Chapter 7
DESIREE
KINABAHAN akong tumingin kay sir Vladimier. Diritsa itong nakatingin sa akin habang nakangising tagumpay ang bruhildang babae sa harapan namin na akala mo naman may kagandahan. Na kung susumahin mas makinis ang puwit ko sa kanyang mukha. Kung hindi lang dahil sa makapal nitong lipstick nagmukhang na itong langka dahil sa daming tusok-tusok.
Inirapan ko siya nang napadako ang tingin nito sa akin. Pinigilan kong matawa dahil sa kanyang hitsura. Umusok na naman ang kanyang ilong dahil sa inis. Ngunit kaagad kong isineryoso ang mukha nang napagtanto kong nakatingin pala sa akin si Sir Vladimier.
“I told you, babe. Wala talagang modo ang babaeng ito. She's a low class woman, uneducated! Basta mahihirap ganyan talaga ang ugali.” panunulsulsol ni impakta kay sir Vladimier. Mas lalo pa itong lumapitnkay sir Vladi tila toko na makakapit kay Sir.
“Tanggalin muna siya babe. You don’t know her baka magnanakaw pala ang babaeng ito!” dagdag pa niya naikinakulo ng dugo ko. Napataas ang aking kilay sa narinig. Wow, kung makapanghusga ang impakta na ito wagas! Gusto kong sapakin ito para matauhan. Kuyom ang aking kamao para pigilan ang aking sarili. Pero paisa nga lang 'to.
“Aray! How dare you to slap my face!” sapo nito ang kanyang mukha nang mabilis na bumigwas ang kamay ko sa kanyang mukha. Isang malutong nasampal ang pinakawalan ko. Hindi porke't mahirap lang ako magpapaapi na ako sa kanya. Baka akala niya manahimik na lang ako rito?
“Wala kang karapatan laitin ang paging mahirap ko impakta! Oo, mahirap lang kami pero hindi kami masamang ugali katulad mo! Hindi ako pinalaki ng mama ko na magnanakaw! At kung susumahin naman mas mukha ka pang magnanakaw sa akin dahil sa kapal ng iyong make up daig mo pa ang a-attend ng childrens party!” singhal ko sa kanya. Narinig ko pang nagtawanan ang mga customers sa loob ng coffee shop. Dahil sa sobrang inis ko nakalimutan kong may tao pa pala rito.
“How dare you, b***h!” sigaw niya sa akin.
“Mas b***h ka rin, double, ten times one hundred times! b***h!” muli kong sigaw sa kanya. Nagkakamali siya nang kinalaban bruhilda siya. Kahit mahirap lang kami, pero hindi ako magpapaapi. Laging pinapaalala sa akin ni Mama na dapat hindi kami magpapaapi. Basta may katwiran ipaglaban ang karapatan.
“Woah! Go, Desiree! Ipaglaban ang karapatan nating mga mahihirap!” rinig kong sigaw ni Veronica.
“Desiree! Desiree! Desiree!” nagsimulang nag-cheer sa akin ang mga customer. Nagmistulang may sabong ang loob ng coffee shop. Napangiti ako nang mas lalong nanggalaiti sa galit. Nagtataka ako na hindi man lang umawat sa akin si Sir Vladi kahit nagmaktol na ang impakta.
“Babe, look at what she have done? Tingnan mo ginawa sa akin, sinaktan ako ng babaeng 'yan!” mangiyak-ngiyak nitong saad. Pero wala man lang ka rea-reaction ang mukha ni Sir Vladimier. Kaya mas lalong nagdiwang ang aking kalooban.
“Stop it! Margarette! You can't dictate mo kung ano ang aking gagawin. Malinaw sa akin kung sino ang may sala. You may go now! Nakakagulo ka lang rito!” matigas na saad ni Sir Vladi.
“What? Bakit ako ang kailangan na umalis? Babe, I'm your girl friend, bakit siya ang kinakampihan mo?” maktol nitong saad kay sir Vladi.
“Boooo!” sabay-sabay namang saad
ng mga customers.
“Shut up all of you! Mga hampaslupa!” galit na galit na sigaw ni Margarette. Ngunit mas lalo lamang nag-iingay ang mga customers. May pa thumbs down pa ang mga ito. Nanlilisik ang matang tumingin ito sa akin. Pero siyempre mas maldita ako sa kanya pinandilatan at tinaasan ko siya ng kilay.
Maganda sana ang pangalan pero kabaligtaran ng kanyang ugali. Hindi porke’t mayaman siya puwede na niyang alipustahin kaming mahihirap. Pero infairness kay demonyito, ha. Ay, este sir Vladi pala akala ko magka level na sila ng kasamaan ng girl friend niya. May tinatago pa pala itong kabaitan.
“Babe,”
“Shut up, Margarette! Hindi kita girl friend and I'm not your boy friend. Stop being so immature!” kita ko ang galit sa mga mata ni Sir Vladimier. Nagkulay matis ang mukha ni Margarette dahil sa labis na pagkapahiya.
“How dare you, dela Vega! After what happen the two of us last night tapos ngayon sabihin mo sa akin 'yan!” halos nanginginig na ito dahil sa sobrang galit para kay sir.
“Ouch! Ang sakit naman 'yan!” bulong ng mga ibang customers. Bahagyang nagkaroon naman ako ng simpatiya para kay Margarette. Kahit paano parehas kaming babae. Ayaw ko rin naman na may mga babaeng inaargabyado ng mga kalalakihan. Pagkatapos makuha ang lahat basta-basta na lamang ito balewalain.
Totoo nga talaga ang narinig ko na lahat ng mga dela Vega matinik sa mga babae. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil hitsura pa lang nila habulin na talaga ng mga babae. Maraming kababaihan ang nangarap na mahalin kahit isa sa mga dela Vega. Kahit si Veronica patay na patay kay sir Lexus na binsagan na pinaka playboy sa magkapatid.
Pero kahit pa sabihin na sila ang pinakagwapo sa buong mundo hindi ko pa rin nais na mapabilang sa mga babaeng nagkukumahog mapansin lang kahit isa sa kanila.
“Please, babe don't do this to me. Huwag mo akong ipahiya sa mga hampaslupang ito!” muling saad ni Margarette kag sir Vladi. Akmang hahawakan nito ang kamay ngunit mabilis na nabawi ni sir ang kanyang kamay. At pagkatapos hinablot nito ang braso ng dalaga. Napangiwi naman si Margarette dahil sa ginawa ni Sir.
“Will you stop calling me, babe! Wala pang mangahas na tumawag sa akin ng ganyan. And may I remind you, Margarette, nilinaw ko sa iyo ang lahat bago pa man ang nangyari sa atin!” pabalang nitong binitawan ang braso ng babae. Natahimik ang mga tao sa loob ng coffee shop. Siguro ramdam din nila ang galit ni Sir.
“f**k you, dela Vega. Maka-karma ka rin sa ginawa mo sa akin. And one thing hindi ako si Margarette! I’m Yvonne. You don't know who I am! You’ll gonna pay for this!”
Napa O-shape ang bibig ko sa aking narinig. Ibig sabihin maaring hindi na matandaan ni Sir kung sino ang nakasiping niya dahil sa dami ng babaeng nakakasama niya? Napailing-iling ako sa aking naiisip, Diyos ko. Eighteen ka pa lang Desiree huwag mong isipin kung ano ginagawa nila.
Napatigil ako sa aking ginawa dahil sa matalim n titig sa akin ni Margarette ay Yvonne nga pala.
“Whoever you are. You can leave now and don't ever come
back!”
“Magsama kayo ng babaeng ito parehas kayong baliw!” Hindi na ako pumatol pa at hinayaan ko na lamang siya. Nagmartsa na ito palabas ng coffeer shop ngunit bago pa man ito tuluyang nakalabas muli itong tumingin sa akin ng matalim.
Baliw nga siya, bakit ako ang sinisisi niya kung ayaw sa kanya ni Sir. Muling bumalik sa kanilang mesa ang mga customer at tahimik na iinom ang kanilang mga orders. Halos mapatalun ako sa sobrang galit nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Miss Aguas, follow me on my office!” hindi pa man ako nakasagot tinalikuran na ako ng demonyito kong amo. Ano na naman kaya ang ginagawa kong kasalanan?
“Wow! bilib ako sa'yo Des, ang tapang mo. Tama lang talaga ang ginawa mo sa babaeng ’yon napakayabang. Akala mo na kung sino,” saad ni Veronica sa akin nang nakabalik na ako sa aking puwesto.
“Tama lang ’yon sa kanya. Hindi porke't mayaman niya basta na lang niya apak-apakan. Dapat kailangan nating labanan ang mga ganyang mapang-abusong mga tao.”
“Miss Aguas, I said follw me in my office!”
“Sige na umalis ka na baka muli na naman mag-alburot si Sir. Mabuti nga 'yong si Sir Lexus ko. Guwapo na mabait pa.” taboy sa akin ni Veronica.