┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Kanina pa hindi mapalagay ang dalawang magkaibigan habang si hinahanap nila si Remy. Si Makoy ay dalawang beses ng nagtungo sa hotel na pinapasukan ni Remy ngunit hindi pa rin niya ito mahanap-hanap. Matinding pag-aalala na ang nararamdaman ng dalawa dahil kahit maging ang phone ni Remy ay naka off na rin.
"Nasaan na si Remy? Bakit hindi pa siya nakakauwi dito? Tang-na kung saan-saan na ako nakarating pero hindi ko mahanap si Remy. Nag-aalala na ako. Iyan na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayokong magtrabaho ng mas malayo dahil hindi ko kayo masusundo. Tang-na! Remy nasaan ka na ba?" ani ni Makoy na kanina pa nag-aalala dahil dalawang beses na niyang pinuntahan si Remy sa pinapasukan nitong hotel, pero ang sabi sa kanya ay kanina pa daw ito umuwi. Pabalik-balik siya sa mga lugar na maaaring dinaanan ng kanyang kaibigan, at pikit mata rin niyang pinapasok ang mga matatalahib na lugar upang tignan kung may Remy siyang makikita sa lugar na 'yon, pero wala pa rin.
"Hindi ko nga alam. Kaya nga kita tinawagan kasi hindi pa siya nakakauwi. Nag-aalala na ako at natatakot din ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Makoy tumawag na kaya tayo ng pulis? Kanina ko pa siya tinatawagan pero wala talaga at hindi ito nagri-ring, natatakot na ako para sa kaibigan natin dahil ngayon lang ito nangyari na hindi agad siya nakauwi. Baka kung ano na ang nangyari duon, baka..." ani ni Leng at hindi na tinapos ang sasabihin niya dahil ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda.
"Fuuuuck!" malakas na sigaw at mura ni Makoy.
"Nasaan ang phone mo? Tatawag na ako ng pulis, kailangan na natin ng tulong nila. Hindi pwedeng wala tayong ginagawa dahil hindi natin alam kung ano na ba talaga ang tunay na nangyayari sa kanya," wika ni Makoy kaya agad namang iniabot ni Leng ang kanyang phone ss kanyang kaibigan.
"Bilisan mo Makoy. Hindi na talaga ako mapakali," ani ni Leng na umiiyak na dahil sa takot na nararamdaman ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay may nangyaring hindi maganda sa kanilang kaibigan.
Tatawagan na lang sana ni Makoy ang police station ng may kumatok sa pintuan kaya sabay pa silang napatingin sa pinto. Kumabog ng mabilis ang puso ni Leng dahil iniisip niya na si Remy na ang dumating.
"Ayan na yata si Remy," excited na ani ni Leng at agad na binuksan nito ang pintuan. Pero laking gulat nila ng makita nila na nakatayo si Lucio sa harapan ng pintuan, seryoso ang mukha na nakatitig lang sa kanilang dalawa ni Makoy. Kilalang-kilala nila kung sino si Lucio kaya hindi sila makapaniwala kung ano ang ginagawa nito sa harapan nila. Sa tabi ni Lucio ay si Rich na hindi malaman kung ngingiti ba ito o yuyuko na lamang.
"Nagsinungaling ka sa amin Rich? Kilala mo sila? Sila ba 'yung tinutukoy mo na mga pinsan mo?" ani ni Makoy na titig na titig sa kaibigan ni Diego. Hindi naman malaman ni Rich kung paano sasagutin ang tanong ng kaibigan ni Remy, ayaw niyang isipin ng mga ito na hindi totoo ang ipinakita niya sa mga ito, dahil ang totoo ay napapalapit siya sa tatlong magkakaibigan.
"Kung nagsinungaling man siya ay may dahilan siya. Pero hindi iyan ang sinadya namin dito. Nandito kami upang ipaalam namin sa inyo na nasa poder namin si Remy at kung gusto ninyo siyang makita ay sumunod lang kayo sa amin," sagot ni Lucio na seryosong nakatingin sa dalawang magkaibigan.
"Kinidnap ninyo si Remy?" Malakas ba sigaw ni Makoy kaya napa-iling lang ng ulo si Lucio at nagsimula na itong maglakad pabalik ng lumang bahay.
"Hindi nila kinidnap si Remy, malalaman na lang ninyo pag dating sa bahay," mahinang ani ni Rich pero hindi siya pinansin ni Leng at ni Makoy at masama lamang siyang tinitigan ng mga ito.
"Alam kong galit kayo sa akin pero wala kaming hangaring masama. Hindi na lang ninyo na makarating kayo ng bahay para malaman ninyo ang ibig kong sabihin," dagdag na ani ni Rich. Hindi pa rin nagsasalita ang dalawang kaibigan ni Remy at sumunod na lamang sila patungo sa lumang bahay.
Pagkarating nila sa loob ay inabutan nila sila Marcus na nakaupo sa sofa. Kilala nila ang grupo ni Diego pero wala silang kaalam-alam tungkol sa tunay na pagkatao ng mga ito.
"Nasaan si Remy? Bakit ninyo siya dinukot? Ilabas ninyo si Remy kung ayaw ninyong tumawag ako ng pulis!" Galit na ani ni Makoy. Natawa naman ng pagak si Marcus at ibinuga ang usok ng kanyang sigarilyo.
"Huwag mo nga akong tinatakot Makoy at baka may kalagyan ka sa akin. Pasalamat ka at kaibigan ka ni Remy dahil kung hindi, baka tustado ka na lalo na 'yang dila mo," inis na sagot ni Marcus. Hindi naman nakakibo si Makoy habang natatawa ang mga kaibigan ni Marcus.
"Tara duon tayo sa itaas para makita ninyo si Remy," ani ni Rich. Nagmamadali namang umakyat ng hagdanan si Leng at tinawag ang pangalan ng kanyang kaibigan.
"Remy! Nandito na kami, uuwi na tayo!" Malakas na ani ni Leng ngunit walang sumasagot. Binuksan naman ni Leng ang isang silid at tumambad kay Leng at Makoy si Remy na nakahiga sa kama na walang malay habang si Diego ay nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig lamang kay Remy
"Anong ginawa mo kay Remy?!" Malakas na sigaw ni Makoy at akma niya susuntukin si Diego ng bigla itong tinutukan ng baril ni Lucio kaya napatili si Leng sa takot.
"Subukan mong idampi 'yang walang kwenta mong kamao sa kaibigan ko at sasabog ang utak mo sa sahig," pagbabanta ni Lucio.
"Walang ginawang masama si Diego sa inyong kaibigan. Iniligtas namin siya kanina sa mga lalaking dumukot sa kanya. May ipinaamoy sila ss kaibigan ninyo na pampatulog kaya wala siyang malay ngayon. Lung hindi kami dumating kanina, isipin na lang ninyo kung ano ang maaaring mangyari sa kanya ngayon. Limang lalaki ang nakalaban namin kanina at pinaulanan kami ng bala ni Diego ng ililigtas namin si Remy, pero hindi nila kami nagalusan, sila la ang nakalibing ngayon sa kung saan. Kasalanan nila 'yon, mga gago sila," wika ni Marcus kaya gulat na gulat sila sa kanilang mga narinig.
"Oh my God, kawawa naman ang kaibigan ko," umiiyak na ani ni Leng ng nilapitan nito si Remy na wala pa ring malay. Tumayo naman si Diego at lumabas ng silid, ngunit bago pa man ito makalabas ng silid ay nagsalita ito.
"Hindi ninyo siya maiuuwi ngayon. Dito na siya matutulog ngayong gabi dahil wala pa siyang malay. Kakausapin ko siya bukas sa oras na gumising na siya," ani ni Diego. Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid at hinayaan ang dalawang kaibigan ni Remy na mapagmasdan ang dalaga.
"Beshie gising ka na beshie. Sorry kung hindi ka namin nasundo ni Makoy. Please beshie gumising ka na," umiiyak na ani ni Leng.
"Kasalanan ko ito dahil nag over time ako sa trabaho. Dapat ay umuwi na lang ako sa oras para sana nasundo ko siya," ani ni Makoy.
"Kahit na sunduin mo siya, mapapahamak pa rin kayo dahil may baril ang limang lalaki na nagtangkang dumukot sa kanya. Magpasalamat na lang kayo dahil natunton kayo dito nila Diego kaya nasubaybayan ni Diego ang bawat kilos ni Remy," ani ni Calix. Hindi naman nakapag salita si Makoy at titig na titig lamang ito kay Remy na nakahiga lang sa kama at tulog na tulog.
"Remy, please wake up." Bulong ni Makoy at kita sa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa kanilang kaibigan. Sa babaeng mahal niya ngunit kaibigan lamang ang kayang ibigay nito sa kanya.
Lumipas pa ang mga oras at nagpaalam na rin si Leng at si Makoy na babalik na lang sila kinabukasan ng maagang-maaga para kung sakaling magigising si Remy ay nanduon sila upang damayan ito.
Si Diego naman ay bumalik sa kanyang silid kung saan ay natutulog si Remy ng makaalis na ang dalawang kaibigan ni Remy. Malalim na ang gabi at nakakaramdam na rin ng matinding pagod si Diego kaya naglatag ito sa sahig upang matulog na.
Sa kalaliman ng gabi ay biglang napabalikwas ng bangon si Diego ng biglang magsisisigaw si Remy, kaya agad niya itong nilapitan upang damayan ito at ipabatid dito na ligtas na ito sa kapahamakan.
"Bitawan ninyo ako! Mga hayop kayo, bitawan ninyo ako!" malakas na sigaw ni Remy kaya agad na nilapitan ito ni Diego at niyakap ng mahigpit.
"Hey, stop please. Huwag ka ng matakot, si Diego ito, ligtas ka na," bulong ni Diego habang yakap niya ang dalaga na nagwawala.
"Mga hayop kayo, bitawan ninyo ako!" sigaw pa rin ni Remy kaya biglang napasugod sa silid ni Diego ang kanyang mga kaibigan.
"Please stop, ligtas ka na. Ako ito, si Diego, niligtas ka namin ni Marcus sa mga taong 'yon. Ligtas ka na at wala na sila," bulong ni Diego habang yakap niya ng mahigpit ang babaeng itinitibok ng kanyang puso.
Biglang napa-angat ng mukha si Remy ng tila ba natauhan ito. Laking gulat niya ng makita niya si Diego na yakap pa siya kaya agad niyang tinulak ang binata at sumiksik sa gilid ng kama.
"Huwag kang matakot, iniligtas ka ni Diego sa kapahamakan. Lihim ka niyang sinusubaybayan upang manatili kang ligtas, at nagkataon habang hinahanap ka namin upang sundan ay nakita naman namin na kinakaladkad ka papasok ng sasakyan ng limang lalaki, at pinatulog ka pa kaya wala ka ng naging laban pa. Naaalala mo ba 'yon?" ani ni Marcus.
"Mga hayop sila! Gusto nila akong gawan ng masama, narinig kong sinabi ng isa sa kanila na madadagdagan daw ang biktima nila dahil may kaibigan pa raw akong isa na lagi nilang nakikita. Si Leng, tulungan ninyo si Leng baka balikan sila ng mga hayop na 'yon. Please nakikiusap ako sa inyo, iligtas ninyo ang kaibigan ko," umiiyak na ani ni Remy.
"Ligtas na kayo, wala na sila at hindi na nila kayo magagambala ba at magagawan ng kawalang-hiyaan. Magtiwala ka sa sinasabi ko, wala na sila at nanduon na sila kung saan sila nararapat," sagot ni Diego.
Lunod sa luha ang mga mata ni Remy habang titig na titig siya kay Diego, at pagkatapos ay nagmamadali siyang lumapit sa binata at niyakap niya ito ng mahigpit. Gulat na gulat man si Diego, pero gumanti ito ng yakap sa dalaga habang napapatingin siya sa kanyang mga kaibigan.
"Huwag ka ng umiyak, nandito lang ako sa tabi mo at mananatili ako dito sa tabi mo kung kinakailangan," bulong ni Diego sa dalaga habang panay ang pag-iyak nito sa dibdib ng binata.
"Takot na takot ako, akala ko iyon na ang huling buhay ko. Nakikita ko sa mga mukha nila ang kawalanghiyaan nila, akala ko mawawala na ako sa mundo," umiiyak na ani ni Remy.
"Hinding-hindi 'yan mangyayari dahil habang nandirito ako, mananatili kang ligtas at hindi ko hahayaan na may mangyari sa 'yong masama. Mula ngayon ay ako na ang maghahatid sundo sayo, hindi kita pipigilan sa kahit na anong gusto mong gawin, kahit na ang bumalik ka pa sa trabaho mo, pero ako ang maghahatid sundo sayo. Sana ay hayaan mo ako na gawin ito sayo. Hayaan mo lang ako, Remy," wika ni Diego. Hindi naman kumikibo ang dalaga, nananatili siyang walang sagot at panay lamang ang kanyang pag-iyak.
"Babalik na kami sa aming pagtulog, ganuon din kayo dahil kailangan ninyo ng pahinga, lalo ka na Remy," wika ni Marcus at lumabas na sila ng silid ni Diego.
Tahimik naman si Diego at yakap lamang niya ang dalaga, hanggang sa kusa nang bumitaw sa pagkakayakap si Remy at tila ba ito nahihiya na tumingin sa ibang direksyon bago ito nagsalita.
"Ma-matutulog na muna ako," ani niya na hindi makatingin kay Diego. Kinuha naman ni Diego ang nanlalamig na mga kamay ng dalaga at hinalikan niya ang likod ng palad nito.
"Mula ngayon, ako na ang maghahatid sundo sa iyo. Hintayin mo ako sa apartment ninyo at hindi ka aalis ng hindi ako ang kasama mo sa pagpasok mo sa trabaho," wika ni Diego. Tumutulo pa rin ang mga luha ni Remy habang nakatitig lamang ito kay Diego na panay ang salita.
"Bakit mo ba ako sinundan dito? Lumayo na nga ako, hindi ba?" ani ng dalaga.
"Kung wala ako dito, pinagsasamantalahan ka na ng mga hayop na 'yon. Buti na lang at ginawa ko ang lahat, mahanap lang kita upang mabantayan ka. Huwag ka ng magreklamo pa dyan dahil mula sa araw na 'to, hindi ka na aalis ng wala kang kasama. Nagkakaintindihan ba tayo? Sasamahan kita sa loob ng hotel na 'yon at aalis lang ako kapag nakapag log in ka na sa loob. Kukuhanin ko ang schedule ng pag-uwi mo para alam ko lahat kung kailan ka may overtime or kung kailan maaga ang uwi mo," wika ni Diego. Hindi naman nakapag salita si Remy, hindi niya sinagot ang sinabi ni Diego. Pero kahit na tumanggi siya ay wala na siyang magagawa pa dahil hindi na siya hihiwalayan pa ni Diego.
"Matulog na tayo, inaantok na ako," ani ni Remy na hindi makatingin kay Diego.
"Kung magtatrabaho ka bukas, ako ang maghahatid sayo, sa ayaw at sa gusto mo," wika ni Diego at tumayo na ito mula sa pagkaka-upo niya sa gilid ng kama.
Napatingin naman si Remy sa binata ng makita niya na nahiga na ito sa sahig. Wala itong unan, tanging binilot na damit lamang ang ginagamit nito kaya kinuha ni Remy ang isang unan na gamit niya at ibinigay ito kay Diego.
"Okay lang ako, baka sanay ka sa dalawang unan," wika ni Diego.
"Kuhanin mo na ito, sasakitan ka ng ulo kapag iyan ang gamit mo. Sige na, at kapag hindi mo 'yan tinanggap ay hindi ako magpapahatid sayo sa trabaho," ani ni Remy kaya biglang nag-angat ng tingin si Diego at napatitig sa mukha ng dalaga.
"Talaga? Magpapahatid-sundo ka na sa akin?" gulat na tanong ni Diego at hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Nang tumango si Remy ay agad nitong tinanggap ang unan habang ang laki ng kanyang pagkakangiti.