Chapter 5

2000 Words
Wala naman akong planong magtagal sa labas pero hindi ko na namalayan ang oras. Inabot na ako ng gabi at kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom ay baka mamaya pa talaga ako uuwi! Bago kasi ako pumunta rito ay bumili na rin ako ng snacks. Kahit paano ay nakapag-aral naman ako. Ngayon nga lang ay nakakaramdam na ako ng antok. Natural lang iyon lalo at halos wala akong tulog kagabi. Dàmn, Sebastian. And speaking of that freàking casanova, hindi ko pa rin maintindihan ang gusto n'yang sabihin kanina. Gusto pa n'ya yatang gawing business deal ang pagtatakip sa akin! I could't help but blame myself. 'Yan kasi, Charry, sobrang confident mo na susunod sa kapritso mo ang lalaking 'yon! 'Di ka tuloy pinatatahimik ngayon. Huwag na lang muna kaya akong umuwi ngayon? Baka maabutan ko pa ang isang 'yon sa condo! I hissed at that thought. Saan naman ako tutulog kung hindi ako uuwi? Siguradong pagagalitan pa ako nina Kuya. Wala pa man akong nagagawang desisyon ay nagligpit na ako ng mga gamit. "Charry!" My eyes widened when I saw some of my friends. Sila ang una kong nakilala rito noong mag-enroll ako at dahil isa na silang grupo, lagi nila akong isinasama sa mga lakad at group reviews. Miminsan nga lang kami magkita rito sa review center lalo at medyo iba ang schedule ko sa kanila. I'm years older than some of them, huli na rin kasi nang maka-graduate ako but they treated me the same. Wala silang pakialam sa edad ko lalo at hindi naman nalalayo ang height ko sa kanila. "Anong oras ka ba dumating dito sa Quantum? Bakit hindi yata kita nakita kanina?" Si Melo na kaagad na kumapit sa braso ko. "Mabuti na lang din at nagkasundo kaming tumambay dito! Hindi ka rin kasi sumasagot sa tawag namin kaya nag-review muna kami rito," dagdag naman ni Ash. "2PM na nang pumunta ako rito." Kinuha ko ang cellphone. Puro missed calls ang nandoon. "Sorry. Nawala sa isip kong mag-check ng phone." "Okay lang 'yan! Kompleto na tayo kaya let's party!" Chesca cheered. Halos marindi pa ako sa lakas ng boses n'ya at sabay-sabay pa kaming sumenyas sa babae para tumahimik. She giggled. "Tara na kasi!" "Magba-bar kayo?" Kahit paano ay nabuhayan ako ng loob! Hindi pa nila ako tinatanong pero sasama talaga ako! "Sasama ka, Charry," Louie stated. "Ilang beses ka na naming niyaya pero lagi kang tumatanggi dahil sa part time mo. Linggo naman bukas kaya wala naman sigurong masama kung mag-e-enjoy tayo ngayon." "Oo nga! Saka kahit hindi sa bar! Gala lang tayo! Food and road trip! Or overnight somewhere!" Melo became restless. "Oo nga! Let's do that!" Ako naman ay nahawa na rin sa babae. Sa sobrang tagal naming nagtago ni Mama, nakalimutan ko na may ganitong parte nga pala ang buhay. I missed this kind of fun. Hindi pa naman siguro huli para sa mga bagay na hindi ko naiparanas sa sarili. Hanggang sa makalabas kami ng building ay walang nabubuong plano. Excited kasi ang lahat sa gagawin kaya hindi tuloy makapili kung alin sa mga iyon. Iisa nga lang ang gusto ng lahat- iyon ay huwag munang umuwi sa kani-kanilang bahay na pabor naman sa akin. "Shucks! Ang pogi!" Melo almost shrieked. Natigil tuloy kami sa pagbaba sa mahahabang steps. Nasa lima lang yata ang baitang niyon bago kami tuluyang makababa sa may walkway. Elevated kasi ang kinatatayuan ng review center. Nangungunot ang noong sinuyod ko ang paligid. Gabi pero dahil sa sagana naman ang ilaw sa bandang ito ng Maynila, maliwanag pa rin at kitang-kita ang nangyayari. Kaya malinaw ko ring nakikita ang mga babaeng katulad ni Melo, parang binudburan ng asin. Kulang na lang ay tumili at namumula na rin ang mga pisngi. I shook my head when I saw the reason of the women's chaos. Literal naman kasi talagang nagkakagulo. It's Sebastian. He's leaning on his car lazily. He's just on his usual sweater and shorts pero dahil malakas ang appeal, agaw pansin talaga. With that height, body and face plus his freaking alfa romeo? Hindi ko masisisi ang mga babaeng naglalaway sa lalaking 'to. The side of his lips rose when he spotted me. He stood straight and waved his hand. "Oh my! Kinawayan n'ya ako! Kami na!" Si Chesca naman ang nataranta ngayon. Sinapak ni Melo ang kaibigan. "Huwag kang delusional! Ako talaga ang kinawayan!" Gusto ko sanang umiwas na lang pero may utang pa nga pala ako sa kanya. I walked straight towards Sebastian. At dahil parehong wala yata sa kanilang sarili sina Melo, napasunod din sila sa akin at ganoon din ang dalawang lalaki. Sebastian raised his brow. Nakaismid na tiningnan n'ya muna ang mga kaibigan ko bago tumuon sa akin ang mga mata. I rolled my eyes. He just smirked. Tiningnan pa n'ya ang nilalakaran ko na para bang kasalanan niyon kung bakit ang tagal bago ako nakalapit sa kanya. "What are you doing here?" medyo iritadong tanong ko. "At paano mo nalaman na narito ako?" "Kilala mo s'ya, Charry?" Niyugyog ni Melo ang braso ko. "Oh my goodness!" Sumali na rin si Chesca at balikat ko naman ang niyugyog. She leaned closer. "Ireto mo naman ako, friend!" Wala pa akong nasasabi ay muling hinila ni Melo ang braso ko. "Parang kilala ko s'ya! From San Sebastian ako, right!" She almost melted. "Sikat s'ya roon kasama ang mga kaibigan n'ya, Charry!" And just like the old times, Sebastian offered his hand to my friends with his signature millions worth-smile. "Sebastian Acostino," pagpapakilala n'ya. Mas lalo tuloy nagkagulo ang dalawang babae at maging 'yong nasa paligid ay halos manghaba ang mga leeg katitingin sa amin. He's literally attracting every women's reaction here. "Melodie!" Mabilis na hinawakan ni Melo ang kamay ni Sebastian. Siyempre pa ay hindi nagpatalo si Chesca. "Franchesca! Ang future mo!" Sebastian laughed heartily. He's enjoying this. Napailing naman ako sa inasal ng mga kaibigan. Kung hindi pa nga nakipagkilala sina Ash ay hindi pa bibitawan ng dalawang babae ang kamay ni Sebastian at pati iyon ay ini-enjoy ng damuho. "Close pala kayo ni Charry?" walang hiya-hiyang tanong ni Melo. Again, I shook my head. Sebastian glanced at me. Ngumisi pa s'ya bago nagkibit-balikat. "Kind of. Best friend ko ang kapatid ni Charry." "Really? Sikat sa school ang mga kaibigan mo at may kuya roon si Cha?" Shock na tumingin pa sa akin si Melo. "Sino sa mga 'yon?" "Hayaan mo na ang kuya ni Charry! Si kuyang pogi ang nandito, s'ya ang yayain nating lumabas ngayong gabi!" Chesca exclaimed. Bago pa tuluyang mag-rumble ang dalawa ay mabilisan ko nang hinila palayo roon si Sebastian. I ignored my friends' overacting gasps. My eyes darted to Sebastian pero balewala lang sa kanya ang talim ng titig ko. Naaaliw na pinanood n'ya ang nag-aasarang sina Melo. "Anong ginagawa mo rito?" Medyo inis na humarap ako sa kanya. "At paano mo nalaman ang tungkol sa review center na 'to?" Namulsa lang s'ya at ngumisi. "I got bored. Kaya naisip kong dumaan dito para sabay na tayong umuwi." He eyed the building I mentioned. "For your last question, I have my ways, Charry." My eyes narrowed. Hindi ko bibilhin ang mga sinabi n'ya. "Siraulo ka ba? Nasa condo ka na pero pumunta ka pa rito para lang sumabay sa akin papunta roon?" "I told you, I got bored." He remained his cool. "Kung nabo-bored ka pala, iba ang pag-aksayahan mo ng oras. I don't have time for your tricks, Sebastian!" pagtataray ko. Heto na naman kaming dalawa, nagtatalo na naman at ang babaw pa ng dahilan. He stepped forward. Kulang na lang ay ipako ko ang mga paa para hindi umatras. Nagawa ko naman pero naghumerantado naman ang puso ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Niyuko n'ya. At dahil hanggang baba n'ya lang ako, kailangan ko pa s'yang tingalain para lang maharap ang mga mata n'ya. "Hindi ka ba thankful na may kasabay kang umuwi nang ganitong oras?" I rolled my eyes. "Hindi tayo close para sunduin mo ako. Hindi tayo magkaibigan para gawin mo ito." He gritted his teeth. Ikiniling pa n'ya ang ulo at tiningnan ako. "I told you, ibinilin ka sa akin ng kuya mo at dahil isa akong mabuting kaibigan kay Alfonso, narito ako ngayon..." Sinulyapan n'ya ang mga kaibigan kong medyo malayo sa amin. "Kung may problema ka roon, pwede ko namang tawagan si Alfon para sabihing ayaw mong binabantayan ka lalo at lalabas ka ngayong gabi." Literal na nanlaki ang mga mata ko. Kulang na lang ay dukutin ko ang cellphone para tawagan si Kuya Alfon pero mas mapapasama kapag ginawa ko 'yon. Hindi magtitiyaga itong si Sebastian na pumunta rito kung hindi ako ibinilin ni Kuya sa kanya. At kung itatanong ko iyon kay Kuya, baka kung ano pa ang isipin ng isang 'yon! "Hindi ko alam kung anong plano n'yo ng mga kaibigan mo pero kung gusto mong pagtakpan kita kay Alfonso, sasama ako," aniya sa matigas na boses. Para bang gustong sabihin na hindi mababali ang desisyon n'yang iyon. "Hindi mo kailangang sumama!" angil ko. "Puwede mo namang sabihin kay Kuya na natutulog na ako!" Humalukipkip s'ya at sandaling sinulyapan ang mga kaibigan ko bago muling tumingin sa akin. "Sinasabi mo bang magsinungaling ako sa best friend ko, Charry?" "Hindi iyon ang ibig kong sabihin— "Then, sasama ako." "And what? Seduce my friends or any woman na makikita mo sa bar?" Hindi ko na napigilan ang sarili. I almost slapped myself when I realized what I just said! Gusto kong magpalamon sa lupa lalo na nang humalakhak s'ya. Ilang sandali pa n'yang kinalma ang sarili bago naaaliw na tumingin sa akin, bahagya pang naiiling. "Seduce?" He chuckled. "In case you forgot, I never seduce women, Charry. They willingly offer themselves— "Pervert!" Tumaas ang isa n'yang kilay. "I won't climb into your bed, Charry. O kahit pa sa mga kaibigan mo. Kung 'yon ang inaalala mo," aniya sa malamig na boses "What?!" My jaw almost dropped. Bakit napunta kami roon? Akala ba n'ya ay hindi pa rin ako nakaka-move on sa kanya? "Nagulat ka yata?" Humalakhak s'ya, puno ng panunuya ang boses. "What? Kung may ikakama man ako ngayong gabi, sigurado akong may consent 'yon from both parties— "Kung sasama ka, manahimik ka at sumama na lang!" Ako ang nagsimula pero mukhang ako ang talo. Dàmn it! Sebastian giggled. Nangingislap pa ang mga mata, tuwang-tuwa dahil nagpatalo ako. "Why don't we play a game, Charry?" he suggested out of nowhere. "Pagtatakpan kita sa kuya mo but let's have a bet." What? Ano bang mayroon at ang dami naman yatang gustong ihain nitong si Sebastian? Pero dahil gusto ko talaga s'yang patulan, hinintay ko kung anuman ang kalokohang sasabihin n'ya. "You're accusing me of seducing women..." He smirked. "Why don't we bet who'll seduce who? Between the two of us?" Nangunot ang noo ko, nalilito sa gusto n'yang sabihin. "Let's play the art of seduction, Sweetheart..." His eyes lingers on me. "The one who climbs on other's bed would be the loser." My eyes widened. He's really ridiculous! Hindi pa rin nagbabago ang isang 'to, mahilig pa ring maglaro! "At bakit naman ako makikipaglaro sa 'yo?" Gusto kong pagsisihan kung bakit pinakinggan ko pa ang damuhong 'to! He tilted his head, smirking. "And why not? Natatakot ka bang mahulog ka ulit sa akin?" What the hell? Ni hindi s'ya kumurap nang sabihin iyon! "Dahil sigurado akong hindi na mangyayari iyon! Bata pa ako that time!" gigil ko. "Then, it won't hurt you. Sigurado rin akong hindi ako ang matatalo..." puno ng tiwala sa sariling sabi n'ya. Mariin ang naging titig ko kay Sebastian. Maybe... I was driven by my pride... or the fact that I once fell for this casanova. Kaya hindi ko na napag-isipan ang sasabihin. Saka siguro ay dahil alam kong hindi naman ako magtatagal dito sa Maynila. "Sure! Let's do that!" pagpayag ko at hindi na pinansin ang paglalim ng ngisi n'ya. "That's my girl." His eyes darkened while smirking more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD