YUA’S POV
Kinabukasan pagkagising ko ay naririnig kong nagtatalo sila Kuya Yuri at Kuya Yohan. Hindi ko alam kung bakit sa laki ng mansion na ‘to ay rinig ko pa rin ang kaingayan nila. Hindi talaga sila minsan nagkakasundo sa kung anong susuotin. Hindi nila magawang magkasundo sa iisang bagay. Hindi naman kasi dapat pareho ang suot nilang dalawa ‘no. Inis akong bumangon at lumabas ng k’warto saka hinanap ng ingay nilang dalawa.
Kaya mas gusto ko silang nasa ibang bansa kaysa nandito sila, e. Lagi silang nagkakagulo sa kung anong bagay sa kanilang dalawa o kung anong susuotin nila bago umalis ng bahay. Naiirita ako sa boses nila at isa pa ang aga-aga!!! Nang makita ko silang dalawa ay saka ako umentrada.
“The fck!” inis na sabi ko at pareho silang napatingin sa ‘kin.
“Oh? Bunso? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ni Kuya Yohan.
“The fcking damn sht voice of both of you was fcking waking me up at this fcking time!” b’wisit na b’wisit kong sabi.
“Ang talas talaga ng pandinig mo. Ito kasi si Yohan, ayaw makinig na mas bagay ang polka dots!” Kuya Yuri said at saka tinuro si kuya Yohan.
“Kahapon kasi dots na ang sinuot namin tapos dots na naman ngayon.” Nakangusong sabi ni kuya Yohan.
“Just wear the fcking clothes that you wanted and shut your fcking mouth.” Tumalikod ako sa kanilang dalawa at narinig kong nagbulungan sila.
“Anong sabi ni bunso?” Kuya Yohan asked to Kuya Yuri.
“Ewan, fcking lang naintindihan ko,” Kuya Yuri answered to him.
Both of them are sht. Bumalik ako sa k’warto at muling natulog at hindi ko na narinig pang muli ang boses ng dalawang kuya ko. Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa magising ako ng alas-dose ng tanghali. Kumakalam kasi t’yan ko at wala pa akong almusal at tanghalian. Kung hindi ba naman dahil sa dalawang kuya ko kanina e’di sana alas-otso pa lang ay gising na ako.
Bumangon na ako at saka naligo at nagbihis. Nang makababa ako ay nakita ko si Yesha na nanonood sa malaking sala namin at rinig ko ang volume ng TV. Hindi ko alam kung bingi sya o talang makapal lang ang mukha nya. Feeling bahay nya rin ang mansion, e, sampid lang naman sya sa tuwing nandidito sya.
“Uy! Gising na ang prinsesa,” mapang-asar nitong bati sa ‘kin.
“Hmm. Afternoon,” walang ganang bati ko sa kanya at saka nagpahanda ng makakain kila yaya.
Umupo ako sa tabi nya at saka hininaan ang TV. “Bakit mo hininaan, dragon ball na!!”
“You can watch that fcking dragon ball anytime you want.”
“Tsk. Patayin mo na lang.” Sinunod ko ang sinabi nya at napanganga sya sa ginawa ko. “Masyado kang masunurin, Yua!” inis na sabi nya.
“What are you doing here?” I asked.
Umayos sya ng upo at saka sya humarap sa akin. Nakita kong nag-lip bite sya at saka ngumiti sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko.
“Gusto ko lang magpasalamat.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
“For what?”
“’Yong nangyare kahapon, ano ba.” Pinalo nya ako ng mahina.
“I don’t remember.”
“Ha?”
“Stop it Yesha.” Dumating na ang pinahanda kong kumain at saka kumain na.
“Seryoso ba? Hindi mo naalala?”
“What?”
“’Yong nangyare kay step Mom.”
“Tsk.” Hindi ko na lang sya pinansin at saka ako kumain ng kumain.
Habang kumakain ako ay k’wento naman sya ng k’wento sa kung anong nangyare kahapon. Kinuwento nya ang nangyare sa ginawa ko kahapon. Pero ang naaalala ko kahapon ay ang nangyare sa parking lot at sa resto. That guy at the parking lot, I can’t forget about his style and movement. Tumayo ako at napahinto sa pagkukuwento si Yesha at sumunod sa akin. Gusto kong gayahin ‘yon at gusto ko’ng gawin.
“T-teka! Hindi ka pa tapos kumain.”
“I can eat whenever I wanted,” sagot ko at saka pumasok sa k’wato diretso sa training room.
Pinatawag ko ang mga tauhan ko at agad silang naghilera sa harapan ko. Ang lalaki ng katawan nila at mas malaki pa ito sa katawan ng lalake kahapon. Tinignan ko ang mga mata nila at binasa ang nasa isip nila isa-isa.
“Ano naman kaya ang ipapagawa ni Ma’am Yua.”
“Ang alam ko walang training ng sabado at linggo. Ano kaya ang nakain ni ma’am.”
Lumapit sa akin si Yesha, “Ang sabi mo wala kang training ng sabado at linggo?”
“Hmm.”
“Bakit bigla mo silang pinatawag?”
“Just want to compared something.”
“Ha? Ang alin naman, Yua?”
“There’s something happened yesterday and I helped someone.”
“Oh~ ang alam ko wala kang pakialam.”
“Hmm.”
Sinenyasan ko sila isa-isa at saka ko sila pinagsabay-sabay na pinasugod sa akin. Napatakbo naman si Yesha at agad na tumabi at saka ko sila nilabanan isa-isa. Ginaya ko ang istilo ng lalake kahapon at nilakasan pa ang pandama ko. Ganito pala ang feeling. Pati hangin ay kakausapin ka na may susugod sa ‘yo mula sa likuran at kahit ang galaw nila’y maririnig mo dahil sa mga yapak nilang parang singbigat ng bakal.
Nang maitumba ko silang lahat ay pinaalis ko na sila. Lumabas silang iika-ika at halos mabalian ng buto. “Waw!” Palakpak na sabi nya. “Bagong istilo?”
“Hmm.”
“Sa’n mo naman natutunan?”
“To someone.” Tumango-tango sya sa akin at saka pumasok sa k’warto at umupo sa kama.
Naghilamos ako at saka nagbihis at saka nagsapatos at nag-jacket. Napakunot naman ang noo nya sa ‘kin at saka ko sya sinenyasan at agad na sumunod sa ‘kin. Nang makalabas ay nakahanda na agad ang motor ko at agad ko naman itong pinaandar. Binigay ko ang helmet sa kanya at agad nya namang sinuot ito.
“Sa’n punta natin?” takang tanong nya.
“Kahit sa’n,” sagot ko saka na ito pinaharurot. Napakapit sya sa ‘kin.
Pinuntahan ko ang resto na pinagkainan namin kahapon. Malamang ay hindi nya nahuli ang lalaking target nila kahapon. Pero maalala kong pupunta ang lalaking ‘yon ng pier para sa pagdi-diliver ng droga na nasa isang boat at sobrang dami no’n. Alam kong million din ang halaga ng mga ‘yon at ipapadala ‘yon sa ibang bansa. Business minded sya masyado. Pinaandar kong muli ang motor at saka kumapit ulit si Yesha sa bewang ko.
Nakarating kami ng pier at tinignan ko ang paligid. Tinignan ko ang motor ko at mukhang hindi ito ligtas mula rito. Masyadong mahal ko ang motor na ‘to dahil regalo ‘to nila Mommy sa ‘kin no’ng nag-16 ako. Tinawagan ko ang butler ko na kunin ang motor dito sa pier.
“Ano ba ang ginagawa natin dito?”
“Hunting.”
“Ang alam ko ay hindi ka interesante sa mga walang k’wentang bagay, Yua!”
“Yea, I know.”
“E, bakit nga kasi tayo nandito?”
“If you want to go back, you can go now.”
“Ayaw ko nga! Hindi kita iiwan dito.”
“Tsk.” Sinubukan kong hanapin ang lalake kahapon sa resto at agad ko naman syang nakita.
Katulad ng kahapon ay naka tuxedo ito pero ngayon ay grey na. May dala syang attached case dalawa at may kasunod pa na apat na tauhan na may tigdadalawa rin. Ano kaya ang pakay ng lalaking ‘yon sa mga ito? Huhulihin ba nila ‘to dahil sa droga? Napatingin ako sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.
“Hindi ba talaga sila marunong magtanda? T’saka paanong nakatakas ang tanginang panot na ‘yan?” tila nang-aasar at naiinis na sabi nya.
Napangisi ako dahil sa sinabi nya. Totoo ngang panot sya at hindi ‘yon maipagkakaila. Hindi ko talaga sya mabasa dahil nagagawa nyang sabihin ang kung anong nasa isip nya. Hindi sya katulad ng iba na, iba ang sinasabi ng bibig sa sinasabi ng isip. Tumingin ako kay Yesha at saka sya hinila papunta kila Willson.
“Ihatid nyo si Yesha.”
“Opo.”
“T-teka! B-bakit ako ihahatid? Sabi ko ‘di ba hindi kita iiwan?” Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.
“Kaya mo bang tumakbo ng mabilis?”
“Bakit tatakbo?” takang tanong nito.
“Sige, iuwi nyo na ang motor ko.”
“T-teka? Anong gagamitin natin mamaya?”
“Ayon.” Sabay turo sa motor na pumalit.
“Waw?” mangha nyang sabi. “Mas mahal pa ata ‘yan kesa sa luma mo.”
“Pero mas mahal ko ang luma kesa sa bago.” Nang maibaba nila ito ay nakarinig ako ng putok ng baril at napa-alerto sila Cris at Willson saka pumalibot sa ‘kin.
“Yua, a-ano ‘yon!” Natatakot na tanong ni Yesha.
“Game na.” Agad na tumakbo ako sa gawi kung nasa’n ang lalaking sinasabing panot no’ng lalaki kanina.
Kinuha ko ang cellphone ko saka dinaial at number ng mga pulis nang magawa ko ‘yon ay hinang-up ko lang ito. Matapos ‘yon ay napa-alerto ang mga tauhan ng lalake at tinutok ang baril sa ‘kin. Natapon ang isang hawak nyang attached case na may lamang droga at napangisi ako ng makita ‘to. Narinig ko ang boses ng lalake kanina at ang tila hindi makapaniwalang kumento nya.
“Bakit nandito ang babaeng ‘yan? Gusto nya rin maki-party?” sabi nya na syang ikinangisi ko naman. Sinugod ako ng mga tauhan ng lalakeng panot at narinig kong muli ang sinabi nya. “Hasyt! Akala ba nya malakas sya? Bakit naman ‘to biglang sumusulpot!” rinig ko ang hakbang ng mga paa nya na papalapit sa ‘kin.
Nagawa kong salagan ang atake sa ‘kin ng lalaki at saka pinagdikit ang kamay nya. Napangisi ako lalo dahil napahinto ang lalaking patakbo papunta sa gawi ko dahil sa hindi makapaniwala sa nakikita nya. Sinipa ko ang lalaking nasa likuran at saka sinipa ang baril nitong nakatutok sa akin. Agad kong sinalo ‘yon at saka ito tinutok isa-isa sa kanila dahilan para isa-isa silang matumba. Pinatamaan ko ang mga binti nila at kamay para hindi makatakbo o makahawak ng baril.
Ang sunod kong ginawa ay hinagis ang baril sa gawi nya na agad naman nyang sinalo at saka ko sya sinensyasan. Napalunok sya at mas namangha ako dahil hindi ko talaga mabasa ang mata nya at nanlaki ang mata ko ng makita ang pantasya sa malikot na utak nya.