bc

Still, Loving You [TYRONE MONTEREAL SERIES18]

book_age18+
3.0K
FOLLOW
31.3K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
arrogant
kickass heroine
bxg
lighthearted
campus
office/work place
multiple personality
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Anong kaya mong tiisin para sa iyong ina? Kaya mo bang ibaba ang dignidad mo at maging parausan ng lalakeng minsan mo ng minahal pero winasak lang ang puso mo kapalit ng perang ibibigay nito para maipagamot ang ina mo. Kilalanin si Bhelle Alonte, isang simpleng dalagang iibig sa isang multi-billionare na laking syudad na si Tyrone Del Mundo. Maibabalik pa ba ang tamis ng kahapon sa dalawang pusong puno ng galit dahil sa maling akala?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROLOGUE! "Kailangan mo ba ang katawan ko? Hwag mo na akong pwersahin, Sir Tyrone, ipagkakaloob ko ang katawan ko sa'yo. Kasi 'yon lang naman ang kaya kong maibayad sa'yo." Napahagulhol akong niyakap ito na natigilan. Kitang naguguluhan ito sa mga nangyayari at hindi ko na rin malaman kung paano magsisimulang humingi ng kapatawaran niya. "N-no. It's not like that, sweetheart." "Bakit, may bagong pakulo ka ba para durugin pa ako, Sir?" Napatitig ako dito at kitang walang emosyon ang mga mata nito. Kimi itong ngumiti na dahan-dahang. . . naghubad sa harapan kong ikinalunok ko. "Sige lang, Sir. Magpakasasa ka lang sa katawan ko. Dahil ito lang ang kaya kong maibigay sa'yo. Sabi mo nga. . . wala akong pera na pambayad kaya katawan ko lang ang maibibigay ko." Saad nito na parang nawawala sa sarili. ******** BHELLE: KABADO AKO na naglalakad papasok ng trabaho ko sa TDM's Corporation. Ito ang unang araw na papasok ako sa kumpanya. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan. Bagong secretary lang ako ng magiging boss ko doon. Ini-substitute lang kasi ako ng dati kong boss sa inaanak nitong nangangailangan ng bagong secretary na magaling at pulido magtrabaho. Ayon kay Sir Dionne Di Caprio na dati kong boss ay masungit at maarte ang inaanak niya. Ayaw daw nito ng pakeme-keme sa trabaho. Laging mainitin ang ulo at gustong on time ka lagi sa trabaho. Lalo tuloy akong kinakabahan. Kahit inagahan ko na ang pagpasok ay kinakabahan pa rin ako na baka mapagalitan ako sa unang araw ko sa trabaho! Hindi ko pa alam kung sino ang magiging boss ko pero sa pagsasalarawan ng dating boss ko ay masasabi kong kailangan kong galingan sa pagtatrabaho dito kung ayaw kong masabon lagi dito! Napapahinga ako ng malalim. Pilit ngumiti na napapahid ng pawis kong namumuo sa aking noo. Kinalma ko muna ang puso kong sobrang bilis ng t***k bago nagpatuloy na pumasok sa building. "Good morning, Ma'am," magalang bati ng dalawang guard na siyang nagbukas ng pinto. "Good morning, Sir. Salamat po," napapayuko kong balik bati sa mga ito na ngumiti. Naglakad ako ng lobby na napapagala ng paningin. Malawak ang lugar. Nagsusumigaw sa karangyaan at napakalinis lahat ng sulok. Nagtungo ako ng front desk at ngumiti sa mga staff ditong may matamis ding ngiti sa mga labi na nakatitig sa akin. Tila hinihintay akong makalapit. "Hi, good morning, Ma'am," bati ko na naglabas ng resume at I'd ko. "Good morning too, Ma'am. How may I help you?" magalang tanong nito. "Um, I'm your boss, new secretary. I'm Bhelle Alonte. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang opisina ni Sir," saad ko. "Ah, yes, Ma'am. Hinihintay po kayo ni Sir Del Mundo sa opisina niya. Ihahatid ko na lang po kayo," magiliw nitong saad na ikinangiti kong napatango-tango. Nagtungo kami ng elevator. Napakadaldal nito na napaka-friendly makipag-usap. Natutuwa naman ako na kahit paano ay may bago na akong kaibigan sa kumpanya na ito. Kahit na nasa dalawang buwan lang naman akong magtatrabaho dito bilang substitute secretary. "I'm Aubrey, nice to meet you, Bhelle. Sana maging kaibigan kita," nakangiting saad nitong naglahad ng kamay. "Nice to meet you too, Aubrey. Salamat. Kailangan ko talaga ng magiging kaibigan dito dahil alam mo na, baguhan lang ako," nakangiting sagot ko na tinanggap ang kamay nito. Bumukas ang elevator at iginiya ako sa hallway ng floor na hinintuan namin. Napapagala ako ng paningin. Wala na kasi kaming ibang pinto na nadaanan. Sa dulong bahagi may double door na may mga naka-uniporme pa ng tila bodyguard ang itsura nila. Tuwid na nakatayo at pare-parehong mga naka-all black suits. "Um, Bhelle. Good luck. Pasok ka na. Kanina pa nasa loob si boss," ani Aubrey na sinenyasan ang isang lalakeng katabi ang pinto na binuksan iyon. "Thank you, magkita tayo mamaya," pamamaalam ko dito. Ngumiti at kumaway naman ito bago ako pumasok ng opisina. Nangangatog ang mga tuhod ko na naigala ang paningin sa paligid. Napakalawak ng opisina nito. Meron na rin itong kusina at sala na parang nasa isang magarang condo unit ka lang! Napatitig ako sa lalakeng nasa sulok ang office table. Nakayuko ito na abala sa pagpirma. Kabado man ay naglakad ako palapit sa gawi nito. Mukhang naramdaman nito ang prehensya ko na natigilan bahagya sa ginagawa. Malalim akong napahugot ng hininga bago tumuwid ng tayo sa harapan nito at napatikhim. "Ahem! Good morning po, Sir." Pagbati ko. "Prepared me black coffee," malamig nitong saad na hindi manlang nag-angat ng mukha. "Yes, Sir!" masiglang sagot ko na ngumiti kahit hindi ito nakatingin. Nagtungo ako ng pantry nito at ginawan siya ng black coffee katulad ng utos nito. Napangiti ako habang tinitimpla ang kape nito na may maalalang tao na gustong-gusto noon ang timpla ko sa black coffee. Kung dati ay ayaw niya non dahil mapait daw? Nung natikman na niya ang timpla ko ay halos 'yon na ang kinakape nito lagi. Palaging nagpapagawa na ito ng kape sa akin at sarap na sarap sa timpla ko. Napailing akong pilit iwinaksi ang naglalaro sa isipan dahil sa pinatimpla ng amo ko sa aking black coffee na maalala ang lalakeng unang beses kong minahal pero, sinaktan niya lang ako. Maingat kong inilapag sa harapan nito ang kape na tinimpla ko. "Sir, your coffee." "Sit on your table and check my schedule," walang emosyong saad nito na ikinatango-tango kong nagtungo sa katabi nitong mesa. Napapanguso ako na binuksan ang notebook na nandidito. Tila sinadyang iwan para sa mga pagbabasehan ko sa pagiging secretary nito. Nakaupo ako ng swivel chair ko na kinakabisa ang mga simpleng katangian at mga gusto nito. Mukha ngang masungit ito na hindi manlang ako tinanong kung anong pangalan ko. Ultimo ang pinuri ang kapeng ginawa ko para dito. Ilang minuto ko pang binasa ang mga schedule nitong nakalagay dito sa note bago tumayo na masulyapan ang wristwatch kong maga-alasdyes na ng umaga. May schedule kasi itong meeting sa labas ng bandang alas-onse at sa Taguig pa. "Um, excuse me, Sir. May meeting ka sa Montefalco company, mamayang eleven am sa Hera restaurant sa Taguig," pagbibigay alam ko. Natigilan naman ito sa pagpirma na tinulungan kong iligpit ang mga folder sa mesa nito. Nagkasagian ang aming kamay na kapwa namin ikinatigil. Napapalunok ako. Para kasing bumilis ang t***k ng puso ko na sumagi ang balat nito sa balat ko. Na para akong nilukob ng libo-libong boltahe ng kuryente! Iisang tao pa lang naman sa tanang buhay ko ang nakakagawa non. Pero noon pa iyon. Matagal na. "S-sorry, Sir. . . ." nauutal kong paumanhin. Tumayo ito na dinampot ang ilang folder. Napapayuko tuloy ako. Iniabot niya ang mga iyon na ikinaangat ko ng mukha para lang magimbal na mabungaran ang kabuoan ng kanyang mukha! Nanigas ako at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na mapatitig sa mga mata nitong walang emosyon at malamig pa sa yelo kung makatitig! Nanunuot sa buto ko ang tiim ng pagkakatitig nito. Hindi ko naman ito mabakasan ng pagkagulat na makita akong muli! "T-Tyrone," nauutal at mahinang bigkas ko.nl Napangisi ito. "Sir Tyrone for you. I am your boss here, Ms Alonte. You should know your place. You're just my secretary here. Do you get that?" malamig nitong saad na may kadiinan ang pagkakabigkas. Napalunok akong marahang tumango. "Y-yes, S-sir Tyrone. P-pasensiya na po," nauutal kong paumanhin na napapayuko dito. "Tsk. Let's go," turan nitong napakasungit ng tono at nagpatiuna ng lumabas na kaagad kong ikinasunod dito. Nangangatog ang mga tuhod ko na nakasunod dito. Para akong nalulutang sa ere! Nakakainis! Bakit naman sa dinami-rami ng maaari kong maging boss ay ito pa. Si Tyrone Del Mundo pa talaga! Ang lalakeng dumurog lang naman sa puso ko. . . limang taon na ang nakakalipas!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook