BHELLE:
MABUTI na lang at may naging kaibigan na ako dito sa company ni Tyrone na nautusan kong ibili ako ng makakain at gamot. Si Aubrey.
Awang-awa ito sa akin pero maging siya ay wala namang magagawa para pakiusapan si Tyrone na pauwiin na muna ako at hayaang makapagpahinga ng maayos.
"Kumusta? Nahihilo ka pa ba?" nag-aalalang tanong nito.
Pilit akong ngumiti na marahang umiling.
"Mas okay na kaysa kanina. Salamat talaga, Aubrey," saad ko na ikinangiti nitong hinahaplos ako sa ulo.
"Walang anuman, Bhelle. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko? Magsabi ka lang," saad pa nito.
"Salamat."
LUMIPAS ang buong araw na nairaos ko naman kahit paano ang trabaho ko. Kahit palagi akong sinisigawan ni Tyrone na pinapahiya ako ay hinahayaan ko na lamang. Pagod na pagod na ang katawan ko para makipagtalo pa dito. Wala din naman akong panama sa kanya dahil lagi niyang pinapamukhang mababang uring tao lang ako, kumpara sa isang katulad niya. At tama naman siya sa sinaad niyang iyon. Isa siyang multi-billionare ng bansa. Habang ako? Isa lang akong hamak na secretary.
HABANG naghihintay ako ng jeep na masasakyan pauwi ng apartment ko ay may naka-big bike ducati motor ang huminto sa harapan ko.
Napaatras ako bahagya at kinabahan. Nagtanggal ito ng helmet at parang nag-slow-mo ang paligid na makilala ko kung sino ito!
"Hi, baby. Long time no see," nakangiting kindat nitong napapahawi sa may kahabaan niyang buhok na abot hanggang balikat!
"Zayn!" tili ko na niyakap itong napahalakhak.
Si Zayn Del Mundo. Bestfriend at pinsan ni Tyrone. Siya ang naging sandalan ko noong dinala ako ni Tyrone dito sa syudad at naging matalik na ring kaibigan.
Naluha akong nakadama ng ginhawa na makita itong muli! Pakiramdam ko ay nakakuha ako ng kakampi na magtatanggol sa akin sa pang-aapi ni Tyrone sa akin!
"It's been a while, baby. Kumusta ka na, hmm?" malambing tanong nito na pinahid ang luha ko at napahalik sa noo ko.
Sanay naman na ako na malambing si Zayn sa akin dati pa. Madalas nga ay pinagseselosan siya ni Tyrone dati dahil naging mas malapit kami sa isa't-isa kumpara sa amin ni Tyrone na magkasintahan.
Ngumiti ako na napahaplos sa buhok nitong hinahangin at tumatabing sa kanyang mga mata.
"Eto, buhay pa naman. Ikaw, kumusta ka na? Mukha yatang lalo tayong yumaman ah," masiglang saad kong ikinatawa nito.
"Akala ko pa naman mas lalong gwumapo."
Napangiwi akong pabirong nasuntok ito sa tyan na ikinatawa nitong napaigik at yumakap muli.
Napapangiti na rin akong niyakap ito. Ni hindi ko na alintana na pinagtitinginan na kami ng mga taong dumaraan at nagbubulungan. Hindi ko naman sila masisisi. Kilalang tao si Zayn Del Mundo. Kilala ding playboy kaya lahat ng napapalapit ditong babae ay nali-link sa kanya dahil sino nga naman ang makakatanggi sa isang katulad niya?
Lahat na yata ng mga katangian na hinahanap ng mga babae ay nasa kanya.
Gwapo, matangkad, matalino, mabait, makulit, pilyo, maasikaso, 'yon nga lang ay babaero. Wala siyang siniseryosong babae. Laro lang sa kanya ang pakikipag-fling. Kaya naman laging nagseselos noon si Tyrone kapag kaming dalawa ni Zayn ang magkasama.
"Pauwi ka na ba? Ihatid na kita?" untag nitong ikinabalik ng ulirat ko.
"Um, okay lang ba? Baka may lakad ka pa, ha? Nakakahiya naman," sagot kong ikinangiti nito.
"Mas mahalaga ka. Tara?" kindat nitong inabutan ako ng helmet.
Napapangiti akong isinuot ang helmet nito. Para lang kami noong dati. Lagi akong nakaangkas sa kanyang motor. Malambing kami sa isa't-isa at parang magkapatid na ang turingan. Kaya naman na-chismis din kami nito na may relasyon pero hindi na namin pinatulan dahil lahat naman ng mga babaeng napapalapit dito ay binibigyan ng issue para mapag-usapan ito.
"Kumapit ka," malambing saad nitong kinuha ang kamay ko na iniyakap sa baywang nito.
Natawa akong mahina itong kinurot sa tagiliran na ikinahalakhak nitong napaiktad.
"Sira ka talaga," natatawang saad kong niyakap na lamang ito
Pero hindi pa man kami nakakaalis ay parang may mga matang nakatutok sa amin. Nangilabot ako na napalinga-linga sa paligid. Napalunok ako na magtama ang mga mata namin ng taong hindi ko inaasahang makikita ko.
Napakatalim ng ginagawad nitong tingin na tila pinapatay na niya kami sa kanyang isipan.
"Tyrone," mahinang sambit ko.
Nakasakay ito sa kanyang sportcar na nakababa ang bintana. Kaya naman kitang-kita siya sa loob at ang talim niyang pagtitig!
Nagbawi ako ng tingin dito na yumakap na lamang kay Zayn at inihilig ang ulo sa balikat nito. In-start naman na nito ang motor nito na kaagad nakipag-patintero sa gitna ng highway.
Napahinga ako ng malalim. Gusto ko na lamang umalis sa kumpanya ni Tyrone. Sa mga nangyayari sa amin ay doon din naman ang bagsak namin. Ang masisante niya ako o ako na mismo ang kusang magpapadala ng resignation letter ko dito.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya pa ang may ganang magalit sa aming dalawa. Gayung ako ang agrabyado. Ako ang iniwan. Ako ang sinaktan at pinagpalit kaagad. Pinamukhang hindi ako mawalan. Pero heto at parang ako pa ang mali sa aming dalawa. Sa mga kinikilos niya ay napaghahalataan itong nami-mersonal na. Kung paano niya ako ipahiya. Kung paano niya ako pahirapan. Wala manlang siyang kunsidirasyon na may lagnat ang tao. Pero heto at pinagtrabaho pa rin ako kahit nakikita niyang masama ang pakiramdam ko na halos hindi makatayo ng maayos!
Napakasama niya. Ibang-iba na nga siya. Wala na ang Tyrone na nagustuhan ko noon. Napakayabang na niya ngayon at nangmamata na ng maliliit na tao. Akala ko ay kilala ko na siya. . . akala ko lang pala.
PAGDATING namin ng apartment ko ay nauna na akong bumaba. Inalalayan naman ako nito dahil mataas ang motor nito. Nagtanggal din ito ng helmet na napalinga sa paligid.
"Dito ka nakatira?" tanong nito.
"Um, yeah."
"Hindi ba delikado dito? Look oh, parang mga gangster ang mga kapitbahay mo eh," puna nito.
Napahagikhik akong nasuntok ito sa braso na ikinatawa nito.
"Grabe ka naman sa kanila. Mabait ang mga kapitbahay ko dito. Ano ka ba?" natatawang saad ko.
"Gusto mong mag-kape muna? Tara sa loob?" pag-aya ko.
Ngumiti itong bumaba ng kanyang bigbike motor na inayos ang pagkaparada. Magkasabay kaming umakyat ng hagdanan kung saan ang floor ng apartment ko. Napapagala pa ito ng paningin na tila sinusuri ang lugar.
"Mababait ang mga tao dito. Ilang taon na akong nakatira dito kaya kabisado ko na sila at ganun din sila sa akin. Hwag ka ng mag-alala. Safe ako dito," saad ko habang binubuksan ang padlocks ng pinto.
"Tuloy ka," pag-aya ko na binuksan ang mga ilaw.
Napapanguso naman itong napapagala pa rin ng tingin sa kabuoan ng apartment ko. Naupo ito sa sofa na napadekwatro pa ng mahahabang binti, tss. Napakatangkad naman kasing nilalang.
"Sigurado ka bang safe ka dito? I mean. . . mag-isa ka. Babae ka. Tas sa gantong lugar ka lang nakatira? What if may mangahas na pasukin ka dito?" nag-aalalang tanong nito.
Napahinga ako ng malalim na nagtitimpla ng kape namin.
"Magtatagal ba ako dito kung may nangahas na pinasok ako? Sinabi ko na sayo. Mababait ang mga tao dito. Hwag ka ng mag-alala,"
saad kong naupo sa tabi nito at nilapag sa harapan naming ang ginawa kong kape.
"Ibili na lang kita ng condo mo. Doon mapapanatag ako."
Namilog ang mga mata kong nahampas ito sa braso na ikinaiktad nitong nahaplos ang braso.
"Baliw ka ba!?"
"Aw! Bakit ka naman nananakit? Nag-aalala lang naman ako sayo. Sige na. Lumipat ka sa unit ko."
"Ayoko," pagmamatigas ko.
"Bhelle, para 'yon sa seguridad mo. Isa pa ay hindi mo naman ako makakasama doon eh. Kaya hwag ka ng mag-alala. Kung talagang kaibigan mo ako? Makikinig ka sa akin. Para 'yon sa kapakanan mo. Okay?" pinal nitong saad na parang hindi na ako binibigyan ng pagkakataon na tumanggi.
Nakataas ito ng kilay na hinihintay ang sagot ko. Napahinga ako ng malalim. Medyo luma na kasi ang apartment na tinutuluyan ko. Kahit mga pintura nito ay luma na at nababakbak. Kinakalawang na rin ang mga bintana kaya hindi ko ito masisi kung hindi ligtas ang lugar na ito sa paningin niya.
"I'm waiting, Bhelle?" untag nito.
"May magagawa pa ba ako?" napapangusong tanong ko na ikinalapad ng ngiti nitong halos ikasara na ng mga chinito nitong mata.
"Wala," nakangiting saad nitong napasimsim sa kanyang kape.
Napabusangot akong dinampot na rin ang kape ko. Napangiti ako na gumaan ang pakiramdam. Para pa rin siya dati. Napakamaalalahanin na tao. Tipong para niya akong nakababatang kapatid kung protektahan at ituring. Bagay na pinagpapasa-pasahan ko. Na dumating ito sa buhay ko. Ang nag-iisang. . . bestfriend ko.