang kilitiin ako. "Hindi ah." Sagot ko. “Anong hindi. Kanina ka pa e. Sinasabi mong may nakikita ko per