Talaga nga yatang pinapatay ng boredom si Sebastian dahil hindi lang iisang beses n'ya akong hinintay sa trabaho. Pagkatapos ng unang araw na sinundo n'ya ako ay ganoon nang ganoon ang naging routine n'ya. Akala ko nga ay ilang araw lang pero lagi akong nagugulat sa tuwing nakikita ko s'yang naghihintay sa labas ng kanyang sasakyan o kaya naman ay papasok sa cafe para magdala ng pagkain ko— iyon ay tuwing nakakaligtaan kong mag-break dahil sa rami ng customer at lagi na lang n'yang alam iyon na para bang binabantayan n'ya ang bawat kilos ko. Madalas ay sabay kaming mag-dinner. Laging sa labas at hindi ako sigurado kung nalilipasan na ba s'ya ng gutom dahil lagi n'ya akong hinihintay kumain. Consistent ang pagsundo sa akin ni Sebastian kaya hindi maiwasan ang pang-iintriga sa akin ng m