Chapter 8

1384 Words
DESIREE Nagmamadali akong pumasok ng opisina dahil mukhang galit na naman itong demonyito kong boss. Ano na naman kayang kasalanan ko? Mukhang hindi naman siya galit sa ginawa ko sa babae niya. Hay! Ewan ko ba, bakit nakapaka seryoso ng mukha ng demoyito na 'yon? Napakamahal ng kanyang tawa. Tila laging pinagbagsakan ng langit gayon halos na sa kanya ang lahat. Tatlong katok ang ginawa ko bago pinihit ang door knob at saka tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Naratnan ko siyang seryosong nakatutok sa kanyang laptop. Mukhang bad mood na naman ito base sa kapal ng linya na nakaguhit sa kanyang noo. Pero magtataka pa ba ako? Hindi na ako na sanay na wala namang araw na hindi ito nakasimangot. Ilang buwan na ako ritong nagtatrabaho pero minsan ko lang siyang nakitaang ngumiti. Walang puwang sa kanya ang salitang saya. Ibang-iba siya kina sir Lexus at Constantin na kahit malayo pa lang tanaw mo na ang kanilang abot taingang ngiti. Marunong din silang makisama sa mga trabahanti at siyempre galanti pa. Mabuti ang mga kagaya kong mahihirap kahit salat ang buhay at kulang minsan ang budget pambili ng pagkain hindi pa rin namin nakakalimutang tumawa at magpasalamat sa panginoon. Ngunit napalunok ako nang wala sa oras dahil sa kanyang ginawa. Sobrang hot nitong tingnan sa dahan-dahan niyang sinuklay ang kanyang medyo may kahabaan na buhok bago binaba ang suot niyang eye glasses sa mesa. Bago ako tinapunan ng tingin. Bwesit! Inaakit ba ako ng demonyito na ’to? My God, Desiree may gusto ka na yata sa kanya. Pinapantasayahan mo na ang masungit at demonyito mong boss “Hell no! Ayaw ko nga!” Mariing sigaw ng utak ko. Tila ako temang natinutotolan ang ano mang nasaisip ko. Hangga’t maari babakuran ko ang puso na huwag mahulog sa kagwapohan niya. Ayaw kong maging katulad sa mga ibang babae niya na pagkatapos magpakasasa sa katawan iiwan na lang basta-basta. “Pero ang tanong gusto ka rin ba niya? Huwag assuming girl.” pang-iinis naman ng isang bahagi ng utak ko. Kainis talaga itong utak ko kung ano-ano iniisip. “Miss Aguas! Bakit nakanganga ka lang riyan?" Halos napalundag at natauhan ako sa biglang pagsigaw ng demonyito kong boss nakalimutan kong nasa loob pala ako ng kanyang opisina. Busy kasi ako sa pakikipagtalo ng aking sarili. Kinapa ko muna ang aking bibig baka may laway dahil sa hindi ko namalayang nakanganga na pala ako habang nakatitig sa kanya. Ngunit mabuti nalang wala akong nakapang laway kaya mabilis kong isinara ang pintuan dahil hindi ko pala iyon nasara dahil na distruct na ako sa kapogian niya. Halos patakbo akong lumapit sa kanyang mesa at walang paalam na umupo sa bakanteng umupuan na nasa harapang ng kanyang mesa dahil sa lakas ng pagtahip ng aking dibdib lalo na nang nagtatama ang aming paningin kanina. “Who told you to sit down?” masungit nitong saad kaya hindi pa man nag-iinit ang aking puwit sa upuan padabog akong tumayo ulit. Ang kaninang nararamdaman kong paghanga sa kanya napalitan kaagad ng inis dahil sa kanyang sinabi. “May reklamo ka ba, Miss Aguas? Tell me!” muling asik niya sa akin dahil nakita niyang inirapan ko siya. “Naku! Wala po, Sir Demo—ay este Sir Vladi. Sino ba naman ako para magreklamo alam ko naman kung ano’ng papel ko rito isa lang naman akong hamak na TRABAHANTE ninyo,” ini- emphasized ko talaga ang word na trabahante para mararamdaman niya ang inis ko. Sinabayan ko pa ng pag-iiling ng aking ulo para maging kumbinsido kahit ang totoo sarap ipitan ang leeg niya sa mga hita ko para hindi na makahinga. “Tssk . . .” he smirk. Muli ko siyang inirapan dahil sa kanyang ginawa. “Sir, bakit ninyo ako pinapunta rito may ipapagawa po ba kayo sa akin?” inis kong tanong sa kanya. Kanina pa ako nakatayo hindi pa sinabi kung ano ang pakay. Pinapahirapan talaga ako ng demonyitong ito. Kay sarap tirisin! Kung hindi lang sa sinabi ni sir Lexus na back-up ko siya wala akong lakas na sagot-sagutin ang demonyitong ito. Dahi siyempre ayaw ko rin naman na basta-basta na lang akong apak-apakan porke't siya ang amo. At isa pa ayaw ko rin talaga ang ugali niya mas daig pa ang babaeng niregla dahil sa pagka-masungit. Pero siyempre may limitasyon naman ang kamalditahan ko. Natatakot pa rin ako sa kanya. Lalo na sa mga titig niyang kulang na lang lamunin ka niya ng buhay. Nagtatapang-tapangan lang talaga ako kahit ang totoo naninginginig na ang mga tuhod kp sa takot. Lalo na ngayon nag-aapoy na naman ang kanyang mata dahil sa galit. Ewan ko ba kung para saan siya nagagalit? “Miss Aguas! Do you think na ito-tolerate ko ang ginawa mong eskandalo kanina? You have to face your consequences fo having trouble inside my coffe shop!” galit nitong saad sa akin. But this time hindi ako natatakot sa tila kulog niyang boses na dumadagundong sa loob ng kanyang opisina. Napakunot ako sa akong noo. “Sa akin po kayo nagagalit sir? Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kung hindi ko ’yon ginawa malamang hindi pa siya umalis ngayon,” “So, ako pa ngayon ang magpasalamat sa iyo? You're impossible! Kahit ano pa ang sasabihin mo hindi ko papalampasin ang gulong kinasasangkutan mo!” “Teka lang po, Sir, ah! Wait lang po muna medyo 'di ko kasi na gets ang sinabi mo. Naglo-loading ang utak ko," saad ko sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan kung bakit nagagalit siya sa akin at may parusa pa ako? Wala naman akong ginawang masama pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko laban sa matapobreng babaeng 'yon. “Alin ang hindi mo maintindihan, Miss Aguas? Ang pagsimula mo ng gulo sa loob? Hindi mo man lang ba naisip na may mga customers tayo? And now, paano kung hindi na sila babalik dito dahil sa kagagahang ginawa mo!” bulyaw nito sa akin. Nasaktan ako sa term na ginamit niya. So ako pala ngayon ang mali kahit wala naman akong ginawang masama. Ipinaglalaban ko lang ang karapatan naming mahihirap na basta na lang inaapak-apakan ng mayabang na ’yon. “Hindi ko po maintindihan kung bakit sa akin kayo nagagalit, SIR? Hindi po ako nagsimula ng gulo,” kalmado kong saad. Dahil medyo nanginit na ang sulok ng aking mga mata. I blinked so many times to hold my tears. Ayaw kong makikita niya akong umiiyak dahil baka mas lalo lang niya akong maliitin. “But you shouldn't fight her back! Sana umiwas ka na lang. Hindi mo siya ka-level, kaya know your place bago ka magmatapang!” Napalunok ako ng ilang beses sa aking narinig. Siguro nga hindi niya naiintindihan ang ipinaglalaban ko dahil hindi siya gaya naming mahirap. What should I expect? Isang heartless, devil, arrogant Vladimier Dela Vega makakaintindi sa ipinaglalaban ko? Isang malaking himala po kung mangyari man 'yon. Tumikhim muna ako to cleared my throat bago nagsalita dahil kunti na lang malaglag na ang aking mga luha. Taas noo at buong tapang kong sinalungat ang mga titig niya sa akin. Kung tatanggalin man niya ako pagkatapos nito wala akong pakialam. Basta ang mahalaga hindi ako magpapaapak na kahit na sino. “Wala naman akong ginawang masama dahil hindi ko naman sinasadya ang pagkakatapon ng Kape sa suot niya. I already apologized pero hindi niya tinanggap kaya wala akong magagawa ro'n. Pero SIR, kahit mahirap lang po ako pinalaki akong may takot sa Dios. Kahit mahirap lang po kami marangal po ang ikinabubuhay namin. Kaya wala kayong karapatang mayayaman natapak-tapakan kaming mahihirap dahil parehas lang tayo nakaapak sa lupa. Hindi kayo panginoon na kailangan naming ludhan at sambahin. And one more thing Sir, I don't see any wrong with my actions dahil karapatan kong ipaglaban ang aking sarili laban sa mga taong mga matapobre kagaya ninyo!” Nakita kong natigalan siya sa aking mga sinasabi. Pero hindi ko na hinihintay ang kanyang sasabihin dahil ayaw kong marinig ang mga pangmamaliit niya sa akin. Nagmamadali na akong lumabas ng kanyang opisina. Dumirtso ako sa banyo at doon inilabas ang mga hinanakit ko. Hindi lang ako nasasaktan para sa aking sarili kundi para na rin sa mga kagaya kong marangal na nagtatrabaho pero basta na lang aapakan ang karapatan ng mga mayayamang mga walang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD