◄Diego's POV► Pagkasakay namin ng sasakyan ay nilisan na namin ang hotel na pinagtatrabahuhan ni Remy. Kaaalis pa lang namin pero gusto ko ng bumalik at puntahan si Remy dahil hinahanap na agad siya ng paningin ko. Pero alam ko namang hindi pwede at ayoko namang takutin si Remy at isipin niya na may saltik ako sa utak. Pero gusto ko talaga ay lagi ko siyang nakikita. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko, at kung pwede ko lang siyang ayaing tumira sa lumang bahay na kasama ako, kanina ko pa sana ginawa. Sigurado naman kasi na hindi sya papayag, hindi niya iiwanan ang kanyang mga kaibigan para lang sumama sa akin lalo pa at wala naman kaming relasyon. "Nanliligaw ba ang Makoy na 'yon kay Remy?" tanong ko. Bigla naman napatingin sa akin ang kaibigan ni Remy na si Leng, habang ako ay diretso la