CHAPTER 3

1765 Words
YUA’S POV Matapos ang insidenteng iyon ay umalis na ako at hinayaan na muna na mag-bonding ang mag-ama. Hindi ko alam kung maganda ba ang ginawa ko sadyang hindi lang talaga ako natutuwa sa nakikita kong trato sa kanya ng step mom nya. Hindi ko namalayan ang oras kaya naman nang makarating sa resto ay ako na lang pala ang hinihintay nila Mommy. “Sorry I’m late,” sabi ko at saka umupo. “Wala ‘yon, ang importante ay nandito ka na,” daddy said saka nya tinap ang ulo ko. “Dad, I’m not kid anymore.” Nakangusong sabi ko. “Hindi ko alam kung pout ‘yang ginawa mo pero sige, dahil cute ka naman at maganda.” Natatawang sabi ni Kuya Yuri. Gusto ko syang sipain papaalis sa harapan ko ng mawala na sya sa panignin ko. Nang-aasar lang sya kapag ganito, e. “Tsk,” iyon na lang nasabi ko. Nag-umpisa na kaming kumain at ang daming in-order ni Mommy na akala mo, e, ang tatakaw ng mga anak nya. I heard them all, kaya ayaw kong umalis ng bahay at lumabas dahil sa ingay ng nasa paligid ko. Sabayan pa ng magulo nilang isip at pati ako ay nadadamay. Hindi ko talaga gusto ang kakayahan na mero’n ako. Napatayo ako at saka nagpaalam na pupunta lang ng rest room. Nang makapasok ako ng rest room ay pati dito ay hindi talaga ligtas ang utak ko. Kusang nababasa ko lang ang kung anong nasa isip nila. “Ang ganda naman ng babae na ‘to,” kumento ng janitress ng makapasok ako. Yumuko ako sa kanya at saka ngumiti. Nginitian nya rin ako at muli na naman syang nagkumento. “Hindi lang maganda mukhang mabait pa. Parang hindi naman sya gano’n kayaman. Pero ang simple,” sabi nya. Bumuntong hininga na lang ako at saka naghugas ng kamay. After that ay bumalik na ako sa p’westo. Nagkuwentuhan sila Mommy ng mga bagay-bagay katulad na lang ng pagpasok nila Kuya Yuri at Kuya Yohan sa company. I was planning to be part of our company too. Pero hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. “Oo nga pala Yua, why are you late pala kanina? There’s something happened ba?” takang tanong ni mommy. “It’s just nothing,” I answered saka sinubo ang huling natitira sa kutsara ko. “Hindi mo sinama si Yesha?” daddy asked. “She’s busy,” I answered. “Hmm? Kailan pa naging busy ang babae na ‘yon?” tanong ni kuya Yuri sa isip nya. “She’s busy with what?” takang tanong ni Mommy. “Family matters,” I said. Tamango-tango sila sa akin at saka nagpatuloy sa pagkain, “Sometimes you tell some story sa amin,” mommy said to me. “Ok,” sagot ko naman kay Mommy. “Mommy, sa yelo po ba pinaglihi si Bunso?” Kuya Yuri asked. “Of course not!” agad na sagot ni Mommy. “Then, why she’s like a cold freezer?” Kuya Yohan said. “Hindi lang nasanay makipagdaldalan,” Daddy answered. Hindi ko na lang sila pinansin at saka tumingin sa paligid. Iba-iba ang nasa isip ng tao at alam ko naman na hindi ‘yon pare-pareho. Maya-maya ay nakakarinig ako ng parang may pinaghahandaan silang importante. “The target is here,” someone’s said. “We need to careful,” other one answered. “H’wag kayong masyadong pahalata,” the first one said again. “Paalis na sya.” Napatingin ako sa paligid at hinanap ang taong target nila. Nakasuot ito ng itim na tuxedo at may hawak na attached case. I tried to read his mind and I also saw a lots of drugs that he was dreaming of. Pulis ba ang huhuli sa kanya? I tried to reached out kung sino-sino ang mga taong kokompronta sa kanya. Tumayo ako at napatingin sila kuya at mommy at daddy sa ‘kin, “We need to go,” I immediately said. “What? Why? Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko.” Nakangusong sabi ni Kuya Yohan. “Just hurry!” I said to him. “But, why bunso?” Kuya Yuri asked on me. “Just listen to me!” sabi ko at hinila si daddy at agad naman nyang hinawakan ang kamay ni Mommy. Tumayo na rin sila kuya pero hindi ko alam kung nauubusan ba sila ng pagkain sa bahay o sad’yang matatakaw lang sila. Kinuha pa ang kapiraso ng desert at saka uminom ng tubig. Nagtaka pa ang nasa paligid namin at hindi ko na rin ‘yon inintindi. Nang makarating sa parking lot ay naro’n ang sasak’yan nila kuya na Lamborghini at naro’n din ang sasak’yan nila Mommy. Agad na sumakay sila at gano’n din ako sa motor ko. We have this kind of personality na we need magkanya-kanyang sasak’yan. Ako lang ang namumukod tanging naka motor. Nang mapaandar ko na ang motor ay saktong may narinig akong putok ng baril. Agad na binaba ni Kuya Yohan at Kuya Yuri ang windows ng kotse nila. “Dito ka na sumakay!” sabay na sabi nilang dalawa sa ‘kin. “No need,” sabi ko saka pinaandar na ang motor ko at agad na pinaharurot. Nag-unahan pa kami sa paglabas ng parking lot at mula sa loob ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Napatingin ako sa parking lot at mula ro’n ay nakita ko ang lalaking sugatan at patuloy na tumatakbo. May humabol sa kanya at agad syang sinugod. Pero hindi nito alintana ang sugat sa braso at kinalaban ang mga sumugod sa kanya. Ang bilis ng galaw ng kamay nya at ang bilis ng mga mata nya. Ang bawat kilos ng kalaban ay nababasa nya agad at nagagawa nya rin ang moves nito. Wala akong mabasa sa isip nya pero ang kalaban nya ay marami. “H’wag naman sabay-sabay. Gusto nyo ay isa-isa lang?” hamon ng lalake na akala mo, e, singlakas ni superman. “Toto nga ang sinabi ni Boss, hindi sya basta-basta lang,” rinig kong sabi ng kalaban nya. “Malamang ayaw ako kalaban ng boss nyo kasi alam nyang matatalo agad sya ‘no? Tignan mo nga naman,” mayabang na sabi nito at saka nya siniko ang lalake sa dibdib at sinipa sa t’yan ng patalikod. Aaminin kong namangha ako sa ginagawa nya. Hindi ko nga alam kung dapat ko ba syang tulungan o dapat na rin akong umalis dahil una sa lahat ay wala naman akong kinalaman dito. Pinaharurot kong muli ang motor ko at saka lumiko papuntang parking lot. Masyado na rin kasing maraming dugo ang lumalabas sa braso nya. Ang tunog ng motor ko ay umalingawngaw at pareho silang napatingin sa akin at agad na umiwas. Nanlaki ang mata nilang pareho at saka ako huminto at tumingin sa kanila. “Easy sa pagda-drive. Baka b’yaheng langit ang kahinatnan mo,” babala ng lalakeng may sugat sa braso. Pinaandar kong muli ang motor ko at saka ako humarurot sa gawi nya at saka ko sya hinila at sinakay sa likuran ko. Nang magawa ko ‘yon ay agad kong binigay ang helmet sa kanya na agad naman nyang sinuot at kumapit sa bewang ko. Binilisan ko ang pagda-drive at pinagsisisihan kong tinulungan ko sya. “WAAAAAA!!! INGAT KA! OH! BABANGA! WAAA LIKO! LIKO! T-TEKA!!! KANAN! KANAN! KALIWA! DIRETSO!!! WAAAAA BABANGGA!!! AYAW KO PANG MAMATAY! TANIGINA!!!” sigaw nya habang nakakakapit sa bewang ko. Naririndi ako sa boses nya. “SHUT THE FCK UP! I KNOW WHAT I AM DOING! DON’T FCKING SHOUT!” inis na sabi ko at saka sya natahimik. Alam kong wala ng sumunod sa amin at nang makalayo ay dinala ko sya sa isang ligtas na lugar. Nang ihinto ko ang motor ko ay agad ko syang pinababa. Nag-dial ako sa emergency hotline at saka tinuro kung nasa’n kami. Hindi ko tinanggal ang helmet ko at pinatanggal ang helmet nya at saka ako sumakay ulit sa motor. “T-teka! Iiwan mo ‘ko dito?” tanong nya. “You’re now safe, I need to go,” sabi ko naman at saka pinaandar ang motor. “T-teka lang naman!” sabi nito saka ako hinawakan sa kamay at napatingin ako sa kanya. “Darating na ang ambulansya,” sabi ko naman at pinaandar ko na ang motor at saka iniwan sya do’n ng mag-isa. Narinig ko pa ang huling sinabi nya. “T-teka! Anong pangalan mo?!” Hindi ko sya nilingon or sinagot. Hanggang sa makauwi ako ng bahay at sinalubong ako ng mahigpit na yakap nila Mommy at Daddy. Sila kuya naman ay sumunod at saka rin ako niyakap. Feeling ko ang tagal kong nawala ay na-miss nila ako. “Waaa! Buti naman at buo ka pa kapatid. Salamat kay Lord at hindi ka pa nya kinuha,” sabi ni Kuya Yuri sa ‘kin ng makauwi ako. Binatukan ni mommy si Kuya Yuri at napakamot ng ulo si kuya, “Mommy naman! Nagbibiro lang,” sabi nya habang nakanguso. “Hindi ako natutuwa sa biro mo, Yuri!” Inis na sabi ni Mommy. “Ano bang ginawa mo at nahuli ka pa?” takang tanong ni Kuya Yohan. “Traffic,” tipid kong sagot at saka pumasok sa loob. “Yua, walang traffic ngayon,” Kuya Yohan said at napaisip ako. Bakit ko nga ba nakalimutang linggo ngayon? “I mean, may nagbangaan kaya traffic,” pagpapalusot ko pa. Sumama ang tingin ni Daddy at bumuntong hininga ako. “Ok, may tinulungan lang.” Tumalikod ako at saka umakyat at nagpaalam na sa kanila. Hindi ako makaliligtas sa masamang tingin ni daddy. Sino ang hindi matatakot sa “’Yong totoo, Yua, sa’n ka pa nagtungo!” ni daddy? Napaisip ako sa nangyare kanina. Ang way nya ng pakikipaglaban ay nagustuhan ko. Ang bilis ng kamay at paa nya pati na rin ang talas ng mga mata at pakiramdam nya. Wala akong mabasa sa isip nya pero nasasabi ‘yon ng bibig nya. Hindi sya katulad ng iba na madali ko lang mabasa. Nakikita ko ang expresyon ng mukha nya pero hindi ko alam kung paanong babasahin ang nasa isip nya. Wala syang kahirap-hirap na nilalabanan ang lalaking kalaban nya at ang yabang ng mga salita nya. Sa mga naging laruan ko sa training ko na kasing edad ko’y halos lahat sila ay nababasa ko at pati na rin ang kanilang iniisip. Masyado nila akong hinahangaan at masyado nila akong pinagbibigyan. Gusto ko ng totoong makakalaban na makakayanan na pantayan ang lakas ko kagaya ng lalakeng ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD