❀⊱Remy's POV⊰❀ Nakasakay kami ni Leng sa sasakyang dala ni Diego. Nahihiya ako dahil ito ang kauna-unahan na nakasama ko si Diego sa isang sasakyan at nandito pa ako sa unahan, katabi niya. Feeling girlfriend lang ako kahit hindi naman. Nararamdaman ko rin ang mga titig niya sa tuwing napapahinto kami dahil may dumaraan. Kung tutuusin ay malapit lang naman ang hotel na pinagtatrabahuhan ko, pero bakit pakiramdam ko ang layo-layo nito? "Sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap sa pakiramdam at ang hirap ipaliwanag," ani ni Diego kaya napatingin kami sa kanya. Ano kaya ang masarap sa pakiramdam? "Alin ang masarap sa pakiramdam?" tanong ni Leng na nakaupo sa likurang bahagi. Natawa naman si Diego at tumingin sa akin ng may kahulugan at nginitian ako. Tumaas naman ang isang kilay ko kaya natawa