❀⊱Remy's POV⊰❀ Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ilang ingay, hindi pa ako sigurado kung ano ang ingay na 'yon pero parang boses ni Leng. Ipinikit kong muli ang mga mata ko dahil akala ko ay nananaginip lamang ako, pero muli ko itong idinilat ng marinig ko ang sinabi niya. "Nasaan ang kaibigan ko? Gising na ba sya?" Pagkarinig ko ng boses ni Leng ay bigla akong napabangon. Napatingin ako sa alarm clock na nasa may gilid ng kama at eksaktong alas sais na ng umaga. Napatingin ako sa sahig, tulog na tulog pa si Diego kaya maingat akong lumabas ng silid upang puntahan ang kaibigan ko. Sinigurado ko na ang bawat hakbang ko ay hindi magbibigay ng langitngit sa sa sahig ng lumang bahay upang hindi magising si Diego. Nang makarating ako ng unang palapag ay niyakap agad ako ng aking kaibiga