YUA’S POV Nang makalabas kami ni Azi sa building ay nakasalubong namin ni Mirai. “Oh? Anong nangyare sa ‘yo?” takang tanong ni Azi. “Nothing,” sagot nya at saka tumingin sa ‘kin. “P’wede ba kitang makausap?” tanong nya sa ‘kin gamit ang isip nya. Tumango lang ako sa kanya at saka nya ako hinila. “T-teka! Sa’n mo dadalhin ang Yua ko!” sigaw ni Azi. “D’yan ka lang,” sabi naman nya. Nakarating kami sa may likod ng M.H.O at saka nya ako hinarap. Iba ang aura ngayon ni Mirai at parang mero’ng isang pangyayareng tanging sya lang ang nakakaalam. Tumingin sya sa ‘kin at saka tumingin sa paligid. Wala ng gaanong tao dahil gabi na rin. “Gusto kong tumulong sa ‘yo para mapatumba si Zuko.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. “Why?” tanong ko. “Gusto kong ipaghiganti ang Kuya ko,” seryo