Alas otso na ako gumising kinabukasan. Halos wala nga akong tulog dahil sa mga pinagsasabi ni Sebastian kagabi. Imagine, lampas alas dose na iyon at ala una na yata ako nang mahiga sa kama ko. Pero alas kuwatro na't lahat ay mulat na mulat pa rin ako samantalang masarap na yata ang tulog ng lalaking iyon! Ganoon ka-okupado ang isip ko dahil sa mga sinabi n'ya! He can't be that serious! Hindi puwede iyon, hindi maaari! But... he just did. Sinabi na nga n'ya, hindi ba, Charry? At ayoko man, hindi ko s'ya makitaan ng kasinungalingan doon. Malaki ang parte sa akin na naniniwala sa lahat ng mga sinabi n'ya. At sa totoo lang, alam ko talagang totoo ang lahat ng iyon. Ramdam ko rin ang sensiridad n'ya. Ngunit hindi puwede, e. Sumumpa na ako sa sarili na hindi na ulit ako mahuhulog sa laro