#2

1744 Words
Chapter Two Charm's PoV "Ate ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Beatrice pagkababa namin ng jeep. Nakatanaw kaming dalawa sa pagkataas-taas na building. "Ipapasa ko lang ’tong reference ko. Ako kasi ang pinadala ng university para sa internship," sabi ko at napakunot ang noo ko nang tumawa si Beatrice. "Referral, ate," pagtatama niya kaya binatukan ko siya. "Basta may refer, okay na ’yon!" Nagkamot siya ng ulo dahil sa pagkakabatok ko. "Ate talaga, ang hilig mag-joke. Ikaw? Ipapadala para mag-intern sa Stasevich Designs?" sabi niya at tumawa na naman. Binatukan ko ulit siya at saka lang naisipang tumigil. "Aray ko naman! Kanina ka pa, ah!" reklamo niya. "Manahimik ka nga riyan! Dito ka lang, antayin mo ako. Ipapasa ko lang ’tong refershit ko sa HR." Hahakbang na sana ako papunta sa building nang mabaling ang tingin ko sa bagong park lang kotse. Bumaba ang isang matangkad, matipuno, guwapo at Godlike na lalaki. Napakurap-kurap pa ako. GQ model ba siya? Pero kahit si Zayn Malik na tatlong beses nanalong ‘Best Dressed Man’ sa GQ Magazine ay mahihiya sa isang ’to. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng isang Greek God. Pero parang may mali, e. Abala ako sa pagnanasa sa kanya nang may maalala ako. Nanlaki ang mga mata ko. Patay na! Agad kong hinila si Beatrice sa likod ng isang nakaparadang kotse sa tapat ng building. "Anong proble—" Tinakpan ko ang bibig niya at sinenyasan na ’wag maingay. Para kasing bago pa man ako makapagtago ay napatingin na siya sa gawi rito. Sinilip ko siya mula sa hood ng pinagtataguan kong kotse at nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na siya. "Muntik na ako roon, ah!" sabi ko at chineck ulit ang puwesto niya para tiyaking wala na nga siya. Kinulbit ako ni Beatrice. "Saglit lang, Bea. Baka bumalik siya," sabi ko pero patuloy pa rin siya sa pagkulbit. "Ano ba, Bea!" Patuloy pa rin ako sa pagsilip sa may hood at pilit kong kinikibit ang balikat ko dahil sa kulit ni Beatrice. "Ate!" Napatingin ako sa baba at nakita ko si Beatrice na nakaupo at nakasandal sa may gulong ng kotse. Nginuso niya ang likuran ko at dahan-dahan akong lumingon. Napaayos ako ng tayo nang makita ’yong lalaki. He's raising an eyebrow at nakahalukipkip pa. "Uh—Hi... Hehe." I smiled awkwardly. "We meet again!" he said then smirk. "Sorry! Matagal na naman ’yon, e! Hindi mo na naman ako planong patayin, ’di ba? Tulad ng sinabi mo noon nung nasa kotse mo tayo?" walang prenong sabi ko dahil sa takot na baka totohanin niya ang sinabi niya noon. "May malay ka noon?" galit na tanong niya at napatakip ako sa bibig ko. Ang tanga mo, Charmaine! Nagpanggap kang walang malay noon, ’di ba? Para makalayo ka kay Francis. "W-wala!" sabi ko with matching hand gesture pa. "Really? E paano mo nalamang balak kitang patayin oras na magkita ulit tayo?" Bawat hakbang niya palapit sa akin ay siya namang hakbang ko paatras. "’W-wag kang magkakamaling s-saktan ako! Kundi sisigaw ako!" pagbabanta ko pero parang wala siyang narinig. "Do what you want." He challenge me. "H-huwag mo akong susubukan. P-pag-aari ko ang building na ’yan! Kaya isang sigaw ko lang, lalapit na ang mga guwardiya." Pagsisinungaling ko. Sana lang ay maniwala siya. Mukha namang naniwala siya dahil tumigil siya sa paghakbang. "Really?" He smirks. Okay, hindi pala siya naniniwala. Pero kailangan kong panindigang ako ang may-ari ng building na ’yan para matakot siyang saktan ako. "Oo, isa akong Stasevich. And I own that building!" Tinuro ko pa ang mataas na building. "Ikaw? Isang Stasevich? Ni maging maid nga ng mga Stasevich hindi ka papasa, e!" he jerkily said. "What? I'm the heiress of Stasevich. Bakit ba ayaw mong maniwala?" taas noo kong tanong. "Because the last time I checked, I owned that building. And as far as I remember, I'm the only heir of Stasevich." Siya raw ang only heir? Eh Stasevich din kaya si Aldrick. Meaning, hindi lang siya ang— "ANO?" Literal akong napasigaw nang ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya. "Are you deaf? I said I'm a Stasevich and I own that building that you so called yours. Or else, anak ka rin ng daddy ko sa ibang babae like Aldrick?" sabi niya at itinuro pa ang malaking building. "You're kidding... right?" Umiling siya nang marahan at napalunok ako. "Tell me, what's your business here?" seryoso niyang tanong at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You're obviously not an applicant," sabi pa niya. Naka-jeans at shirt lang kasi ako. "H-hindi..." "Good, cause if you are, I sure as hell you won't be hired. Sa guards pa lang, bagsak ka na." Muli siyang ngumisi. Jerk! "I'm not an applicant. Ako ’yong pinadala ng University," taas noo kong sabi at napataas ang kaliwang kilay niya. "Pinadala?" "Yep. I brought my reference and endorsing letter actually." Iwinagayway ko ang envelope na hawak ko. "You mean referral and endorsement letter?" kunot-noong sabi niya. "Oo, ’yon! Heto oh..." Inilahad ko pa sa kanya ang envelope pero tinignan niya lang ’yon. Nagtaas siya ng kilay at galit akong binalingan ng tingin. "Miss, you don't know how prestigious SD is. So makakaalis ka na dahil tatawag ako sa university para magpadala ng mas matinong intern," sabi niya at tinalikuran na ako. Loko ’yon ah. "Sir! Sandali lang..." Hinabol ko siya pero malalaki ang hakbang niya. "Sir! Kailangan ko lang talagang makapasok sa SD!" Hinila ko siya sa balikat at napaharap siya sa akin. "What the hell!" Pabalang niyang tinabig ang kamay ko. "Uh... Sinong dating pangulo ng Pilipinas ang fan ng Kpop at Kdrama?" Nangunot ang noo niya. "Ha?" "E ’di si Korea—quino!" sabi ko at humagalpak ako ng tawa. Na mabilis ring naputol nang talikuran niya ako at nagsimula ulit na maglakad. "Huy, hindi mo gets? Cory Aquino. Korea—quino," in-explain ko pa habang nakasunod ako sa kanya na papasok na ng building. Hinila ko ulit siya sa braso kaya hinarap niya ako. Magjo-joke pa ulit sana ako kaya lang ay sininghalan na niya ako. "Miss, I'm a busy man. Don't waste my precious time!" sabi niya at tinalikuran na naman ako. Nag-jog ako para mahabol siya. Hire me! Muli kong hinaklit ang braso ni Mr. Stasevich bago pa man siya makapasok sa lobby ng kanyang building. Napapalingon pa sa amin ang mga empleyadong naroon. "Precious time? Akala mo ba oras mo lang ang nasasayang? Nakakahiya naman sa humilitiness mo. I've done my part. Bahala na si Aldrick, hindi ko alam na ganito ka-sungit ang kapatid niya!" sabi ko at tatalikuran ko na sana siya kaya lang ay siya naman ang nagsalita. "You know my brother?" "Duh? Best friend ko siya at siya mismo ang nag-refer sa akin!" sabi ko. Matagal niya akong tinitigan. Mayamaya lang ay dumukot siya sa back pocket ng dress pants niya. "H-hoy! Baril ba ’yang bubunutin mo?" Bigla akong nag-panic. Baka ngayon na niya ako papatayin? "What? I'm not a licensed gun owner," he said and I heave a sigh of reliever. Reliever ba o relieve lang? O puwede ring relief? Bumunot siya ng wallet at kumuha ng malutong na isang libo. Iniabot niya iyon sa akin. "Anong gagawin ko rito?" tanong ko pagkatanggap ng pera. "Bumili ka ng dictionary. Kapag may nahanap kang word na humilitiness, you're hired," sabi niya at tuluyan na niya akong iniwan at pumasok sa building. What. The. Cat? Nilapitan ako ni Beatrice. "Saan mo napulot ’yong humilitiness, Ate?" tanong niya. "Humility ang sabi ko," I defend myself. "Humilitiness, ate! Dinig na dinig ko," natatawa niyang sabi. "Kung sa humilitiness nakasalalay ang internship mo, wala ka nang pag-asa." Naiiling na sabi niya. Aldred's PoV "Good morning, sir!" Everyone greets me as I passed them by. Neither of them I greeted back nor gave any single glance. "Appointments?" I ask my secretary nang salubungin niya ako at pinagpindot ng elevator. Sumakay kami at tinignan niya ang schedules ko. "Board meeting in 30 minutes, Mr. Stasevich," sabi niya. "Cancel it," I simply said as if it's just nothing. Well, it's really just nothing. "P-po? Pero nasa conference room na po—" "I. said. cancel. it." I emphasize every damn word. Kahit hindi ko siya tinitignan ay alam kong natatakot na siya. "Baka po m-magalit—" I get my phone. "Kapag nagalit sila, they can set appointments with me just to complain. Or simply tell them they can pull out their shares," I said as I tap on my iPhone. I ring him. "Where are you, asshole?" I ask immediately the moment he answered on the nth f*****g rings. "Why do I already knew why you gave me a ring?" he said then laugh. "Be there in a bit." He hangs up. Mabuti naman at nagkusa na siyang pumunta rito. Mas importanteng makausap ko muna ang lalaking ’yon. It's more important than the board meeting. Nagpunta na ako sa office ko at agad nagsimula sa trabaho. There's so much papers to sign. Dammit. Biglang bumukas ang pinto at kilala ko na agad kung sino ang pumasok. "It would mean the world to me if you'll learn how to knock," I said sarcastically nang palapit na siya rito. Naupo siya sa tapat ng table ko. "Alam ko namang walang milagrong nangyayari dito sa boring mong office, e," sabi niya at tumawa siya. "What the hell are you talking about?" I frown. "You won't f**k your sexy secretary, will you?" he asked. "I don't find her sexy." I shrug. "Exactly," he said at bigla siyang nagseryoso. "About Charm's internship..." he started. "The girl a while ago?" "Yea," "The reason why you're here. Dude, anong naisipan mo at siya ang pinadala mo rito?" tanong ko. "She's my best friend, dude," is all he said. "So she'd take you for granted?" "Take me for granted? No, dude. I was the one who forced her to have her internship here." He presses and I don't get him. "Aldrick, it's Stasevich Designs. We're the leading company when it comes to fashion designs. Tapos magpapasok ka ng intern na pinagsasama ang humility at humbleness?" sabi ko at tumawa siya nang malakas. "What do you mean?" "Who the f**k invented the word humilitiness?" "Well, Charmaine Capili..." Tumawa na naman siya. "But seriously, dude, she's my best friend and I know how great designer she could be." "I. don't. need. her!" "Dude, her mom and dad were former supermodels. Her sisters, which are twins are both models now. She grew up surrounded by models kaya gamay na gamay na niya ang mga designs," he explains. "It's still a no." "Kuya naman! Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo. Tatanggihan mo pa ba ako? Pagkakataon ko na 'to para matuwa sa akin si dad for the first time. Matutuwa siya kapag naging successful ang kaisa-isang intern na ipinasok ko," he said lowly but no hint of bitterness. I groaned. "You're blackmailing me," I said. "I'll take that as a yes." Bigla na lang siyang tumayo at naglakad na palabas. "Aldrick! Hindi pa ako umo-oo!" Sinarado na niya ang pinto at wala na akong nagawa pa. What. The. Actual. f**k? —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD