RATED 18 || SPG
Every girl's father is their first love. Ganoon din si Charry, ang unang lalaking minahal n'ya nang lubusan ay ang kanyang ama. Kaya nang malaman n'ya na may isa pa itong pamilya, nawasak nang husto ang puso n'ya.
Her mother is a mistress. Sila ang pinili ng kanyang ama ngunit hindi ito kailanman naging sapat sa kanya. Paano naman kasi s'ya magiging masaya kung may nasirang pamilya? Kaya naman lumuwas s'ya ng Maynila para makilala ang dalawang nakatatandang kapatid.
She met the casanova instead— Sebastian Acostino. The man who made her trust love again. Sa sobrang galing nitong mambola, nahulog s'ya at noong akala n'ya ay pareho sila ng nararamdaman, she got rejected.
But her faith was tested when she met Sebastian again. Lalo pa at ang offer ng kuya n'ya na tumira s'ya sa condo nito habang nasa Maynila s'ya, ay hindi n'ya magawang tanggihan. At nandoon din si Sebastian, nakikitira rin.
Paano n'ya mapaninindigan ang pamumuhi sa lalaking nanakit sa kanya kung sa bawat halik nito, sa bawat haplos sa kanya ay kusang nawawasak ang pader na itinayo n'ya sa paligid ng kanyang puso? Paano n'ya iiwasan ang tukso kung s'ya mismo ay nadadarang na sa apoy?