"I'm not jealous! Alright?!" Inis na nagmartsa ako papasok sa elevator nang bumukas iyon. Hindi ko na kasi matiis ang pagpupukol n'ya sa akin ng makahulugang tingin mula pa kaninang sinundo n'ya ako sa trabaho. Kaya kahit wala naman s'yang sinasabi ay ako na ang nagkusang magsabi niyon. Iyon din naman ang gusto n'yang kumpirmahin base sa mga tingin n'ya sa akin. Malakas ang naging halakhak ni Sebastian. Pinindot n'ya ang floor namin. "What? Wala akong sinasabi, Charry. Stop being defensive." Mariing tingin ang ibinigay ko sa kanya bago s'ya inirapan. "Taray..." he murmured. Natatawa pa rin. Right. Hindi n'ya sinabi pero kulang na lang ay isulat n'ya sa noo n'ya iyon! "And, so what kung nagseselos ka?" Lumambing ang boses n'ya kaya halos kilabutan ako roon. "I like that, Charry..."