Kabanata 3

1408 Words
"Ako pa ngayon ang nagpapainit ng ulo mo Bakla samantalang ako itong walang kamuwang muwang senit up mo kay Sir Elmo... Kaibigan mo ba talaga ako o hindi? Nakakatampo ka Bakla! Daig mo pa ang nangbugaw!" Saloobin niya dito. "I'm sorry. Bakla... Kung nahihirapan ka ng dahil sa kagagawan ko. Ginawa ko lang naman iyon dahil ayaw ko mawalan ka ng trabaho tayo. Sige, huwag mona sisiputin si Sir Elmo. Tatanggapin ko na bukas wala na tayong trabaho." Pakunsinseyang sabi sa kaniya ni Aira. "Sige na pumapayag na ako..." Ayaw niya naman mawalan ng trabaho ng dahil lang sa kaniya. "Talagang talaga! Bakla! Pumapayag kana makipagdate kay si Sir Elmo." Namilog ang mga mata nito sa sinabi niya. "Oo! Ayaw ko naman ng dahil sa akin mawalan ka ng trabaho." Nakangusong sabi niya dito. "Ay! Salamat! Bestfriend..." Masayang yumakap ito sa kaniya. "Sige na uwi muna ako. Mamaya ulit iyong damit na isusuot ko." "Walang problema ako bahala Bakla." Masiglang sabi sa kaniya. Nauna na siyang umalis. Uuwian niya ng mailutong ulam sina Charmaine, Charlie at Cherry. Malayo palang siya natanaw niya na si Charmaine nakangalumbaba ito. Pero ng makita siyang paparating namilog ang mga mata nitong sumalubong sa kaniya. "Ate Sam! Mabuti naman at umiwi kana. May dala ka bang ulam gutom na ako!" "Oo, mayroon saan ang mga kapatid mo bakit mag isa ka dito sa labas?" "Tulog po sila Ate. Gisingin nalang sila kapag kakain na." "Oh, sige. Luto mo na itong dala ko." "Uy ano iyang dala mong nakalagay sa paper bag, Ate?" "Ah, ito ba? Bigay sa akin ito ng anak ng Boss ko." "Si Kuya Elmo?" Kumunot ang noo niya sa narinig. "Oo. Kilala mo siya?" "Oo naman po, Ate ang bait niya nga sa akin at cute pa!" Nakangiting sabi sa kaniya. "Kailan?" "Ang alin po?" "Kailan pa. Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" "Dun po sa shop niyo Ate nung isang araw pa. Napadaan kami roon kasama mga classmate ko at bait bait niya po sa akin. Saka ang bango pa..." "Talaga." "Opo. Ate nangliligaw ba siya sayo?" "Medyo..." "Ayaw mo ba sa kaniya?" "Uhmm. Siguro." "Bakit naman po?" "Siguro hindi lang siya ang lalaking hinahanap ko. Mabuti pa magluto kana kaya. Saka bawal muna lovelife ha? Aral muna, Charmaine? Baka mamaya mayroon ng lumiligaw ha? Hindi mo sinasabi sa akin." "Ate naman... Bata pa po ako. Wala pa iyan sa isip ko ang mga iyan." "Mabuti naman. Kung ganon, sige na luto mona iyan. Babalik ako ulit sa palengke may trabaho pa ako, mga kapatid mo, ha? Gisingin mo kapag nakaluto kana." "Opo, Ate. Si Nanay po anong oras uuwi?" "Siguro mga 4pm nandito na iyon." +++ "Alam mo mamayang gabi nalaman ko ka date rin ni Bianca si Troy mo sa plaza. Balita ko rin engaged na iyong dalawa. Paano kana Bakla?" Biglang umasim ang mukha niya sa narinig. Ang babaeng iyon walang ginawa ang bumuntot kay Troy. Ano nakikita niya sa babaeng mukhang kabayo. "Ano?" "Gulat ka nOh? Sa sasabihin ko. Saka halatang apektado ka, Bakz?" "Paano niyang napapayag si Troy ko? Diba snob iyon... Ako nga hindi niya pinapansin kahit maghubad pa ako sa harapan niya. Hindi pa rin ako papansinin. Tapos si Bianca basta na lang pumayag at ikakasal na agad!" Nakangusong sabi niya dito. Hindi maitago ang sama ng loob. "Nagawa mo ba maghubad sa harapan niya, ha? Bakla?" Tanong sa kaniya. "Hindi pa naman... Baka?" "Hoy, kinakabahan ako diyan sa iniisip mo, ha?" Sa matinis nitong boses. "Semprey, sa isip ko lang iyon. Hindi pa nasisira ang ulo ko, noh?" Pero sa loob loob niya mabigat ito para sa kaniya. Matagal na siyang may gusto kay Troy, kaya lang sa tuwing nasa tindahan ito, hindi siya nito pinapansin. "Mabuti kong ganon Bakla? Dahil isa iyon kahihiyan sa mga babaeng tulad natin?" "Babae kaba?" Ulit niyang tanong dito. "Babae ang puso ko! Aw!" Wika nito. "Balik tayo kay Bianca. Totoo bang ka date niya mamayang gabi si Troy at magpapakasal na sila? At kailan pa sila na engaged, ha?" "Uyy... bigla naging interesado si Bakla. Yes na yes! Kailan ko lang nalaman at liget iyon Bakla. Nalaman ko mula sa tindera nilang ka marites ko rin. Pinagkasundo ng pamilya ni Troy at pamilya ni Bianca. At nalaman ko rin dahil iyon sa kagustuhan ng Lolo ni Troy..." "Anong iniisip mo, ha? Bakla? Share mo naman." Gusto niya ito bigyan ng regalo itong Valentine's day. "Huwag na, malaman mo pa, eh?" Sabi niya dito. "Gaga! Natural malay mo makakatulong ako diyan." "May palihim lihim ka pang nalalaman diyan, ha? Kung ano man iyang binabalak mo huwag ng ituloy luluha ka ng dugo kay Troy... Hindi ka papasa sa mataas na standard ng kaniyang Grandfa!" Deretsahang sabi sa kaniya. Totoo naman iyon at hindi itatanging mahirap lang pamilya nila at broken family pa. "Alam ko... Tanggap ko naman iyon..." Mabigat sa loob niyang sabi dito. "Kalimutan mo na siya. Marami namang babagay sayo at mahal ka gaya ni Elmo... Bakit hindi na lang siya gustuhin?" "Sana ganoon kadali turuan ang puso magmahal ng iba..." Isang buntonghininga ang pinakawala niya mula sa dibdib. "Samantha beshe, kalimutan muna ang lalaking iyon. Besides, bata ka pa eh? Marami ka pang makilala gaya ni Troy... Si Elmo mahal ka at tanggap ng pamilya niya. Saan ka pa nun?" Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Parang hindi niya kayang magparaya. Parang ang sakit at mabigat sa kalooban. Basta na lang sumuko. "Okay, find! Wala akong magagawa." Sukong sabi sa kaniya ni Aira. "Mahal ko na yata siya..." Wala sa loob niyang pag-amin kay Aira. Nagulat ito sa biglaan niyang pag-amin. "Ano? Totoo ba iyan? Pero paano?" Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya. "Hindi ko alam... Basta paggising ko isang araw hindi na siya mawala wala sa isipan ko Aira?" "Pinilit ko naman kalimutan si Troy pero lalo lang akong nahihirapan. Matutulongan mo ba akong makasama ko siya mamaya, kahit ngayon lang Bakla please?" Nakikiusap niyang sabi dito. "Anong gagawin ko?" "Tulongan mo akong masolo siya ngayon Valentines lang pagkatapos wala na.. gusto ko lang siyang makausap ng personal bago siya ikasal..." Pakiusap niya dito. "Usap lang ha? Huwag mong itanan si Troy!" May lamang sabi nito sa kaniya. "Hindi." Agad niya naman tanggi. "Paano nga pala ang date niyo ni Sir, Elmo?" "Sisipot ako semprey, pero ako na bahala paano ko siya tatakasan. Pero si Troy gusto ko siyang makausap, please?" Nagsusumamo niya sabi sa kaibigan. "Parang ang hirap yata ang ipagawa mo sa akin. Bakla? Alam mo naman hindi ko close ang taong iyon." "Ibibigay ko sayo lahat ng chocolates ko basta gumawa ka ng paraan." "Akin na lahat as in lahat na?" "Oo, hindi naman ako mahilig diyan, eh?" "Sige. Saan mo ba gusto magkita kayo?" "Sabihin ko sayo mamaya?" Sabi niya dito. Troy POV: "Sir, may nagpaabot ng sulat sayo. Sabi pa sa akin iabot ko daw sayo mismo." "Okay. Saan galing?" Nang tingnan niya ang sulat para itong love letter at nakakatuwa dahil nauso pa pala ang ganito ngayon. Madalas mo lang nakikita sa mga teenager. "Wala po nakasulat eh?" "Sige. Salamat.. pakisara na lang ng pinto pagkalabas mo." "Okay po." Nang mawala sa paningin niya ang staff. Agad niya itong binuksan. Bored siya ngayon dahil siya na naman ang pinatao sa tindahan ni Mommy. Dear, Troy, ako ay isang babaeng may matres, tagahanga mo ng lihim. Una sa lahat happy Valentines day. Kung hindi kopa malaman na ikakasal kana, hindi ako maglakas loob sabihin sayo 'to mahal kita ng lihim at hindi magbabago iyon. Ikaw lang ang tinitibok ng puso ko habangbuhay. Semprey, hindi mo naman ako gusto okay lang sa akin. May pabor sana akong hilingin sana pumunta ka sa lugar na ito mamayang gabi. Alam kong hindi mo ako kilala, magpakilala pa lang ako... Kung sakaling darating ka tatanawin ko itong best memories sa boung buhay ko na minsan, sa isang katulad mo nakasama ko ng isang gabi lang. Salamat, from lihim na nagmamahal. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Troy. Hindi niya alam kung pupunta siya sa babaeng sumulat sa kaniya. Hindi niya alam ang etsura nito pero curious siyang makilala ito at pagbigyan sa kahilingan. Sa bandang huli may pagdalawang isip baka scammer ito at niluluko lamang siya para lang makakuha ng pera. Kaagad niyang nilamukos ang papel at tinapon sa basurahan. "Whoever you are... how dare you ask me to meet you. But, okay... I'll give you what you want tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD