"Bakla? Hinanap ka sa akin ni instik kahapon bakit wala ka sa puwesto mo!"
"Pero semprey, alam ko naman kung bakit wala ka... Sinabi ko na lang umuwi ka dahil nagka emergency sa inyo."
"Anong sabi niya, bakla? Nagalit ba si Sir?" Kinakabahang tanong niya dito. Hindi na siya bumalik pagkatapos sa nangyari. Isa pa, masakit ang boung katawan niya. Instead na bumalik sa trabaho hindi na siya pumasok at umabsent ng tuloyan.
"Semprey! Hindi noh? Crush ka nun, eh?" Sabay hagikhik nito.
"Salamat, ha? Pero tigilan mo ako diyan sa ano-ano mo, ha? Baka mamaya kung ano-ano na ang sinasabi mo dun kay Sir Elmo. Nakakatakot kana bakla..." Sabi niya dito. Mabait at maalaga si Elmo pero wala siyang nadama kahit ano dito. Tanging pagkakaibigan lang. Isa pa, langit at lupa ang agwatan nila. Sobrang malayong malayo at nakakatiyak siyang hindi sila nababagay ni Elmo, kahit saan mang tingnan. Hindi sila magkalevel.
"Ano kaba? Ano lang naman, eh? Isang date lang... Sorry." Sabi na nga ba. Hindi niya alam kung kaibigan niya ba talaga ito o hindi.
"Ano?" Gulat niyang reaksyon.
"Eh, kasi... Kapag hindi ko ginawa iyon pariho tayong mawalan ng trabaho. Mahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon. Pagbigyan mona ako bakla?" Nagmamakaawang sabi sa kaniya. Tama si Aira mahirap maghanap ng trabaho sa panahong ngayon. Pero mas mahirap kapag nanakit ka ng damdamin ng ibang tao.
"Pinapasubo mo naman ako, eh? Alam mo naman---?" Agad nito tinakpan ang kaniyang bibig at bumulong sa kaniya.
"Diyan si instik... Bibig mo!" Sabi sa kaniya sabay tulak dito. Muntikan pa siyang masubsob sa dibdib nito. Buti na lang maagap siya.
"Hi!" Walang ibang choice ang batiin ito. Sa totoo lang hiyang- hiya siya dito. Gwapo at matangkad si Elmo lahat ng gustuhin ng babae nasa lalaki na. Parang siya lang ito, ang walang gusto ni katiting sa Binata. Paano kasi mayroon ng nagpapatibok sa puso niya. Ayeeh! Kilig ang lola... Hihi!
"Uy, miss Beautiful!" Nakangiting tawag sa kaniya. Para itong nilalagam sa kilig. Ang mga mata nito ay naniningkit sa tuwing ngingiti.
"Kayo po pala... lalo po kayong naging cute..." pambobola niya dito basta lang may masabi sa Binata.
"Talaga?" Kinikilig naman ito.
"Sandali nahihiya ako sayo..." Wika nito. Napansin niya ang pamumula ng mukha ng lalaki.
"Uy, Sir? Kinilig na yarn..." Palihim naman niyang kinurot si Aira. Saglit itong napa ouch dahil sa pagkirot niya sa singit nito.
"Ang sakit naman Bakla!" Reklamo nito sa kaniya. Dinilatan niya lang ito ng mata. Agad naman nitong sinara ang bibig.
"Semprey! Crush ko na nagsabi sa akin na cute ako. Pero huwag kang mag-alala Sam. Sinabi ko na kay Dad? Kaya wala kang dapat ipag-alala. May date tayo mamaya, ha..." Sabay kamot sa ulo nito.
"Ah-+eh?" Gusto niyang kumuntra.
"Sabi kasi sa akin ni Aira, bago ka umalis kahapon pumayag kana makipagdate sa akin. Alam mo ba sobrang saya ko. Kaya naman ginawan ko ng paraan na hindi ka tanggalin ni Daddy. Ayaw ko kasing mawala ka dito, hindi ko kaya..." Kita nga naman ang kasayahan sa mukha nito pero ayaw niya naman umasa pa ito.
"Pero---?"
"Pumayag kana... Please? Ngayon lang naman Sam?" Pabulong na sabi sa kaniya ni Aira, sabay sundot sa tagiliran niya.
"O- Oo, pero date lang. Kasi bata pa ako para makipag relasyon ng maaga." Dahilan niya dito.
"No probs... Sam... Gusto ko lang naman mas makilala kapa." Nakangiting sabi nito sa kaniya.
"Hehe... Hindi paba sapat ang makita mo, ako araw araw dito sa shop niyo?" Napakamot siya sa ulo.
"Iba pa rin iyong masulo kita makausap ka." Hindi na siya umimik pa. Mukhang wala siyang takas sa kagagawan ni Aira.
"So paano work work na tayo baka pagalitan tayo ng Ama mo." Pag- iwas niya dito.
"Oh, sige- sige. Dumaan lang ako dito para iabot sayo to Samantha."
"Flowers at chocolates..." Takang sabi niya. Lalo tuloy siyang kinabahan.
"Sana all!" Rinig niyang sabi ni Aira. Agad niya naman ito dinilatan ng mata.
"Happy Valentines day, Samantha... Wala akong ibang hangad ang makadate ka sa gabing ito." Gustong tumalon ng puso niya, sa boung buhay niya ngayon lang siya nakatanggap ng ganito sa isang lalaki. Pero sana si Troy na lang ang lalaking iyon. Pero hindi.
"Salamat, pero hindi ko matatanggap ito..." Sabi niya dito. Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Elmo.
"Bakit? Binili ko to para sayo... Ito raw ang mga paborito mo. Eh." may tampong sabi sa kaniya. Agad niya namang sinulyapan si Aira. Tahimik lang ito sa sulok at hindi makatingin sa kaniya.
"Bakla? Makunsensiya ka naman nag- effort iyong tao, tanggapin mona.." ungot nito sa kaniya na parang walang kasalanan.
"Sige na bakla... Tanggapin muna, ah? Kawawa naman iyong tao oh!" Humugot siya ng malalim na hininga saka napilitang tanggapin ang mga ito.
"Please? Tanggapin muna to regalo ko sayo Sam... Mahal lang talaga kita eh?" Nakangusong sabi sa kaniya.
"Mahal? Akala ko crush lang." Gulat niyang reaksyon sa lumabas sa bibig nito.
"Eh, feeling ko lang mahal na kita!"
"Sir, Elmo, bawal muna ako makipagrelasyon sa ngayon bata pa po ako, eh?" Paalala niya dito.
"I know. Maghihintay ako Sam. Basta akin ka. Of course iyong date natin mamaya."
Isang oras na siyang nakatingin sa chocolate at flowers nasa ibabaw ng mesa at isang oras na rin siyang tinutukso ng mga kapwa niya tindera.
"Hoy, bakla? Hindi magtatagal matutunaw na iyan. Bakit hindi natin kainin ang mga iyan?" Si Aira.
Isa ka pa, eh? Pinasubo mo ako sa date date na iyan. Ayaw ko pa rin tanggapin 'to!" Maktol niya dito. "Anong isosout ko mamaya ha?" Kunwari niya lang para hindi siya sisipot.
"Walang problema iyon bakla? Mayroon akong maraming damit sa bahay mamimili ka lang, alin doon gusto mo."
"Ayaw ko pa rin..." Parang batang maktol niya.
"Ganito na lang... Baka sasabihin ko sayo 'to... papayag ka nang e' date si Sir, Elmo mamaya?"
"Ayaw ko pa rin?" Pagmatigas niya.
"Pakinggan mo ako babaeng walang matres?" Pikon nitong sabi sa kaniya.
"Anong walang matres? Ikaw diyan walang matres, kaloka?" Natatawa naman ito.
"Ay! Ako pala iyon. Ikaw naman kasi... pinapainit mo ulo ko, eh?" Nakangiting sabi nito sa kaniya.