┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Bakit may toyo ka diyan? Kanina ko pa napapansin na masama ang timpla ng mood mo, ano ba problema mo?" ani ni Thomas. Titig na titig siya kay Diego na kanina pa naiinis.
"Tumingin ka na lang sa bintana. Bakit ba kasi ganuon ang suot niya? Hindi siya dapat nagsusuot ng ganuong klase ng damit, saka bakit nakalugay ang buhok niya? Dapat nakapusod para walang umaligid sa kanya. Bwisit! Naiinis ako!" inis na ani ni Diego. Tumingin naman si Thomas sa bintana at pagkatapos ay natawa siya at muling bumalik sa tabi ng kanyang kaibigan. Hindi mawala ang tawa ni Thomas dahil alam niya na nakakaramdam ng selos si Diego kung sakaling may taong aaligid kay Remy.
"Wala namang masama sa suot niya. Naka jeans lang naman siya at isang t-shirt na hapit sa katawan niya. Seksi pala ang itinatagong katawan ng kinababaliwan mo. At bagay na bagay sa kanya ang nakalugay na buhok. Ibang tao siyang tignan. Hindi ko nga nakilala ang hitsura niya, magandang babae bro," sagot ni Thomas sa kanyang kaibigan na kunot na kunot ang noo dahil hindi nya talaga gusto ang suot nito.
"I know at hindi ko gusto kung ano ang suot niya ngayon," sagot ko. Natawa naman siya at itinulak si Diego patungo ng hagdanan kaya inis siyang nilingon ng kanyang kaibigan.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan Diego. Puntahan mo siya duon at sabihin mo sa kanya na magpalit siya ng damit dahil hindi mo gusto ang suot niya. Sige na, sabihin mo sa kanya na hindi mo 'yon gusto," wika ni Thomas kaya inis na tinabig ni Diego ang braso ng kanyang kaibigan.
"Papasok lang siya sa trabaho niya, kailangan ba na ganuon ang suot niya? Parang hindi naman yata tama na magpa-sexy siya. Bakit, may nanliligaw ba sa kanya sa pinagtatrabahuhan niya? Subukan lang nila at ipapasara ko ang hotel na 'yon," inis na ani ni Diego. tawang-tawa naman sa kanya si Thomas dahil nakikita nito kung paano ngayon magselos si Diego kahit wala naman silang alam kung may nanliligaw ba kay Remy sa pinagtatrabahuhan nito.
"Umayos ka nga Diego, selos na selos ka diyan wala namang kayo. Ligawan mo muna at pag napasagot mo, saka mo siya bawalan mag-suot ng ganyang klase ng damit. Saka isa pa ay wala namang mahalay sa suot niya, ang seksi nga niyang tignan, ang ganda ng kurba ng kanyang katawan."
"Kahit na walang kami, dapat ay hindi siya nagsusuot ng ganyan."
"Kaya nga puntahan mo siya duon at sabihin mo sa kanya na hindi mo gusto ang suot niyang damit at dapat ay hindi siya nagsusuot ng mga seksing damit. Puntahan mo na bago pa 'yon pumasok sa trabaho."
Sumibangot lang si Diego at muling sumilip sa bintana. Nagulat pa siya ng makita niya na sa bintana nakatingin si Remy. Buti na lang ay may suot siyang sombrero at naka hoodie siya, kaya hindi nito makikilala ang bulto niya.
"Ang ganda niya, hindi siya dapat nagsusuot ng ganyan, wala pa man ay nagseselos na ako sa mga lalaki na maaaring tumingin sa kanya, lalong-lalo na ang Makoy na 'yon. Bakit ba kasi kasama nila ang Makoy na 'yon? Ang sarap niyang gulpihin, 'yung sasabog ang nguso niya para wala na siyang mukhang ihaharap pa kay Remy," inis na ani ni Diego habang pinagtatawanan lang siya ng kanyang kaibigan.
"Paalis na bro, sundan mo na. Mag-uwi ka ng pagkain kapag nasa loob na siya ng hotel. Dumaan ka sa isang maayos na restaurant at bumili ka ng makakain natin, nagsasawa na ako sa niluluto ni Rich," ani ni Thomas kaya bigla siyang napasilip sa bintana. Nakita nga niya na naglalakad na ang tatlo upang pumasok na sa trabaho. Si Makoy ay natanggap bilang isang construction worker kaya kung minsan ay hindi na nila nasusundo pa si Remy, pero lagi namang nakasunod si Diego upang bantayan ang kinababaliwan niyang babae.
"Baliw na baliw ka talaga sa kanya noh? Ibang klase kang magmahal, sana lang ay mapagtagumpayan mo 'yan, bro."
Hindi na siya pinansin pa ni Diego dahil nagmamadali na itong lumabas ng bahay at sumakay agad ng lumang sasakyan. Luma man ang sasakyang gamit nila ay sinugurado naman nila ni Thomas na heavy tinted ang dalawang sasakyang gamit nila upang hindi sila makilala ni Remy. Halinhinan nilang ginagamit ang dalawang sasakyan upang hindi mapansin na iisang sasakyan lang lagi ang nakasunod sa mga ito mula sa malayo.
"Yung bilin ko sayo, hihintayin kita dahil gutom na ako," malakas na ani ni Thomas.
"Oo na! Kapag nakasigurado na ako na nasa loob na siya ng hotel ay hahanap ako ng mabibilhan ng masarap na agahan. Hintayin mo ako, sabay na tayong kumain pag dating ko," ani ni Diego at tuluyan na itong umalis.
Mula nga sa malayo ay nakikita niya na nag-aabang ng tricycle ang tatlo, medyo madalang din ang pumapasok na tricycle dahil looban ang lugar nila. Swerte na lang sila kung paglabas nila ng kanto ay may mahahanap agad sila na tricycle na walang sakay.
Hindi naman nagtagal ay isang tricycle na nga ang dumaan. Pinara naman nila agad ito at sumakay na sila. Unang bumaba si Makoy, at pangalawa si Remy dahil may kalayuan ng kaunti ang paglalako ni Leng ng mga prutas.
Dahan-dahan lang ang pagmamaneho ni Diego at ng mapatapat siya sa hotel ay biglang lumingon si Remy, buti na lang at hindi pa niya naiba-baba ang bintana. Napatingin sa sasakyan si Remy, sinundan pa niya ito ng tanaw pero nagkibit balikat lamang ito at pumasok na sa loob ng hotel kaya umalis na rin si Diego upang maghanap ng maayos na restaurant na hindi na kinakailangan pa na pumunta ng city.
Kakahanap niya ng maayos na restaurant ay nakarating pa rin siya ng city kaya napapailing na lamang siya dahil mas natagalan siya kaysa sa inaasahan niya.
Pagkabalik niya ng lumang bahay ay inabutan niyang naninigarilyo si Thomas at may kausap sa telepono. Ibinaba ni Diego ang paper bag sa table at tumabi ito kay Thomas at tila ba pagod na naupo sa sofa at sumandal.
"Nandito na si Diego, kakausapin mo ba?" ani ni Thomas sa kanyang kausap.
"Ibigay mo sa kanya ang phone. Ang bagal niyang kumilos, kung nakikinig lang siya sa sinasabi ko na kidnapin na lang niya ang Remy na 'yon, eh 'di sana ay tapos na ang kanyang problema," sagot ni Marcus, ang kausap ni Thomas sa telepono.
Ibinigay naman ni Thomas ang kanyang telepono kay Diego na nakasandig ang ulo sa sandalan ng sofa at nakapikit ang mga mata. Hindi naman kumikilos si Diego kaya kusang inilagay ni Thomas ang phone sa kamay ng kanyang kaibigan.
"Kakausapin ka daw ni Marcus," ani ni Thomas kaya idinilat ni Diego ang kanyang mga mata at umayos ito ng pagkaka-upo.
"May misyon ba?" tanong agad ni Diego kaya natawa si Marcus mula sa kabilang linya.
"Wala naman, gusto ko sanang pumunta diyan, wala dito ang asawa ko, nagpunta ng Pangasinan kasama ang byenan ko," ani ni Marcus.
"Huwag na. Baka dahil sayo ay mabuko pa ako," wika ni Diego kaya natawa naman si Marcus.
"Too late bro, on the way na kami diyan at kasama ko si Lucio at si Calix," wika ni Marcus kaya biglang napatayo si Diego habang si Thomas ay tumatawa ng malakas.
"I know, kahit ako ay nagulat na on the way na sila dito. Nuong una ay hindi ako naniniwala pero ng tignan ko ang tracker nila, on the way na nga sila dito," wika ni Thomas.
Inis man si Diego ay wala naman siyang magagawa. Kilala naman nila si Marcus na hindi mapalagay sa iisang lugar. Lalo pa at nakahiwalay sila ngayon dahil nga sinusubaybayan nila si Remy.
"May dala ba kayong pagkain? Buti na lang at walang tao sa kanila ngayon kaya hindi nila makikita ang pagdating ninyo. Lagi pa naman nakatingin dito si Remy, parang nararamdaman ang presensya ko," wika ni Diego kaya malakas na natawa si Marcus.
"Oo, marami kaming dalang pagkain dahil alam kong bihira kayong makapunta ng maayos na restaurant sa lugar na 'yan. Maghanda kayo ng maraming plato dahil marami kaming dalang pagkain," sagot ni Marcus.
Kung ano-ano pa ang napag-usapan nila bago tuluyang natapos ang kanilang pag-uusap. Si Thomas naman at si Rich ay nasa table na at kumakain. Naupo naman ako sa bakanteng silya at nagsandok na rin ako ng pagkain. Uunahan na naming kumain sila Marcus dahil gutom na gutom na kami.
"Finally! Nakatikim ulit ako ng masarap na pagkain," ani ni Thomas kaya tawang-tawa si Diego habang si Rich ay naiinis sa best friend ni Diego.
"FYI, masarap akong magluto," inis na ani ni Rich.
"I know, pero paulit-ulit kaya nakakasawa," kunot-noong sagot ni Thomas. Magsasalita pa sana si Rich pero nakarinig sila ng sunod-sunod na busina sa labas ng gate kaya nagmamadaling lumabas si Diego upang pagbuksan ng gate sila Marcus.
Pagkasara ulit ng gate ay lumabas naman ng sasakyan sila Marcus at napasipol pa ang mga ito ng makita nila ang lumang bahay na binili ni Lucio. Natawa pa si Marcus at napapailing.
"Binili mo talaga ang bahay na ito? Baka kapag sinuntok ko ang haligi ng bahay na 'yan ay magiba na 'yan ng tuluyan. Safe ba pumasok sa loob?" pang-aasar ni Marcus kaya tawa ng tawa sila Calix at Lucio.
"Pumasok na lang kayo sa loob, kung ayaw naman ninyo, diyan na lang kayo sa loob ng mamahalin ninyong sasakyan. Sinisira ninyo ang plano ko, talagang Rolls-Royce pa ang dinala ninyo kaya pinagkakaguluhan kayo sa labas, sira ulo kayo," inis na ani ni Diego kaya natawa na si Marcus at pumasok na rin sila sa loob ng bahay.
"Wala namang masama sa dala naming sasakyan, kunwari na lang ay bisita ninyo kami. Huwag ka ng ma-praning diyan dahil hindi naman kami magpapakita kahit kanino," sagot ni Marcus.
Pagdating nila ng kusina ay naupo na agad sila sa bakanteng silya at inilapag nila ang mga paper bag na dala nila. Inilabas nila ang napakaraming tupperware na may lamang pagkain kaya tuwang-tuwa si Thomas.
"Tamang-tama, may pananghalian at pang-hapunan na tayo. Hindi na ako magtyatyaga sa kakakain ng rice at may kung ano-ano pang kulay green na dahon," ani ni Thomas kaya tawa ng tawa si Diego.
Tapos na akong kumain, duon na lang ako sa silid ko Diego, nakakainis 'yang kaibigan mo, next time lasunin ko 'yan," wika ni Rich kaya tawang-tawa sila Marcus.
Nang sila na lamang ang natitira sa table ay napag-usapan nila kung ano ang mas magandang gawin ni Diego para hindi na sila mag-stay dito ng matagal.
"Makinig ka kasi sa akin. Walang masama kung kikidnapin mo ang babaeng 'yon. Hindi mo naman siya pupuwersahin, ang gagawin mo lang ay paaamuhin mo siya para magkaayos na kayo. Maipapaliwanag mo pa sa kanya ang gusto mong sabihin. Kapag nagkaayos na kayo saka mo siya ibalik sa dati nilang bahay, at sabihin mo sa kanya na liligawan mo siya, kaysa naman nandito kayo at hindi mo malaman kung paano mo siya lalapitan. Pag-isipan mo ang sinabi ko sayo Diego, malay mo 'yan pa ang maging dahilan ng pagkakamabutihan ninyong dalawa," ani ni Marcus.
"Kaya ko namang magtiis, at kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob ay lalapitan ko rin siya. Kumukuha lang kasi ako ng tiyempo para malapitan ko siya," ani ni Diego.
"Sira ulo ka, kailan ka pa kukuha ng tyempo eh mag-iisang buwan na yata kayong nakabantay dito, pero hanggang ngayon ay kumukuha ka pa rin ng tyempo," inis na sagot ni Marcus kaya nagkatawanan na ang mga kasama nila. Masama namang tinignan ni Diego ang mga kaibigan niya.
"Sa totoo lang bro, ang laki ng ipinagbago mo. Hindi ka na isang heartless katulad dati. Sana ay huwag ng bumalik ang ugali mong 'yon, pero sana rin ay kumilos ka na bago ka pa maunahan ng iba. Sabi nga ni Thomas kanina ay unti-unti ng nagbabago ng sarili si Remy, baka may manliligaw na nagugustuhan nito. Kapag hindi ka pa kumilos, baka maunahan ka na ng iba. O kaya naman, kapag nakakuha ka ng tiyempo, si Remy naman ay ikakasal na," tumatawang ani ni Marcus. Natigilan naman si Diego dahil sa tinuran ng kanyang kaibigan. Nakaramdam tuloy siya ng selos at galit, lalo pa at napakaganda talaga ni Remy kanina, parang may pinagpapagandahan ito, at hindi siya papayag na may ibang manliligaw sa babaeng mahal niya.
"Sige pag-iisipan ko." Sagot nito.
"Dito muna kami matutulog, may dala kaming gamit, siguraduhin mo na ang tutulugan namin ay walang kahit na anong insekto," ani ni Marcus.
"Huwag kang mag-alala dahil bawat silid niyan ay bago ang lahat ng kamang tutulugan ninyo," sagot ni Thomas.
Lumipas pa ang mga oras, hanggang sa tumuntong na ang alas sais y media ng gabi. Alas siyete ang uwi ngayon ni Remy, kabisado na ni Diego ang schedule ng dalaga.
"Anong oras mo ba pupuntahan si Remy?" tanong ni Calix.
"Mayamaya lang, maliligo muna ako. Seven o'clock pa ang labas niya kaya marami pang oras, malapit lang naman 'yon dito," sagot ni Diego, pagkatapos ay nagtungo na siya sa banyo upang maligo. Sampong minutos lang naman ang itinagal ni Diego at lumabas din ito ng silid ng banyo na bihis na bihis na. Nag-pabango pa ito na akala mo ay aakyat ng ligaw kaya pinagtatawanan siya ngayon nila Marcus.
"Aalis na ako, diyan na kayo," ani nito at nagtungo na ito ng garahe, pero napamura siya ng makita niya na flat ang isang sasakyan na dapat ay dadalhin niya ngayon.
"Shiiiit!" malakas na mura ng binata at sinipa pa nito ang gulong ng sasakyan. Napatingin siya sa kanyang orasang pambisig at mag-aalas siyete na kaya tinawag niya si Marcus sa loob.
"Pahiram ng susi, flat ang gulong ng sasakyan na dadalhin ko sana ngayong gabi," wika ni Diego. Sa halip na ibigay ni Marcus ang susi ng sasakyan niya ay siya mismo ang lumabas ng bahay at sumakay sa driver seat.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Diego.
"Tara na! Samahan kita," wika nito kaya napapailing si Diego at muling napatingin sa kanyang orasang pambisig. Gusto sana niya ay siya lang mag-isa pero ayaw na niyang makipag talo dahil late na late na sila. Baka mamaya maglakad na naman si Remy dahil napakahirap maghanap ng tricycle kapag ganitong oras na. Kaya sa halip na magreklamo ay sumakay na lang siya sa loob ng sasakyan.
Habang binabaybay nila ang patungong hotel na pinagtatrabahuhan ng dalaga ay panay naman ang tingin ni Diego sa kanyang orasang pambisig. Mahigit alas siyete na ng gabi at sana ay hindi pa nakakalabas si Remy.
Pagdating nila ng hotel ay walang Remy kaya panay ang tingin ni Diego sa paligid. Napapamura ito dahil dapat ay nakalabas na si Remy, hindi tuloy niya alam kung nakauwi na ba ito o naglalakad.
"Bro, paandarin mo nga at baka sakaling makita natin si Remy na naglalakad," ani ni Diego kaya pina-andar naman ni Marcus ang sasakyan. Madilim na ang paligid kaya panay ang tingin nila sa kalsada at baka makita nila itong naglalakad. Pero laking gulat nila ng isang kotseng kulay puti ang nakahinto sa gilid ng kalsada at may babaeng pinupuwersang ipasok sa loob ng sasakyan.
"Si Remy 'yon!" sigaw ni Diego. Mula sa sasakyan nila ay nakita nila naipasok ng mga ito si Remy sa loob ng sasakyan ng may ipinaamoy na tela sa dalaga, kaya agad na pinaharurot ni Marcus ang sasakyan at bago pa man makaalis ng tuluyan ang kotse ay iniharang na agad ni Marcus ang kanyang sasakyan sa harapan ng puting kotse na kumikidnap sa dalaga.
Naglabasan naman agad ang limang kalalakihan na sakay ng kotse at may mga hawak itong baril. Hindi naman natinag sila Marcus kaya paglabas nila ng sasakyan ay pinaulanan na agad sila ng bala.
"Tang-nang mga 'to ah! Huwag ninyo akong galitin!" galit na sigaw ni Marcus at inilabas nila ang tigalawa nilang baril na lagi nilang dala.
"Huwag na kayong magpaka bayani kung ayaw ninyong ibaon namin kayo sa lupa," sigaw ng isang lalaki, kaya sa inis ni Marcus ay inasinta niya sa dibdib ang lalaking nagsasalita kaya walang buhay itong bumagsak. Dahil sa nangyari ay sunod-sunod na putok ang ginawa ng mga kalaban, habang nagtatago sa gilid ng sasakyan si Marcus at si Diego.
"Tang-na! Buti na lang na-flat ang sasakyan mo, baka butas-butas na ang katawan mo ngayon dahil tagus-tagusan ang bala. Buti na lang at bullet proof ang sasakyan ko," ani ni Marcus at muli silang umasinta ng sabay ni Diego at sunod-sunod na putok ang pinakawalan nila kaya sabay-sabay na bumulagta sa sahig ang apat pang kalaban. Nang makasiguro sila na lahat ay wala ng buhay ay nilapitan na nila ang sasakyan. Walang malay si Remy at tinignan din ni Diego kung may tama ng bala ang dalaga, at nagpapasalamat siya dahil hindi ito nasaktan.
Tinawagan naman agad ni Marcus ang mga tauhan na nasa lumang bahay upang linisin ang kalat, buti na lamang at walang mga bahay sa lugar na ito. Pero alam nila na may mga nakarinig ng putukan ng baril.
"Bilisan mo, iwanan na natin ang mga 'yan, papunta na rito ang mga tauhan para maglinis ng kalat," malakas na ani ni Marcus kaya binuhat ni Diego si Remy at ipinasok sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay nilisan na nila ang lugar at bumalik na sila sa lumang bahay na kasama ang dalaga na walang malay.
"Is she okay?" Nag-aalalang ani ng kanilang mga kaibigan ng makita nila na humahangos na pumapasok sa loob ng bahay si Diego na karga si Remy at walang malay.