BHELLE:
NANGINGINIG ang katawan ko na pumara ng taxi pabalik ng apartment ko. Bahala na bukas kung mapapagalitan ako ni Tyrone. May valid reason naman ako kung bakit hindi ako nakapasok ngayon. Isa pa ay kasalanan din niya kung bakit nagka-aberya ako sa unang araw ko sa trabaho.
Kung sana isinabay niya ako. O kaya ay hindi niya ako binuhusan doon ng tubig? Maayos sana ang unang araw ko sa kanya. Pero hindi.
Panay ang pagpahid ko sa luha kong nagsisilaglagan sa mga mata ko. Paano niya ba naatim gawin sa akin 'yon? Napa-iling-iling ako na pilit ngumiti at pinatahan ang sarili.
Pagdating ko ng apartment ay nagulat ako na nandidito ang sportcar nito. Nakasandal siya sa harapan ng bumper na nakahalukipkip. Tila naiinip na hinihintay ako.
Naglakad ako na parang normal lang ang lahat. Kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod kong nangangatog. Hindi ko alam kung dahil sa kaba na kaharap ito ngayong O dahil sa nilalamig na ako at damang nanghihina ang katawan.. Magkakasakit pa yata ako nito. Nakakainis.
"Bakit ka nandito?" casual kong tanong.
Bakit ba? Nasa labas naman kami. Kaya walang rason na maging magalang ako sa kanya. Sa kabila ng ginawa nito sa akin ngayong araw? Pinatunayan lang niyang tama ang naging desisyon ko noon. Na hindi na maghabol pa sa kanya.
Pinasadaan ako nito ng nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa na napapangisi. Napakuyom ako ng kamao. Pinipigilan ang sariling magalit at masigawan ito.
"Hindi ba dapat sa kumpanya ka tumuloy, hmm? Office hours pa lang sa pagkakaalam ko, Ms Bhelle Alonte," tila nang-aasar nitong tanong.
Matapang kong sinalubong ang mga mata nitong napakalamig kung tumitig. Nagtaas ito ng kilay na tila hindi inaasahang kaya kong maging matapang at palaban sa harapan nito.
"May mga mata ka naman, Mr Tyrone Del Mundo, hindi ba?" baliktanong kong sarkastiko ang tono.
"Nakikita mo naman ang itsura ko. Tinatanong pa ba kung bakit ako napauwi na wala sa oras? Oh, pasensiya na po kayo, your highness. May bastos kasing walang modong nilalang ang imbes na tulungan akong makatayo kanina sa restaurant ay ipinahiya at binuhusan ako ng tubig. Kaya heto, basang-basa ako na parang sisiw," sarkastikong saad ko na ikinangisi lang nito.
Napairap ako dito na tinalikuran na dahil sa pag-alpasan ng mga butil-butil kong luha. Hindi naman na ito sumagot at narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kotse nito kasunod ang pagpaharurot nito palayo.
Napatakip ako ng palad sa bibig na hindi ko na mapigilan pang mapahagulhol. Patakbo akong umakyak ng hagdanan sa third floor kung saan ang apartment na tinutuluyan ko.
Padapa akong bumagsak ng kama na humahagulhol. Sobrang sama ng loob ko na hindi ko naman mailabas. Galit ako sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Pero wala akong lakas ng loob para sumbatan ito at banggahin. Lalong-lalo na ang kalabanin siya ng harap-harapan.
Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising ako na nanginginig ang buong katawan sa lamig at inaapoy ng lagnat! Nanghihina kong hinila ang kumot na ipinambalot ko sa katawan ko. Natuyuan na tuloy ako ng basang damit ko kanina.
Sobrang kirot ng ulo ko na parang inaatake ako ng migraine! Wala pa naman akong gamot dito para sa lagnat. Wala ding mautusan na maaaring pakisuyuhan para bumili ng gamot ko sa labas.
KINABUKASAN ay mas lumala pa ang lagnat ko. Na halos hindi na makabangon ng kama para mag-banyo. Nanginginig ang katawan at nanlalambot ang mga tuhod ko. Umiikot ang paningin ko na dama ang panlalata.
Nangangatal ang kamay ko na inabot ang cellphone ko sa gilid ng kama na marinig ang pag-ring nito.
"Hello?" mahinang sagot ko na napapapikit.
"Where the hell are you, ha?! Wala ka bang orasan?! Hindi mo ba alam kung anong oras na!?" magkakasunod na bulyaw nito sa kabilang linya.
Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga sa lakas ng sigaw nito. Galit na galit ang tono. Napahinga ako ng malalim.
"Nasa apartment pa rin ako. Pasensiya na. Hindi ako makakapasok--"
"Be here in thirty minutes, Ms Bhelle Alonte. Or else, mawawalan ka ng trabaho!" asik nito na hindi manlang pinatapos ang ipaliwanag ko.
Napatampal ako sa noo. Sobrang taas pa rin ng lagnat ko. Pero wala naman akong pamimilian. Ayokong mawalan ng trabaho dahil nakasalalay sa akin ang pag-aaral ng dalawang nakababata kong kapatid sa probinsya namin.
Mangiyak-ngiyak ako na pilit bumangon at inayos ang sarili. Kahit nanginginig at umiikot ang paningin ko ay bumyahe ako patungong kumpanya nito.
Siya ang boss ko. Hindi ako pwedeng makipagtigasan dito. Dahil ako ang talo. Mawawalan ako ng trabaho. At matitigil sa pag-aaral ang mga kapatid ko. At 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari.
Kahit paano ay maayos naman akong nakarating ng opisina nito kahit para na akong lumulutang. Nakayakap sa sarili kahit balot na balot ang itsura.
"S-Sir."
Napaangat ito ng mukha na bahagyang salubong and mga kilay nitong pinagdaanan ang kabuoan ko ng nang-iinsultong tingin. Nanatili akong nakatayo sa harapan nito. Kahit pakiramdam ko ay mabubuwal na ako anumang oras.
"What are you waiting for? Hurry up! Do your job!" asik nito na ikinatango ko lang.
Bagsak ang balikat na nagtungo ako ng cubicle ko. Napasapo ako sa ulo na lalong umiikot ang paningin ko na humarap sa screen ng computer!
Dama ko naman ang panakanakang pagsulyap nito na hindi ko na lamang pinapansin. Inayos ko ang mga naka-schedule ditong mga meeting at iba pa.
Lalo namang nanginginig ang katawan ko sa lamig na binubuga ng aircon dito sa opisina. Pero wala naman akong karapatan na magreklamo o kahit hinaan ito dahil katulad ng sinabi nito. Siya ang boss. Ako ay isang empleyado lang nito.
Nang maayos ko na ang mga schedule nito ay napayuko na ako. Hindi ko na kaya ang pagkirot ng ulo at pag-ikot ng paningin! Maging ang katawan ko ay parang naninigas na sa lamig!
Napapitlag ako sa biglang paghampas ng kung sino sa lamesa ko! Pupungas-pungas pa akong napaayos ng upo na napatingala dito. Ang galit na mukha lang naman ni Tyrone ang bumungad sa umiikot kong paningin!
"S-sir," halos namamaos ang boses na sambit ko.
"What do you think you're doing, ha!? Magtrabaho ka!" singhal nito na nagpantig ang panga at kuyom ang kamao.
"O-opo. . . pasensiya na. Nahihilo na kasi ako, Sir," paumanhin ko na nanginginig ang boses.
"I don't f*****g care, Ms Bhelle Alonte. Binabayaran kita ng tama kaya kaya gawing mo ng maayos ang trabaho mo! Hindi ko kailangan ng tamad at oportunistang empleyado dito!" singhal pa nito na parang mabangis na tigre ang mga mata.
Tumulo ang luha ko na napayuko. Umalis ito na pabalang ibinagsak ang pintuan. Mapait akong napangiti na nagpahid ng luha. Mariin akong napapikit na napapahilot ng sentido.
"Kaya mo ito, Bhelle. Dalawang buwan. Dalawang buwan lang naman ang titiisin mo sa kumag na Del Mundo na 'yon."
Nagngingitngit ang loob kong pilit winawaglit ang kaganapan sa amin ni Tyrone.