Prologue
— Prologue —
— Her Side —
"Francis, do you take Charmaine Capili to be your lawfully wedded wife? In sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?" tanong ng pari kay Francis, ang lalaking aking pakakasalan.
"I do, father," tugon nito at ngumiti sa akin. Nilingon ko ang mga taong pinapanood ang palitan namin ng I do's. Nilingon ko ang aking ina, she's crying. Umiiyak siya dahil ito ang pangarap niya.
"Charmaine, do you take Francis Ocampo to be your lawfully wedded husband? In sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?" Huminga ako nang malalim. Hinawakan ko ang may laylayan ng aking wedding gown at humarap ako kay Francis.
"Babe, tinatanong ka ni Father," sabi nito. Bigla na lamang tumulo ang luha ko. "Babe, are you alright?" Itinaas ko ang belong tumatakip sa aking mukha para maharap siya nang ayos.
"I'm sorry." Pumiyok na ako at mas tumulo ang aking luha.
"What? Charmaine, don't do this to me," halos pabulong niyang sabi. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mga bisita at napuno na ng bulungan ang simbahan.
"I'm sorry..." Mas hinigpitan ko ang kapit sa aking gown at nagsimulang tumakbo palabas ng simbahan. Naririnig kong sinusundan ako ni Francis.
"Charmaine! Pag-usapan natin ’to!" sigaw niya. Bwisit, kung kailan naman nagmamadali, saka walang dumaraang taxi. Hindi ko puwedeng gamitin ang bridal car dahil pag-aari ’yon nina Francis.
Bahala na! Paparahin ko na lang kahit sino ang dumaan.
— His Side —
"You really have a gorgeous wife-to-be, son," my mom tells me as I watched Cynthia walks down the aisle. I felt the wetness of my eyes. Finally, after five years, we're finally tying the knot.
I frown when her slow walk turns in a hurry. She hurriedly walk towards me with her cheeks completely soaking.
"Anong problema?" I asked her nang nasa harapan ko na siya.
"I can't do this. I'm sorry, Aldred. But I can't do this." Nanginginig ang mga tuhod ko. Tell me she's not backing out.
"Cynthia naman—CYNTHIA!" I called her when she started running out the door. Hinabol ko siya.
Bigla siyang sumakay sa bridal car at mabilis na pinatakbo ’yon. Sumakay ako sa kotse ko. Dammit! She can't do this to me. Mahal ko si Cynthia.
"Manong, sundan ninyo ’yong kotse ni Cynthia!" utos ko sa driver ko at agad naman siyang nag-drive. s**t! Kailangan namin siyang maabutan. "Bilisan mo, manong!" Hindi niya ako puwedeng basta-basta na lang iwanan sa harap ng altar. Nag-ring ang phone ko at si mommy ang natawag. Alam kong nag-aalala na rin siya.
"Mom..." I answered the call.
"Is everything alright, son?" nag-aalalang tanong ni mommy. Nakarating na kami sa kabilang barangay ay sinusundan pa rin namin ang kotse ni Cynthia.
"Yes, mom, I'll call you later—f**k!" Pagkababang pagkababa ko ng tawag ni mommy ay biglang nagpreno ang driver ko. "Manong, bakit kayo tumigil?" inis na tanong ko nang huminto siya sa tapat ng isang simbahan. Ang simbahan sa barangay na ito.
"Eh kasi sir..." Tinuro ni manong ang harapan ng kotse. May babaeng nakatayo at nagwawagayway pa ng kamay.
"What the f**k!" I swore. Bigla niyang pinagpupukpok ang hood ng kotse ko. Really? Kung kailan naman nagmamadali kami!
I open the door at bababain ko na sana ang baliw na babae nang bigla siyang tumakbo palapit dito sa pinto ng backseat. Puwersahan niyang hinatak ang pinto at tinulak ako pabalik sa loob. Bigla rin siyang sumakay.
Tinulak ko ang balikat ni Mang Rigor para magpatuloy siya sa pagda-drive nang hindi tuluyang makalayo si Cynthia habang kinokompronta ko ang baliw na babaeng ’to.
"What the actual f**k!" Hinarap ko siya nang mabilis na ulit na nagda-drive ang driver ko.
"Sorry, pero puwede bang makisabay?" she begs.
"Miss, nagmamadali rin kami. Get the hell out of here!" sabi ko. Saglit siyang hindi nakasagot at mayamaya lang ay bigla nawalan ng malay. "s**t!" Her head falls off my shoulder. We really need to drop her now.
"Sir, anong gagawin natin diyan?" tanong ni manong.
"Leave her somewhere. We need to follow Cynthia's car," sabi ko sa driver.
"E pero sir, kanina pa po nawala ang sasakyan ni Miss Cynthia," sabi ni manong habang sumusulyap sa daan para hanapin ang kotse ni Cynthia.
"f**k! f**k! f**k!" I curse and curse and curse. Kasalanan ’to ng babaeng ’to! Kung hindi siya humarang—napatigil ako nang ma-realize na naka-wedding gown pala siya.
"Sir, kailangan muna siguro nating idaan ’yan sa ospital," sabi ni manong and I growled.
"Fine! Drop her off then!" Pilit kong nilalayo ang katawan niya sa katawan ko pero ang bigat niya.
— Her Side —
"Sa pinakamalapit lang na ospital ninyo ’to dalhin, manong," sabi ng lalaki. Kahit hindi ko siya nakikita ay halatang-halata sa tono niya ang sobrang inis at galit.
"Oho, sir!"
"Pasalamat ’tong babaeng ’to at wala na siyang malay. Dahil kung hindi, baka mapatay ko pa ang babaeng ’to." Napalunok ako sa sinabi niya. Mukhang tototohanin niya ang sinabi niya kaya mas minabuti kong magpatuloy ako sa himatay-himatayan.
Balak ko kasi ay bababa ako kapag feeling ko ay nakalayo na ako sa simbahan. Bahala na. Pagdating sa ospital na lang ako mumulat.
—