Chapter 8

2001 Words

Patamad na inayos ko ang mga gamit. Katatapos lang ng class review at talo ko pa ang walang tulog dahil sobrang lutang ko kanina. "Lugaw na lugaw ka yata ngayon, Cha?" Naupo si Ash sa upuang katabi ng sa akin at nangalumbaba. I glanced at him. Tamad na tamad ang itsura n'ya at nahahawa yata ako sa lalaki dahil mas nararamdaman ko ang katamaran. "Inaantok lang," maikling sabi ko. Totoo naman iyon. Isa pa ay wala yata talagang planong magtrabaho ng mga braincells ko ngayong araw na 'to. Lahat yata sila ay nagkasundo na maging tamad. Lunes na naman at katatapos pa lang ng schedule ko rito sa review center. Magpapahinga lang ako ng kaunti bago dumiretso sa café para naman sa trabaho. Kung pwede nga lang na umuwi na lang para matulog. Hindi nga lang pwede dahil kailangan kong kumayod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD