Chapter 4 -Ang plano-

2124 Words
◄Diego's POV► "Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Thomas. Napatingin lang ako sa kanya habang humihitit ako ng sigarilyo. Tahimik lang ako at panaka-naka akong napapatingin sa orasan kong pambisig. "May hinihintay ka ba? Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo sa orasan mo. Naghihintay na sa atin ang helicopter mo sa helipad ng hotel sa city. Hindi pa ba tayo aalis? May darating ba dito?" dagdag na ani pa niya. "Darating si Rich. May ipagagawa kasi ako sa kanya. Ang sabi niya ay malapit na siya," sagot ko. "Si Rich, 'yung naging kaibigan mo na nagtatrabaho sa mall ng mga magulang mo?" tanong ni Thomas kaya tumango lang ako sa kanya. "Ano naman ang ipapagawa mo sa kanya? Bakit mo siya pinapunta dito?" tanong niya. "Palalapitin ko siya kila Remy para malaman ko kung may relasyon ba si Makoy at si Remy. Pag nagkataon, mabubura sa mundo ang Makoy na 'yan. Huwag niya akong susubukan dahil impyerno ang kalalagyan niya. Hindi kasi ako makalapit sa kanya dahil baka itaboy niya ako at muling magtago. Kaya nga pinapunta ko dito si Rich upang subukan niya na makalapit sa kanila. Kailangan ko lang ng impormasyon tungkol sa relasyon nilang dalawa. Hindi naman tayo pwedeng magtanong-tanong dahil marami ang magtataka at baka masabi pa kila Remy at pagdudahan tayo. Ayokong mawala siyang muli sa paningin ko kaya pinapunta ko dito si Richelle Zerra," wika ko. Napatango naman si Thomas at hindi na ito kumibo pa. Hindi nagtagal ay nakarinig na kami ng ugong ng tricycle. Napatingin kaming pareho sa gate kaya tinawag ko si manang upang buksan nito ang gate. Binili ko ang bahay na ito kahit lumang-luma na ito para naman masubaybayan ko ang bawat kilos ni Remy. Hindi ko siya aalisin sa paningin ko, kaya nga sa tuwing may lakad kami ni Thomas ay may mga tauhan kami na nakamasid at nakasubaybay sa kanya. "Ang layo nito ha! Bayaran mo ang naging pamasahe ko mula sa city. Hindi mo man lang ako ipinahatid hanggang dito, kailangan ko pang sumakay ng tricycle mula duon patungo dito. Ang mahal ng siningil sa akin kasi wala na akong mahanap na jeep," inis na ani ni Rich kaya natawa kami ni Thomas. "Bakit ba kasi hindi mo na lang itanan para matapos na 'yang problema mo. Pati ako dinadamay mo sa problema mo," ani niya. "Hindi nga pwede dahil malaki ang galit niya sa akin. Ikaw lang ang pwedeng makalapit sa kanya dahil hindi ka naman niya kilala. Ang gagawin mo lang naman ay kakaibiganin mo siya para malaman mo kung may relasyon ba sila ng Makoy na 'yon. Tandaan mo na huwag kang magpapahuli na magkakilala tayo," wika ko. "Paano niya akong mahuhuli, hindi naman niya ako kakilala. Naririnig ko lang naman siya sa bibig mo pero hindi pa kami nagkakaharap na dalawa," ani ni Rich. Humugot ako ng malalim na paghinga at tumingin ako sa orasang pambisig ko. Saturday ngayon at wala namang pasok si Remy kaya nandyan lang siya sa kanilang tinutuluyang apartment. "Ikaw na ang bahalang dumiskarte. Magpanggap ka ng tindera ng isda at pautangin mo sila. Sabihin mo na dito ka nakatira sa lumang bahay, at siguraduhin mo na kapag dadalhin mo sila dito ay alam namin upang makapagtago kami sa loob ng silid," wika ko. Matapos ang ilang pag-uusap ay umalis na rin kami ni Thomas. Isang lumang sasakyan ang dala namin, binili lang namin ito upang hindi naman kami maging pansinin. Pagkarating namin ng kabayanan ay dumiretso na kami sa hotel ni Thomas, at nagtungo sa helipad dahil hinihintay na kami ng helicopter ko na dala namin patungo dito. Babalik kami ng Manila dahil may ipinapagawa sa amin si Marcus. Kailangan naming mahanap si Rigor upang matapos na raw ang problema ni Sebastian sa tunay na ama ng asawa nito. "Kapag nakita natin si Rigor, papatáyin agad natin. Iyon naman ang utos sa atin ni Marcus. Unahan daw natin kung sino man ang taong tumutulong kay Rufina. Pipitsugin lang naman daw ang Rigor Lee na ito at kumakapit lang sa malalaking organisasyon upang makakuha ng proteksyon," ani ni Thomas. Hindi naman ako sumasagot. Naiinis kasi ako dahil kaninang umaga ay nakita ko na nagbobomba ng tubig si Makoy kasama si Remy at ang saya-saya nilang dalawa. Pakiramdam ko ay may relasyon silang dalawa na higit pa sa magkaibigan. Hindi maaari dahil hindi ko ito pahihintulutan. Huwag niya akong subukang kataluhin dahil isa akong kriminal. Kayang-kaya ko siyang ibaon sa ilalim ng lupa na hindi na sya mahahanap pa ng kahit na sino. "Okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Thomas. Tumango ako at simple lang akong ngumiti. Humugot ako ng malalim na paghinga at pagkatapos ay marahas akong napahilamos ng aking palad sa aking mukha. "Iniisip mo pa rin ba na may relasyon sila? Sa tingin ko naman ay magkakaibigan lang silang tatlo. Baka tinutulungan lang sila ng Makoy na 'yon kaya kasama nila. Mas okay nga 'yon na may kasama silang isang lalaki sa apartment na 'yon para may taga protekta sila Remy." Natawa naman ako ng pagak. Kung taga protekta lang naman ang kailangan niya ay nandito naman ako at nakahanda ako. Hindi naman niya kailangan ang lalaking 'yon, at hindi ko alam kung bakit kailangang kasama pa nila ang Makoy na 'yon sa paglayo nila. "Iniisip ba ni Remy na ganuon lang niya ako mapagtataguan? Kahit saan siya magpunta ay hindi na mawawala ang anino ko sa kanya." Ani ko. Hindi na siya sumagot pa at nanahimik na lang kaming pareho. Lumipas pa ang kulang isang oras at pababa na rin kami sa helipad ng kumpanya ko. Siguradong naghihintay na sila Marcus sa amin. Sa amin kasi niya ibinigay ang misyon sa halip na kay Sebastian. Baka daw kasi hindi makontrol ni Sebastian ang galit nito na ikapahamak pa ng kaibigan namin. Pagkalapag ng eroplano ay dumiretso na kami sa elevator at nagtungo sa aking opisina. Sinalubong agad kami ng aming mga kaibigan na may mga pagkain pa na nakahain sa malaking table. "Ang dami naman yatang pagkain niyan?" ani ni Thomas na mabilis din namang naupo sa bakanteng silya. "Gutom kami dahil kahihintay sa inyo. Hindi dapat eh kanina pa kayo dito? Ano nangyari at masyado naman yata kayong na-late?" may inis na ani ni Marcus. Natawa naman ako at itinuro ng daliri ko si Thomas kaya binato ako ng kaibigan ko ng buto ng fried chicken. "Gago ka! Ikaw ang dahilan kung bakit tayo late, tapos ituturo mo ako?" Tawang-tawa naman ako at naupo na rin ako sa silya at sumalo sa kanilang pagkain. Gutom na rin naman ako dahil hindi pa kami kumakain dahil sa kahihintay namin sa kaibigan ko. "Diego, nasabi na ba sayo ni Thomas ang tungkol sa misyon ninyo? Kasama na ninyo si Sebastian, pero siguraduhin ninyo na mako-control ninyo ang galit niyan. Isang tao lang ang gusto kong mapatumba ninyo at iyon ay walang iba kung hindi si Rigor Lee. Shoot to kill ang gagawin ninyo, wala ng paligoy-ligoy pa upang wala ng mabiktima ang hayop na 'yon. Kahit saan siya nakatayo, kapag nakita ninyo ay kuhanin na ninyo ang pagkakataong 'yon upang wakasan ang buhay ng demonyong 'yon. Tapos, alamin ninyo kung sino ang taong tumutulong kay Ginang Rufina. Malakas ang kutob ko na ang tinutukoy niya ay si BHQ. Mukhang ang ina ni BHQ ang naging biktima ng karahasan na tinutukoy nila. Hindi pa ako nakakasiguro, pero malakas ang kutob ko na si BHQ ang hidden ally nila. Alamin ninyo ang tungkol diyan. Bigyan ninyo ako ng kasagutan upang makilala na natin kung sino ba talaga ang BHQ na 'yan at kung ano ang dahilan niya upang kalabanin tayo," wika ni Marcus. "Oh! Akala ko ba ikaw ang dahilan kung bakit nya tayo kinakalaban? Kasi sabi mo ay ex mo ang BHQ na 'yon. Bakit ngayon parang hindi ka na yata sigurado?" wika ni Hugo sabay tawa nito. "Sigurado ako na ex ko ang babaeng 'yon, pero ang hindi ako ang sigurado ay kung ano ang motibo niya. Masyado naman kasing mababaw ang dahilan na iniwanan ko lang siya, unless tama ang sinabi sa akin ni Zyler na baka isang araw ay may kakatok sa pintuan ng bahay namin at sinasabing anak ko sila sa labas. Shhhit! May anak kami ni BHQ! Damn it!" ani ni Marcus kaya natigilan kaming lahat. Pigil ang aming mga tawa habang nagkakatinginan kaming lahat. Mayamaya ay bumunghalit ng tawa si Mayson at si Hugo dahil sa tinuran ng kanilang pinsan. "Tang-na! Palala ng palala ang iniisip mo tungkol kay BHQ ah!" ani ni Mayson. Ako naman ay napatingin sa aking telepono ng makita ko na may mensahe si Rich sa akin. "Nakalapit na ako. Nagtanong ako kung saan ako makakahanap ng malunggay. Binigyan niya ako at nagpakilala siya sa akin. Hindi muna ako magtatanong tungkol sa Makoy na 'yon at baka makahalata. Kukuhanin ko muna ang loob niya para malaya akong makapag chismisan sa kanila." -Rich- Hindi na ako nag-reply pa. Napangiti na lamang ako dahil malalaman ko na soon kung ano ba talaga ang ugnayan ng babaeng mahal ko at ng Makoy na 'yon. "Ikaw naman Diego. Kaylan mo naman lalapitan si Remie? Bakit hindi mo na lang puntahan duon sa apartment at sabihin mo sa kanya na mahal mo siya kaysa naman nagmamanman ka lang. Kapag ayaw niya, kidnapin mo agad. Dali ng problema mo hindi mo masolusyunan?" ani ni Marcus. "Ikaw kasi puro kidnap ang nasa utak mo. Hindi naman laging dapat na lang kidnapin para mapaamo. Hayaan mo siya sa diskarte niya. Ikaw kasi takot lumaban ng patas kaya para mapasayo, kinidnap mo na agad si Althea. Sira ulo ka kasi," ani ni Hugo. "May permiso naman ng tatay at nanay niya ang ginawa ko. Inggit lang kasi kayo." "Ayokong mas lalong magalit sa akin si Remy. Gusto kong mapalapit siya sa akin na hindi masamang tao ang tingin niya sa akin. Kung kinakailangan ko siyang paamuhin ng paunti-unti ay gagawin ko, makuha ko lang ang puso niya. Mailap si Remy, pero naniniwala ako na mapapaamo ko din siya. Magtiwala lang kayo sa akin na maibabalik ko rin siya dito sa Manila," ani ko. Nagkibit balikat na lamang si Marcus at muli naming pinag usapan ang tungkol kay Rigor. Sabi nila ay ayaw ng makita o malaman pa ni Adriana at ng ina nito kung ano ang gagawin namin kay Rigor. Ayaw daw nilang magkaroon pa ng pagkakataon si Rigor na makita silang mag-ina bago nila ito patáyin. Mas okay na raw kay Adriana na hindi niya kilala ang mukha ng tunay niyang ama upang hindi siya ma-trauma. Sang-ayon naman si Sebastian kaya kami na lamang ang gagawa ng paraan upang mapátay namin ang demonyong 'yon at hindi na makapag hasik pa ng kasamaan dito sa mundo. "Madali lang ang paghahanap kay Rigor Lee. Ngayong alam na natin ang tunay na apelyido na ginagamit niya ay simple na lamang ninyo siyang mahahanap. Tandaan ninyo, ayokong mag-iiwan kayo ng kahit na anong ebidensya ng kanyang pagkamatay since alam na naman ng lahat na matagal na siyang pátay. Matagal na niyang pineke ang kanyang kamatayan kaya ang gagawin nyo lang naman ay tuluyan nyo na nga siyang ibaon sa lupa," mahabang ani ni Marcus. "Huwag kang mag-alala dahil kami na ang bahala sa demonyong 'yon," sagot ko. "Isasama ninyo si Josh at si Sebastian. Kayong apat ang maghahanap sa kanya at tatapos ng kanyang buhay. Kung maaari ay hayaan ninyo na si Sebastian ang maningil sa kanya. Gawin na ninyo agad upang matapos na ang takot na nararamdaman ng mag-ina. Para maiayos na rin nila ang kanilang kasal at ng maging bestman ulit ako," ani ni Marcus kaya biglang humarap si Sebastian sa aming pinuno. Napabunghalit naman kami ng tawa dahil sa reaksyon ni Sebastian. Nakapamulagat pa ang kanyang mga mata habang titig na titig kay Marcus. "Bakit ganyan ka makatingin? Mag problema ka ba sa sinabi ko? Sino ba ang napipili mo, si Seth? Akala mo ba ay hindi ko alam kung ano ang tunay na pagkatao ni Seth at kung kanino siya nagtatrabaho? Ako ang bago mong bff Sebastian, ibalik mo na lang si Seth sa pagiging best friend mo kapag tapos na ang kasal ninyo ni Adriana," ani ni Marcus. Hindi kumikibo si Sebastian at napapakamot lamang ito ng ulo saka ito natawa ng malakas. "Sabi ko sa inyo eh! Akina na ang mga pusta ninyo. Panalo ako kaya tig one million bawat isa sa inyo," ani ni Hugo sabay lahat ng kanyang palad sa aming lahat. Gulat na gulat naman si Marcus na malamang nagpustahan kami na ipipilit nito na magiging bestman siya ni Sebastian. "Si King Bestman 'yan. Magtataka pa ba kayo?" ani ni Mayson sabay tawa din nito ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD