YURI’S POV Tatlong b’wan na ang nakaraan mula ng hindi namin makita si bunso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil si Azi na mahanap ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyare no’n sa Europe pero alam ko naman na may idadahilan ni bunso sa ‘min kung bakit hindi sya nagpapakita. Tatlong b’wan na rin mula ng gumaling na si Yesha at unti-unti na rin bumabalik ang memorya nya na nawala. Naiinis sya dahil hindi man lang daw sya makaganti sa step mom nya. Nandito kami ngayon sa meeting for our new product to launch. I can’t focus myself to this meeting because of what happened. Hindi ko kasi alam bakit hinahayaan lang din nila Mommy na gano’n lang si bunso. Hinahayaan nila ito sa gusto nito at naibibigay ang lahat ng gusto nito. Natapos ang meeting na wala rin akong naintindiha