YUA’S POV Napangisi ako sa sinabi ni Jie kay Zai. Hindi naman kasi mahirap ang tanong ni Zai. Kung sa bagay ay basic solvings and question lang ‘yon. Hindi naman ako magtataka kung matalino nga sya. Kinuha ko ang bote at saka ito pina ikot at tumapat iyon kay Takira. Bumuntong hininga sya at tila hindi gusto ang pagkakaturo ng bote sa kanya. “Shall I ask now?” tanong ko sa kanya. “Ge go,” sagot naman nya. Hindi ko aakalain na sa kauna-unahang pagkakataon ay matatablan din pala ng bala ang isang ‘to. Balita ko kasi maingat sya sa sarili nya. Ang alam ko rin ay ang bala ang iiwas sa kanya pero hindi ‘yon nangyare. Hindi lahat ng masamang damo ay hindi natatablan ng bala. Nawala siguro ang agimat nito kaya nagkagano’n. “How much does the sky weigh?” Nangunot ang noo nya sa tanong ko.