YUA’S POV Matapos ‘yon ay bumalik na ako sa hotel at saka inayos ang mga gamit ko. Hindi ko na kaya pang magtagal dito na kasama ko ang lalakeng ‘yon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko at naiinis ako dahil do’n. Nang mailagay ko na ang lahat ng gamit sa maleta ko ay umalis na ako at agad na bumili ng ticket pauwi ng Pilipinas. Hindi ko na rin hinintay pa si Azi na makauwi pa at ayaw kong makita ang mukha nya. Nang makasakay na ako sa eroplano ay sa may bintana ako pumuwesto. Ilang sandali ay lumipad na ang eroplano at nang makita ko ang himpapawid do’n ko nakita ang ganda ng sikat ng araw. Wala pa akong tulog simula kagabi. Hindi na rin ako nakapagbihis at nagt’sinelas lang ako nang makasakay sa eroplano. Maya-maya ay naramdaman ko na rin ang bigat ng katawan ko at unti