MIRAI’S POV Nang matapos ang pag-uusap namin ni Yua ay umalis na ako para naman pumunta sa lugar kung sa’n ako maaring makapagisip-isip muna. Ang daming nangyare nitong mga nakaraan lalo na ng ma-hospital si Yohan ng dahil sa ‘kin. Hindi ko maintindihan kung bakit nya pa kailangang gawin ‘yon samantalang hindi naman dapat. Nang makarating ako sa lugar ay saka naman ako umupo ro’n at bumuntong hininga. It’s been five years since you left, bro. Mero’n akong kapatid na lalake. He’s older than me and I miss him so, so much. Kaya naman dito ako tumatambay sa puntod nya to release all of my negativities. “Hi.” Bati ko at saka nilapag ang bulaklak sa lapida nya. “I’m sorry if ngayon lang ako, Kuya,” sabi ko pa at saka umupo. Si Kuya kasi ang tipo ng lalakeng gugustuhin mo kahit hindi mo sya