And just like that, we went to a high-end bar in BGC. Ni hindi ko na nga natingnan kung anong bar iyon dahil dire-diretso kami. Convoy kami. Nauna ang alfa romeo ni Sebastian at nakasunod naman ang sasakyan ni Ash kung saan ay nakasakay kaming lahat. Nagpumilit pa nga sina Melo na sumakay kay Sebastian pero syempre ay hindi ako pumayag. Tama na 'yong kahihiyan ko ngayong gabi! Exclusive ang bar para sa mga mayayaman. Iyon ang una kong napansin pagkapasok pa lang. Paanong hindi? Maingay at madami ring tao sa bar na 'to pero mahahalatang may mga class ang mga nandito. Kahit nga sa entrance kanina, diretso lang ang pasok namin. Ni hindi na hinanapan ng ID dahil kasama namin si Sebastian. Isang beses na rin akong nakasama kina Melo sa pagba-bar pero pumipila pa rin kami pero ngayong si S