chapter 6

1125 Words
DESIREE Wala akong nagagawa kung hindi ang sumama sa damuhong lalaking ito. Mabuti na lang at nakatulog na ako kanina kaya may energy na naman ako ulit. Tahimik at walang gustong magsalita sa aming dalawa habang lulan kami sa kanyang sasakyan. Ipinirme ko ang aking paningin sa may bintana medyo maaga pa ang gabi kaya marami pa rin mga tao sa daan. Lalo na sa tinitirhan namin, nasa squatter kami kaya hindi na maipagtataka dahil maraming tao sa gilid ng daan. Karamihan sa kanila nag-iinoman, may nagsusugal. Parang hindi uso ang tulog sa kanila. ’Yong tipong ginawang gabi ang umaga. “This place is not safe for the girl like you.” Napataas ang kilay ko sa narinig. Maldita lang ang dating. Wow! First time, kailan pa kaya ito nagkaroon ng pakialam sa akin? May pa concern-concern pang nalalaman pero kung makapanglait sa akin wagas. “Huwag mong bigyan ng malisyosang meaning ang tanong ko. Hindi ikaw ang concern ko ang mama mo si Aling Rosalinda.” Mas lalong ikinataas ng kilay ko sa kanyang sinabi at the same time gusto kong matawa na rin pero pinipigilan ko lang baka bigla na naman itong mag-super sayan. Grabe, hindi ko akalain na marunong pa lang mag-aalala ang demonyitong katulad niya. Marunong pala siyang magmalasakit sa kapwa. Pero his right, maliit na silid lang ang aming inuupahan. Light material ang gamit nito. Marami na ngang butas sa aming bubong. Kulang na lang magkaroon kami ng instant swimming pool sa loob ng aming silid sa tuwing umuulan. Pero wala kaming magagawa dahil ito lang ang nakayanan ni mama. Maliit lang kasi ang sahod niya sa tinatrabahoan niyang factory. Kung hindi lang sana galit si Lola Esme sa amin siguro hindi na mahihirapan at magtitiis sa maliit at lumang silid na ’yon. Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago nagsalita. ‘As if naman may choice kami. Kung may pera lang ako. Sana nailipat ko na ang aking ina sa magarbong bahay.’ “Mababait naman sila," mahina kong saad. Totoo naman ang sinabi ko. Hangga’t hindi mo sila pakikialaman hindi ka rin nila pakikialaman. Wala rin naman kaming time ni mama makipagtsismisan sa kanila dahil busy kami sa araw-araw. “Mabait? Look at them, mukha ba ’yang mababait? Isang tingin pa lang sa kanila walang ginawang mabuti ang mga 'yan kundi puro kalokohan.” “Wala naman, po kaming mapagpipilian, Sir. At isa pa matagal na po kaming naninirahan dito wala naman po kaming naging problema.” Muli kong ibinaling ang aking paningin sa labas. Hindi ko lang talaga maiwasan ang malungkot. Naaalala ko na naman ang aking ama. Siguro kong buhay lang siya hindi kami naghihirap ng ganito ni mama dahil alam kung gagawin niya ang lahat hindi lang kami mahihirapan Hindi na rin kumibo pa si Sir Vladi habang nagmamaneho ngunit panaka-naka itong tumingin sa akin. Pa- simple kong pinahid ang aking mga luha gamit ang aking palad. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha nang maalala ko si Papa. Ngunit nagulat akong inabotan niya ako ng panyo. “Here use this.” Nagdalawang isip akong tanggapin ko ba o hindi pero baka isipin pa nito na maarti ako. Ako pa itong pinagmamalasakitan. “Where here,” rinig ko na lang saad ni Sir Vladimier. Tahimik akong bumababa ng sasakyan at dumiritso sa locker room para magpalit ng uniform. Pagkatapos kaagad akong pumunta ng counter. Wala si Tin kaya ako muna ang cashier. Naabutan ko si Veronica na busy sa pagtetempla ng mga orders. “Desiree, mabuti naman at nakarating ka. Kanina pa ako masyadong busy. Maraming nagdagsaang customer lalo pa ngayon at weekend,” saad nito na hindi man lang sumulyap sa gawi ko. Nanatili na nasa kanyang ginawa ang atensiyon nito. “Ayaw ko sanang pumasok kasi mag review pa ako. Malapit na kasi ang exams namin. Pero naaawa naman ako sa iyo. Alam ko kasing hindi kakayanin ng isang tao lang lalo na sa bado ngayon.” Kahit gabi na marami pa ring customers ang dumarayo sa Pure heart Cafe dahil sa maganda ang ambiance ng cafe, may roof deck din sila kung saan tanaw mo ang magandang view ng siyudad kapag gabi. At bukod sa magandang view dinarayo rin ang sikat na Heartthrob cheese cake at masarap nilang Macho Machiatto cafe. Kalimitan mwga studyanti at ’yong mga magbabarkada ang namamalagi rito. Pero pansin ko na mas lalong mga kababaihang na kapag nandito ang mga magkapatid na Dela Vega. Sina Vladimier, Lexus at sir Constantin. Parehas silang macho at guwapo. Naagaw ang atensiyon ko sa isang babaeng customer na papasok. Ilang gabi ko na siyang napapansin na nag-iisang nagpabalik-balik rito sa Cafe shop. “Hello, Miss. Give me two orders of Machiatto capuccino.” kaagad naman tumalima si Veronica. Maganda ang babae pero ramdam kong may pinagdadaanan siya base sa kanyang tinig at lalim ng kanyang mga mata. Panaka-naka akong tumingin sa kanya habang nagpalinga-linga naman ito para maghahanap ng mauupuan. Malapit sa sulok na malayo sa ibang customer ang napili niyang umupo. Sinusundan ko ang bawat galaw niya. Bigla akong nakaramdam ng simpatiya sa kanya habang minamasdan ko na matamlay itong nilapag ang dalawang cup. Tulad ng unang gabi na nagpunta siya rito hinihintay kong may darating. Baka may ka-blind date o ka-eye ball ito. Pero nakalipas na lamang ang ilang segundo wala pa ring lumapit sa kanya. Nakatalikod man siya sa gawi ko pero alam kong umiiyak ito dahil sa yumuyogyog ang kanyang balikat. Dinampot ko ang tissue at maliksing naglakad papalapit sa kanya ngunit nabunggo ang isang babae at tumilapom ang bitbit niyang coffe cup sa dibdib ko. “Hey, are you blind or what? O sadyang tanga ka lang talaga!” galit nitong asik sa akin. “I’m sorry po, ma’am. Hindi ko po sinsadya," hinging paumanhin ko sa kanya. “Sinira mo ang damit ko! Alam mo ba kung gaamo ito ka mahal, ha? You can't afford to buy this dress!” galit pa rin saad ng babae. Kaagad kumulo ang dugo ko sa kanyang sinabi. Kaya lumabas na naman ang pagkamaldita ko. Pero akmang ibuka ko pa lang ang aking bibig dahil sa nalalim na tinig ni Sir Vladimier na lumabas sa kanyang opisina. “What happen?” biglang dumadagondong ng malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa tinig ni Sir Vladimier. “Babe, look! She ruin my expensive dress. I want you to fire her. Napaka clumsy ng babaeng iyan.Baka kapag magtagal pa ’yan dito mawawalan pa kayo ng customers dahil sa kanya,” Tumutulis ang ngusong sumbong ng babae. Umakto pa itong umiiyak. Napairap ako sa kawalan dahil sa sobrang overacting ng babaeng ’to. Napalunok sa aking laway nang tumingin sa akin si Sir Vladimier. Medyo kinakabahan ako dahil baka sesantihin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD