CHAPTER 2

1803 Words
YUA’S POV Naghanda sila kuya Yohan at kuya Yuri ng dinner. They know how to cook and I am not. Hindi ako minsan nangialam sa kusina at never akong nagluto. Hindi ko nga alam paanong magsaing. All I know is how to eat. Nasanay akong nakahanda na ang pagkain sa harapan ko and ready to eat na lang. Minsan tuloy nagsisisi akong hindi ako dumadalaw sa kusina para tignan sila at panoorin paanong magluto. “Bakit nga pala ang aga uwi nyo?” takang tanong ni Yesha. Oo, nga. Bakit ang aga ng uwi nila ngayon. Usually kasi umuuwi sila before or after Christmas. Nasanay akong every may occasion lang sila umuuwi. “Well, sabi kasi sa ‘min nila Mommy and Daddy we need to get ready na daw for our turn as a president and CEO of our company,” Yohan said. They are in the right age na rin although med’yo tabingi ang utak ni kuya Yuri. He have a lots of fun on his mind that he wanted to do by his self. Pero nand’yan naman si kuya Yohan para alalayan ang kanyang kapatid. Umupo kami sa high chair ni Yesha at saka sila pinanood na magluto. I love eating even though hindi ako tumataba. I have this slim body. Gusto ko ang mga luto ni kuya Yohan at kuya Yuri. Also they love baking. Like cakes and cookies. “And who’s the CEO?” I asked. They both looked at each other and I heard what’s on their mind. Hindi makakaligtas sa akin ang isip nila. “Yohan is the President,” kuya Yuri said while pointing Yohan. Nagpigil ako ng ngiti dahil CEO si kuya Yuri. But, it’s a good advantage naman para sa ‘kin at kila Mommy. They can rest na rin and they can travels together and not just for meeting or business. It is because they need to have bonding for each other. Habang pinapanood silang magluto ay panay naman ang ngata namin ni Yesha ng peanut. Para kaming nanonood ng movies and sila ang bida. And title ay the master kings, joke lang. Hindi talaga ako marunong mag-joke pasensya na. Specialty ni kuya Yohan ang adobo habang si kuya Yuri naman ay ang kare-kare. Ang suwerte ng mapapangasawa nila kung nagkataon. Hindi na ako magtataka kung habulin sila ng babae. Nang matapos silang magluto ay agad nila kaming hinandaan ng kanin. Saka nila prinisent ang luto nila sa amin. Kami kasi ang taga tikim. Nang matikman namin ni Yesha ang luto ay pareho kaming nasarapan. “Hindi ko makita ang kakaibang kinang sa mata mo bunso,” kuya Yohan said to me. “Hindi ka pa nasanay,” sabi naman ni kuya Yuri. “Tsk, tipid nga magsalita nang kapatid nyo, e. Minsan napapagod na akong dumaldal,” Yesha said and she’s pointing me. “H’wag ka masyadong madaldal, baka iba na masabi mo at mairita ang kapatid ko sa ‘yo,” kuya Yuri said on her. Ngumuso si Yesha at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Hindi talaga ako makikitaan ng ano mang pagkamangha o kahit anong mababasa sa mukha ko. Since birth inborn na ‘to. Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ay mapapadami ang nakain ko. Umalis na sila kuya at pumasok na sa kanya-kanyang k’warto. Habang kami ni Yesha naman ay naiwan sa kusina habang kumakain parin. “Hindi nagbabago ang luto no’ng dalawa. Naloloka pa rin ang bulate sa t’yan ko tuwing nakakakain ng luto nila,” kumento nya. “Don’t talk when your mouth is full,” sabi ko naman. “Hindi ko talaga maiwasan ang hindi dumaldal. Nakakabingi ang katahimikan, Yua.” Mataray nyang sabi. Hindi ko na lang sya pinansin at patuloy na kumain. Nang matapos kami ay napansin naming mag gagabi na pala. Pinahatid ko na si Yesha sa driver ko para safe syang makauwi. Nakarinig ako ng kaluskos at napatingin sa gawing malaking vase. Torpe ng kuya ko kahit kailan. “Nakakainis, hindi ko man lang magawang maihatid sya,” nanghihinayang nyang sabi. Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na at saka nagkunwaring hindi ko sya nakita. Umak’yat na ako sa taas at saka pumasok sa k’warto. Humilata sa kama at saka muling bumuntong hininga. Ano nga kaya ang itsura ng mga magulang ko? Ang mga totoong magulang ko. Gusto ko silang makasama kahit man lang saglit. I didn’t saw their picture ever since. Pero nilalarawan nila mommy and daddy ang totoong magulang ko. Si Mama ay may maganda at maputing balat at iyon ang nakuha ko sa kanya. May magandang mata at kaakit-akit na mukha. Si papa naman ay ang tangos ng ilong, hugis ng labi at saka ang kakayang gaya nito. - Kinabukasan paggising ko ay hindi ko namalayan ang oras. Wala naman akong masyadong ginawa kahapon bukod sa gumala ng kaunting oras kasama si Yesha. Konting bonding kasama sila kuya. Tamad akong bumangon sa kama at saka napagpasyahang maligo at magpalit ng damit. Matapos ‘yon ay bumaba na ako at saka pumunta ng dining erea. Sakto naman na nando’n na sila kuya at alam kong sila ang nagluto ng breakfast ngayon. “Good morning!!!” bati ni kuya Yuri. “Hmm, Morning,” bati ko naman sa kany. “Waw? Ang energetic ng bati mo, Yua!” Nakangusong turo nya sa ‘kin. “Hindi mo talaga nakasaynayan ‘yan si Yua.” Naiiling na sabi ni kuya Yohan. “I was so dizzy,” I said. “Baka napagod ka sa lakad nyo kahapon ni Yesha,” kumento ni kuya Yohan habang hinahandaan ako ng plato at sinasandukan. “I don’t know.” “Sus, kailan ka ba hindi naging dizzy?” “Yesterday,” I said at kumunot ang noo ni kuya Yuri. “Waw?” tila hindi makapaniwalang sabi nya. “Sabi ni mommy sa resto daw stayo magdi-dinner mamaya,” sabi ni kuya Yohan at saka umupo sa tabi ko. “Hmm,” tanging sagot ko saka kumain. Nagsalo-salo kaming kumain tatalo. Kahit na kami lang ang nasa kahabaan ng lamesang maraming upuan ay hindi namin ‘yon alintana. Katulad ni Yesha madaldal si Kuya Yuri. Hindi ko alam sa’n ‘to pinaglihi ni Mommy. Hindi rin kasi matigil ang bibig kakadaldal. Kaya iniisip kong bagay talaga sila ni Yesha. Hindi sila nauubusan ng topic. Matapos mag-breakfast ay umalis na sila kuya para daw umpisahan ang araw nila sa opisina. Ako naman ay naiwan sa bahay nang mag-isa at saka pumasok sa library ko. Gusto kong magbasa ngayon. Wala ako sa mood para makipaglaro sa mga laruan ko. Habang tahimik na nagbabasa ay nag-vibrate ang phone ko. Agad kong sinagot ‘yon at nilagay sa tenga ko. “Hi, baby!!!” Excited na sabi ni mommy. “Hmm,” sagot ko naman sa kanya. “I heard na lumabas daw ikaw kahapon kasama si Yesha?” Mommy asked on me. Hindi talaga matigil ang kadaldalan ni Kuya, “Hmm.” “Nakooo baby! Super natuwa ako dahil sa paglabas mo. At least you don’t need na magkulong ng buong maghapon sa mansyon. Hindi ka ba nabo-boring?” tanong ni mommy. “No,” I answered. “By the way baby. Dumating ka later ah! Alam mo naman siguro kung sa’n ang family dinner natin hindi ba?” mommy said. “Yes.” “Owkie! See you baby love you and I miss you!” she excitedly said. “I love you too, Mom,” I said at saka binaba ang tawag. Hindi naman na bago ang family dinner namin. Minsanan lang mangyare ito kaya hindi naman ako p’wedeng magmaktol. Habang nag-iisa ako ay narinig akong kakaiba. Naririnig ko ang hikbi ni Yesha. Sinara ko ang libro ko at saka tumalon sa ibabaw ng kabinet at saka bumaba ng hagdan. Agad na bumungad sa akin si Yesha na mugto ang mga mata at agad na yumakap sa akin. “Hindi ko na kaya.” Hikbi na sabi nya, “Sobra na, Yua,” she added. Pinasok ko ang isip nya at do’n ko nakita ang nangyare mula sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi maganda ang trato sa kanya ng step mom nya at hindi ‘yon alam ng daddy nya. She’s always act like there’s nothing every time na umuuwi ang daddy nya. Hindi ako nakapagtimpi at saka humiwalay ng yakap kay Yesha. Nagulat sya sa inasal ko at biglang nataranta. “W-wait. Y-Yua.” “I didn’t do anything,” I said. Nangunot ang noo nya, “Anong I didn’t do anything ka d’yan. Para kang mangahahamon ng suntukan sa kanto, e.” Nakangusong sabi nya sa ‘kin. “Just stay here,” I said saka dumistansya sa kanya. I call my private investigator at saka muling lumapit sa kanya. Hindi mabasa ni Yesha ang kilos ko kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at saka umakyat sa taas. Maaga pa ngayon. At mamaya pa naman ang family dinner namin. Nagpalit ako ng damit at saka nagsuot ng rubber shoes. Matapos ‘yon ay bumaba na kaming pareho at saka sinalubong ako ng butler ko. “Sa’n tayo pupunta?” nangangambang tanong nya. Pero hindi ko sya sinagot at saka sumakay sa motor ko at pinaandar ito. Inabot ko ang helmet sa kanya at saka sya pinasakay sa likuran ko. “Yua,” tawag nya sa ‘kin. “Stop fcking talking will you?” iritadong sabi ko at saka nagmaneho. Nakarating kami sa village nila at saka ko pinarada sa may gilid ang motor ko. Saktong naro’n ang mga pulis at ang private investigator ko. Nagulat si Tito, Yuko sa narinig at nasaksihan nya. Napangisi nalang ako ng makita kung gaano kagalit ang mukha nito dahil sa ginawa ng babaeng akala nya ay mapagkakatiwalaan nya. Tinanggal ni Yesha ang helmet nya at narinig ko na naman ang hikbi nito. “H-hindi totoo ‘yan! Mali ang ibinibintang nyo sa akin!!!” her step Mom said habang hawak sya ng pulis. “You are under arrest dahil sa kasong child abuse at paggamit ng droga,” the police said to her. Napatingin sya sa ‘kin at saka wala akong buhay na tumingin sa kanya. Nakita nya si Yesha sa likuran ko at akmang susugurin sana ito, “Ikaw na bata kang talaga! Kahit kailan ay wala kang utang na loob! Ako ang nagsilbing ina mo!” she angrily said to Yesha. “Alexandra! Enough! Ikaw ang walang k’wenta! Sige na arestuhin nyo na ‘yan!” galit na sigaw ni tito Yuko. “Honey! Please! H’wag kang maniwala sa kanila. Hindi ba mahal mo ‘ko!” “Noon ‘yon! No’ng akala ko mabuti ka para sa anak ko!” Natahimik si Alexandra sa sinabi ni Tito Yuko habang ako naman ay mas lalong napangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD