chapter 9

1361 Words
Chapter 9 DESIREE “Miss Aguas! Were not fin—” Padabog kong isinarado ang pituan ng kanyang opisina. Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinasabi dahil alam kong puro panlalait lang naman ang lumalabas sa marumi niyang bibig. Okay na sana 'yon kanina, nagbago na sana ang pagtingin ko sa kanya. 'Yon pala ka-plastikan lang ito. Kalalaking tao plastic, porket may ibang nakatingin kaya bait-baitang lang ang peg ng damuhong ’yon! Bahala na kung sisisantihin niya ako. Kung tawagin niya akong bastos dahil sa pagsagot-sagot ko sa kanya. Hindi ako hihingi ng paumanhin dahil wala akong ginagawang masama. Dini-depensahan ko lang ang aking sarili. Nawala na ang mga customer kanina na nakasaksi sa ginawang gulo ng babaeng kurimaw na 'yon. “Oh, ano’ng nangyari, Day? Bakit mas lalong nakabusangot ’yang mukha mo? Daig mo pa ang tigre na handang manglapa ng tao. Ano? Pinapagalitan ka na naman ba ni sir?” salubong na tanong sa akin ni Veronica nang makabalik ako sa counter. Day ang tawag niya sa akin short for ( Inday) Bisaya kasi siya at limang taon ang tanda sa akin. Tinanggal ko ang suot na apron. Uminom ako ng tubig dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na rin mapigilan na tumulo ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan aa harap ni sir Vladimier. Naalala ko na naman si lola kung paano niya kami tratuhin at maliitin ni mama. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Sarili ko ngang kadugo hindi nila ako gusto dahil sa mahirap lang kami. What more, pa kaya kung sa ibang tao? Nagmamadali kong pinahid ang aking mga luha. Sumisinghot-singhot ako dahil bumara ang aking ilong dahil sa lihim na pag-iyak. Nararamdaman ko ang kamay sa aking likuran. Nang makita kong si Verinica iyon mapait akong ngumingit sa kanya. Kita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ilang buwan pa lang kaming nagkakasama pero nakakasiguro akong totoo siyang katrabaho at kaibigan. “Naku, tahan ka na, Day. Huwag mo ng isipin ang nangyari. Alam mo naman si sir mukhang palaging may dalaw. Araw-araw na lang sinusumpong. Masanay ka rin kalaunan.” Dahil sa kanyang ginawang paghaplos sa likuran ko medyo gumagaan ang aking pakiramdam. Napahilig ako sa kanyang balikat. Wala naman talagang ibang makakaintindi sa akin kundi ang katulad ko rin na mahirap. Ilang sandali pa inabot niya sa akin ang tumbler na lagayan ko ng tubig tinanggap ko naman iyon at muling napainom ng tubig. Nakailang inhale-exhale na rin ang aking ginawa pa mas lalong lumawag ang masikip kong dibdib. “Hay, mahirap talaga maging mahirap. Apak-apakan na lang tayo ng mga mayayaman. Porke ba nakakaangat sila sa atin? Maraming masasarap ang pagkain na nakahain sa hapag nila? Madali lang para sa kanila ang manakit ng damdamin ng iba? Tao rin naman tayo, ah? May puso't damdamin rin tayo, magdadamdam at masasaktan,” may bahid na hinanakit kong sabi. Minsan hindi ko maiwasan ang mapaisip. Kung ang dating mayaman na manliligaw ni mama ang kanyang nakatuluyan siguro maginhawa rin ang aming pamumuhay. Siguro hindi galit si lola sa amin, walang taong umaapak sa amin. At siguro hindi ko maranasan magpakahirap magtrabaho sa gabi para makapag-aral sa kolehiyo. Pero kaagad ko rin iniwaksi ang isipin na 'yon. Hindi ako nagsisisi na ang papa Lando ko ang aking naging ama. Dahil nakita ko na masaya si mama sa piling ni papa.Mapagmahal na asawa at ama. Sayang nga lang maaga siyang binawi sa amin. Kung nandito sana siya ngayon alam kong igagapang niya ang pag-aaral ko sa abot ng kanyang makakaya. Napasulampak akong naupo sa silya. Wala pa naman pumasok na customer. Grabe ang sama talaga ng loob ko. Muli na naman uminit ang aking mga mata nang maalala ko si Papa. Life is so unfair kung sino pa ang mabait siya pa ang maagang mawawala. At 'yong mga mayayaman na sa kanila na ang lahat kaya mapang-api sa kapwa. “Naku, Day. Sinabi mo pa iilan lang ang mayayaman na mababait sa ating mga mahihirap. Pero mostly sa kanila mga mata pobre. Lalo na ang babaeng 'yon na mukhang unggoy. Dina-down nila ang katulad natin hindi nila alam kung hindi dahil sa ating mga empleyado hindi sila yayaman!” Yamot na saad ni Veronica. Bahagya akong napatawa sa mukha ni Veronica dahil sa ginagaya rin niya ang mukha ng kilos ng isang unggoy. Alam kong sinubukan niyang patawanin ako. At dahil sa kangyang ginawa kahit papaano nabawasan ang inis at sikip sa dibdib ko. Pinipilit ko na kalimutan ko ang nangyari kanina. Saktong marami ng mga customers at nilibang ko na lang ang aking sarili. Ginawa kong mabuti ang aking trabaho para kahit papaano walang maipintas ang masungit kong boss sa aking trabaho. Medyo umiinit ang sulok ng aking mga mata sa isipin na baka bukas wala na akong trabaho. Pasulyap-sulyap ako sa pasilyo patungong opisina sir. Hinintay kong lumabas sa kanyang opisina si Sir Vladi at sabihin niyang sisanti na ako. Pero malapit na ang uwian hindi ko pa rin ito nakitang lumalabas. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ako mawawalan ng trabaho pero ang kapalit naman ang araw-araw kong makikita ang tila walang kaligayahan namin boss. “Mauna na ako, Veronica. May klase pa ako mamaya,” paalam ko sa kanya. Veronica lang tawag ko dahil ayaw naman nitong tawagin ko siyang ate. “Nahala, Day. Go ra ka na. Ako na ang bahala rito. Para makapagpahinga ka naman kahit sandali.” Napangiti ako sa aking narinig. Masasabi kong napakabuting katrabaho at kaibigan si Veronica. Sabi nga nila mababait ang mga bisaya. “Salamat,Veronica. Bye, bye.” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Naku, maliit na bagay.” Nakangiting tugon niya. Nagmamadali akong lumabas ng shop dahil kailangan ko pang dumaan sa bahay. Iidlip lang ako sandali pagkatapos maligo bago papasok sa school. Ayaw ko naman pumunta sa school na hagard ang mukha. Pero kung minamalas ka nga naman halos magkalahating oras na akong nag-aabang ng masasakyang jeep wala pa ring dumadaan. Ngunit napangiti ako nang matanaw ko ang isang jeep na paparating sa akin. Hay, salamat naman at makakasakay rin sa wakas. Ngunit akmang paparahin ko na ang jeep nang may biglang humarang na sasakyan sa aking harapan. Tuloy lumagpas na ito sa akin. “Grr. . . nakakainis!” galit kong sambit. Dahil sa sobrang inis ko malakas at sunod-sunod kong kinatok ang salamin ng bintana sa sasakyan. Hindi ko nakilala ang kung sino ang bastos na driver na nasa loob. Sa lawak ng daan sa harapan ko pa talaga pumarada. “Hoy! Bastos! Lumabas ka!” galit kong sigaw. Hindi pa ako nakuntento muli kong hinampas sa aking kamay hood ng kanyang sasakyan. Bumakas ang drives set kasabay ng paglabas ng driver. Handa ko na sanang sigaw ang walang kwentang driver ngunit natameme ako ng mapagtanto kung sino iyon. Malamig ang mga matang sinalubong ako ng tingin. Ang kaninang tapang ko bigla na lang umurong. “Si-sir Vladi?” nauutal kong saad. Napataas ang kilay niya sa aking inasta. Kaya nakaramdam muli ako ng inis. Bakit nga ba ako natatakot kasalanan naman niya. Kung hindi siya pumarada sa harap ko kanina pa sana ako nakakasay. “Sir, bakit diyan naman po kayo pumarada? Eh, malawak naman ang daan sa harapan ko pa talaga? Alam mo ba na halos isang oras na akong naghihintay ng masasakyan!” “I know, that's why I am here. Get in ihahatid na kita,” masungit niyang tugon. “No, thanks sir. Mag-commute na lang ako,” tanggi ko sa kanya. Muli na naman napataas ang kilay niya dahil sa aking naging tugon. “You're really such a brat!” direktang sabi niya sa akin. Napalaki ang mata ko sa narinig. Akmang umaalma sana ako ngunit hindi na ako nakagsalita pa nang bigla na lamang niya akong hinatak papunta sa kabilang panig ng sasakyan at binuksan ang front set. “Get in,” kalmado niyang utos sa akin. Ngunit hindi na ako makatanggi pa dahil na korner na ako sa kanyang malaking katawan. Inirapan ko siya bago sinunod ang kanyang utos. “Maldita,” rinig kong bulong ni sir bago isinira ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD