BHELLE:
PIGIL-PIGIL ko ang paghinga na nakatayo sa likuran nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib kong parang mayayanig na sa bilis ng pagtibok ng puso ko! Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko na hindi ko maitayo ng diretso habang nakamata sa likuran nito.
Kung dati ay napakagwapo na niya? Ngayon naman ay mas trumiple pa na nag-matured ang itsura at mas nagkalaman-laman pa ang pangangatawan!
Mapait akong napangiti na maalala kung gaano ito ka-sweet, clingy, protective at loving boyfriend dati. Napaka-romantic niyang lalake na kahit sinong babae ay mapapa-ihi sa kilig dito.
Pero ngayon. . . ? Ibang-iba na siya. Wala na ang maaliwalas niyang ngiti na umaabot sa kanyang mga matang makikinang. Napakalamig na niya kung tumitig at wala ng kakinang-kinang ang mga mata. Salubong ang makapal at itim na mga kilay at nakabusangot lagi. Napaka-arogante niyang tignan. Pero kahit ganun ay napakagwapo niya pa rin na tila mas ikinalakas pa yata ng datingan nito ang kanyang pagsusungit.
Napabalik ang ulirat ko ng tumunog ang elevator na bumukas ang pinto. Nauna sa amin na lumabas ang mga bodyguards nito. Ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran.
Pagdating namin sa tapat ng red sportcar na service nito ay awtomatikong nagbukas ang pinto no'n.
"And who gave you the permission, Ms Alonte, to get in my car, ha?" may kadiinang asik nito sa akmang pagsakay ko sa front seat.
Nanigas ako na natulos sa kinatatayuan. Sumakay na ito sa driver side at sinamaan ako ng tingin. 'Yong uri ng tingin na para siyang mabangis na hayop na nagbabantang manakmal!
"Um, S-sir, saan po ako sasakay kung ganon?" lakasloob kong tanong.
Ni-start na nito ang kotse na hindi manlang lumingon sa akin.
"Mag-taxi ka," walang emosyong saad nitong nagsarado na ang kotse.
Kaagad namang nagsi sakay ang mga bodyguard nito sa iba pang van at kotse ditong napasunod kay Tyrone.
Kuyom ang kamao na malalaki ang hakbang kong lumabas ng exit nitong parking lot.
"Kaya mo 'to, Bhelle. Dalawang buwan. Dalawang buwan lang naman ang titiisin mo e. Mabilis lang lumipas ang mga araw," pagpapakatatag ko sa sarili.
Nangingilid ang luha ko na naghihintay ng dadaang taxi dito sa harapan ng kumpanya nito. Kanina pa sila nakaalis at tiyak na mapapagalitan niya ako kapag na-late akong dumating doon at hindi makapag-take note sa mga pag-uusapan nila ng mga investors!
"Kuya, para po!" lakasloob kong pagharang sa isang delivery food rider na akmang paalis na.
Nangunotnoo ito na nginitian ko ng matamis!
"Kuya, nagmamadali kasi ako eh. Kung pwedeng makisuyo. Baka tustahin na ako ng amo ko na late na ako sa meeting place nila ng mga investor na kikitain namin. Please? Magbabayad po ako," desperadang pakiusap ko.
Wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Tiyak akong mapapagalitan ako ni Tyrone na late na akong nakasunod sa kanila.
"Please? Maawa ka naman, Kuya?" pagmamakaawa ko pa dito.
Tipid itong ngumiti na tumango.
"Sige po, Ma'am."
"Salamat, Kuya! Hulog kayo ng langit sa akin!" tili ko na kaagad sumampa sa motor nito.
PANAY ang overtake nito at pagsingit sa mga nadadaanan naming kotse na nakatigil dahil sa traffic! Mahigpit naman akong nakakapit sa laylayan ng jacket nito na nakamata sa harapan dahil baka lumagpas pa kami sa Hera's restaurant na pupuntahan ko!
Pagdating namin ng restaurant ay kaagad na akong bumaba. Nagtanggal ng helmet at inayos ang nagulo kong buhok.
"Kuya, salamat, hah? Magkano po?" aniko na nilabas ang wallet sa bag ko.
"Naku, hwag na po, Ma'am. Tulong ko na po sa inyo 'yan. Mag-iingat po kayo," magalang saad nitong umalis na.
Napangiti akong napasunod ng tingin dito hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. Napahinga ako ng malalim na inayos ang sariling pumasok ng restaurant. Napapagala ako ng paningin sa lahat ng mga taong nandidito.
Magtatanghalian na kaya naman halos mapuno na ang lahat ng nandiditong mesa. Para akong maiihi sa kaba! Hindi ko kasi mahagilap si Tyrone sa mga nandidito. Hindi ko pa naman alam ang cellphone number nito kaya hindi ko matawagan.
Napapalapat ako ng labing mangiyak-ngiyak na napapagala ng paningin sa lahat. Umaasa na makikita ko ito dito. Sa kakagala ko ng paningin ay may nakabangga ako na dahilan kaya natapilok akong ikinaagaw ko ng attention sa lahat!
"Are you blind, ha?! Look what you've done to my expensive limited edition dress!" sigaw ng supistikadang babae sa harapan ko!
Nanginginig ang katawan kong hindi makatayo mula sa pagkakasalampak dito sa sahig! Hiyang-hiya ako na hindi makakilos lalo na't nagtatawanan ang mga nandidito na dama kong sa akin nakatingin.
"S-sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya," nauutal kong paumanhin na nakatungo.
"Babe, what's going on here?" dinig kong pagtawag ng baritonong boses.
Napalabi ako na mabosesan ito. Napakuyom ako ng kamao na nanatiling nakayuko.
"Babe. This poor girl, ruined my dress. Look, oh? Binangga niya ako kaya natapunan ng juice ang damit. Babe, ang lagkit-lagkit ko na," pagsusumbong nito na napaka arte kung magsalitang nagpapabebe.
"Just a minute, babe," sagot nito na ikinalunok ko.
Saglit lang ay nagtilian na ang paligid kasabay ng paninigas ko sa kinauupuan na binuhusan ako ng malamig na tubig! Nagkatawanan ang mga nandidito na napapahiyaw pa sa ginawa nito!
"Is that enough? Naiganti na ba kita?" malambing saad nito.
"Ahy. You did that, for me? Ang sweet naman. Pakiramdam ko tuloy ay para akong batang nagsusumbong sa magulang eh," maarteng sagot nitong mahinang ikinatawa ni Tyrone.
"Anything for my girl," anito.
Ilang minuto lang ay umalis na sila sa harapan ko. Bumalik na rin sa kani-kanilang kinakain ang mga costumer na pinagtatawanan ako kanina. Nanginginig ang katawan ko na basang-basa. Pilit kong pinapatatag ang sarili kahit dama kong parang bibigay na!
Hindi ako makaangat ng paningin. Hiyang-hiya ako. Yakap ang sarili ay halos patakbo akong lumabas ng restaurant. Napahagulhol ako na hindi ko na nakayanan pagkalabas ko.
Para akong basang sisiw. Walang mapuntahan. Walang masilungan sa mga sandaling ito. Napatakip ako ng palad sa bibig na hindi na malaman ang gagawin. Kung uuwi ako ay tiyak na magagalit lalo si Tyrone. Pero paano naman ako haharap sa kanya ngayon na ganito ang itsura ko?
Nakilala ba niya ako? O sinadya niyang. . . ipahiya ako sa lahat.