❀⊱Remy's POV⊰❀ Mahigit na isang linggo ng si Diego ang naghahatid sundo sa akin dito sa hotel. Mabait si Diego at lagi niya akong napapatawa. Ibang-iba talaga siya sa dating pagkakakilala ko sa kanya. Sayang at hindi ko siya nabigyan nuon ng pagkakataon na ipakita sa akin ang tunay niyang ugali, sana bago man lang pumanaw si mama ay naipakilala ko sana siya. Nagsisisi tuloy ako, ilang beses siyang lumapit sa akin nuon, pero dahil may galit ako sa kanya sa mga pinagsasabi niya, heto at pinagsisisihan ko na hindi ko man lamang siya naipakilala, lalo pa at laging nagtatanong si mama sa akin nuon kung may nanliligaw na daw ba sa akin, pero lagi kong sinasabi na wala. Si Makoy lang ang alam niya na manliligaw ko. "Remy, may dumating na bouquet kanina para sayo at isang box ng tsokolate na mam