PROLOGUE
Makikita mong simpleng bata lang sya. Pero may kakayahan sya na malayo sa iba. She’s not just ordinary. Pero kahit naiiba ay hindi s’ya nagkaroon ng sama ng loob tungkol sa pagkatao nya. Maaga syang namulat sa abilidad na meron sya. Sa edad na tatlong taong gulang ay iisipin mong hindi sya bata.
“Yua, breakfast time,” tawag ng kanyang yaya sa kaya.
Tumayo si Yua at saka pumunta sa dining area. Her mother and father was both busy with their business. Pero hindi ibig sabihin ay wala silang oras para sa anak nilang si Yua Sora.
She’s not talkative kid. But, she can read your mind and can know your future. Habang kumakain, naro’n ang mga butlers at maid na nagbabantay. Bawal nilang masalisihan ng tingin ang kanilang alaga, once na mangyare ‘yon, lagot sila.
Matapos kumain ni Yua ay umak’yat na ito sa k’warto n’ya. Her room is bigger than her parents room. Naro’n ang secret room nya, training room and library room. She loves books so much. Pero dahil sa angking galing ng tatlong taong gulang na batang ito, gusto s’yang kunin ng mga hindi kilalang tao.
“Hi, there little girl.” Napahinto sya sa pagbabasa ng marinig ang familiar na tinig.
Hindi na ito bago pa sa kanya bagamat hindi rin ito sumusuko na makuha ang kanyang pakay mula sa bata. Isang scientist. Dahil sa kakaibang pagkatao ng bata at mabilis na brain development nya ay nagkaroon ng interest si Mr. Leo Lopez sa kanya.
Sinara ni Yua ang kanyang libro at saka tumingin kay Mr. Lopez na nakangiti sa kanya. Hindi lang ito basta-bastang pupunta ng kanilang mansion kung wala itong pakay.
“Do you want to play with me?” he asked on her.
Walang nagbago sa expresyon ni Yua. There’s no emotion visible in her eyes. Mas lalong nagkakaroon ng interest si Mr. Lopez sa kanya kaya naman agad nitong hinuli ang bata. Pero lingid sa kaalaman ni Mr. Lopez na may kakayahan si Yua na malayo sa iba.
Ngumisi ang bata at saka ito tumayo at saka tinusok nito ang mata ni Mr. Lopez ng dalawang kamay nya. Napainda sa sakit si Mr. Lopez sa ginawa ni Yua. Tumalon ang bata at saka binuksan ang pintuan. Tumakbo pababa hanggang sa makarating sa sala nila.
Napahinto si Yua at nakita ang kanyang mga mahulang na nakatali at naka-piring ang mga mata.
“Yua! Yua!” tawag ng kanyang ama sa kanya.
“Parang awa nyo na. Tigilan nyo na ang anak namin.” Iyak naman na pagmamakaawa ng kanyang ina.
Mula sa taas ay bumaba si Mr. Lopez na may sugat ang kanyang dalawang mata. Hindi nya alam kung anong gagawin pero hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha si Yua.
“H-hindi ako susuko! A-akin ang anak nyo!” sabi ni Mr. Lopez sa kanila.
“Hindi mo sya maaring pag-experementohan dahil simple lamang syang bata!”
Ngumisi si Mr. Lopez kay Mr. Gomez. “May kakaibang kakayahan si Yua na wala sa ibang bata. Sa edad nito’y dapat naglalaro parin sya, ngunit s’yam na b’wan palang sya ay naglalakad na.”
Napakuyom ng kamao si Mr. Gomez kay Mr. Lopez. Tumingin si Yua kay Mr. Lopez at binigyan ito ng kakaibang tingin. Nabasa nya ang kung anong nasa isip nito lalo na ang mga tauhan nya. Kahit na sa tatlong taon pa lamang ay naiintindihan na nito ang mga sinasabi ng nasa paligid nya.
Tinignan nya ang telepono at saka lumapit do’n. Walang alam si Mr. Lopez at pinilit na imulat ang mga mata at pagmasdan ang ginagawa ng bata. Nang makalapit si Yua sa telepono ay nag-dial ito ng numero.
“Yua!” tawag ni Mr. Gomez sa bata.
“Anong ginagawa nyo? Kunin nyo na ang bata!” utos nito.
Agad na sinunod nila si Mr. Lopez at saka sabay-sabay na sumugod kay Yua. Mabilis ang pag-dial ni Yua sa numero at iniwang naka-hang up ito, at saka napatingin sa gawi ng mga tauhan ni Mr. Lopez. Mabilis nitong kinuha ang vase na nasa harapan lang nya. Binato ito sa lalakeng malapit na sa kanya at saka hinagis ang natirang kalahati sa isa pa. Tumarak ang talim nito sa binti ng lalaki at saka pinulot ulit nito ang natirang piraso at saka isa-isang binato ang mga tauhan ni Mr. Lopez.
Sa bilis ng naging kilos ni Yua at saka nakangising tumingin kay Mr. Lopez. Hindi alintana ni Yua ang sugat sa kanyang dalawang palad batid ng bubug na kanyang pinagbababato sa mga tauhan ni Mr. Lopez.
“Ano ba! Tatlong taong gulang na bata lamang ang kalaban nyo ay natalo pa kayo!!!” galit na sabi nito.
Hindi nagpatalo si Mr. Lopez at agad na kinuha nito ang baril sa isa nitong tauhan. Tinutok nito ang baril sa bata. Pero hindi makitaan ng takot ang bata.
Nginisihan sya ng bata at nanlaki ang mata nya ng makita iyon sa bata. Gano’n pa man ay ngumisi si Yua sa kadahilanang parating na rin ang mga pulis. Ang kanyang tinawagan kanina ay ang mga pulis. Kaya naman tuluyang ngumiti ang bata at sobrang nakakapangilabot iyon.
“Hanga rin talaga ako sa abilidad mo, Yua,” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Lopez.
Ang batang ito ay hindi kagaya ng ibang bata na maglalaro o makikipaglaro. Dahil si Yua ay mulat mula ng mag-isang taong gulang sya sa paghawak ng nga sandata. Imbis na laruang barbie ay baril ang hawak nya. Imbis na lutu-lutuan ay pana ang hawak nya. Imbis na matuto ng mga kulay ay pagiging asintado ang inaral nya. Sa edad na dalawa ay natutunan na nyang magbasa. Ang kanyang kakayahan ay naiiba sa ibang bata. Gano’n pa man, ang kanyang angking galing ay pinangangalagaan ng kanyang mga magulang.
Tinignan ni Yua ang baril na hawak ni Mr. Lopez. Habang tinitignan naman nya ang natitirang bubog sa kanyang paa. Hanggang sa kinalabit na ni Mr. Lopez ang gantilyo at saka mabilis na yumuko si Yua at kinuha ang natitirang piraso ng vase kanina. Nang makuha nya ito’y agad nitong binato ito kay Mr. Lopez at sa hindi inaasahan ay natamaan si Mr. Lopez sa kanyang ulo. Ngumisi si Yua at pinagmasdan ang natumbang si Mr. Lopez na may nakatarak na piraso ng vase sa kanyang noo.