Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Kulang na lang kasi ay lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Talagang dito pa sila naghalikan? Makagat sana nila dila ng isa't-isa! "Tash..." I heard Sebastian's hoarse voice. " "What is it, lover boy?" "I have company..." Sebastian answered. Narinig ko ang gulat na tawa ng babae. Hindi na nga lang ako nag-abalang tingnan ang dalawa. Nagkunwari akong interesado sa hilera ng mga bote ng beer sa lamesa. Kakaunti pa lang ang naiinom ko pero pakiramdam ko ay gusto ko nang sapakin si Sebastian. Tatanggi-tangi pa s'ya kanina pero pambababae rin naman pala ang nais kaya sumama rito. Tss, men. "Ow! I'm sorry!" Natasha giggled pero halata namang nadismaya dahil sa pagtanggi ng lalaki. Sinulyapan ko ang babae pero ang mga mata ni Sebastian ang nasalubong ko k