bc

Pag-ibig Mo Ay Akin

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
blue collar
serious
city
like
intro-logo
Blurb

This young woman fell in love with a man who was introverted, wealthy, and handsome. But no matter what she did, he never paid attention to her. After all, she was just a simple woman, a vendor in the market. One day, desperate to get his attention, she seduced him and gave herself to him without hesitation. But the woman suddenly woke up to the wrong she had done. She felt ashamed and couldn't face him. She left and never showed up again. However, fate brought them together again. The young man's heart was filled with anger and hatred towards her. Will she be able to face him without fear?

Taglish language

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Hoy! Ang mama mo sinaktan ng papa mo?" "Ano? Walanghiyang Tatay kong iyan! Nawawalan na ako ng respeto sa kaniya. Kung hindi lasing sinasaktan niya naman Nanay ko. Ito naman si Nanay, bakit hindi magawang palayasin sa pamamahay ang batogan niyang asawa!" May inis sa kaniyang boses. "Bantayan mo nga 'tong paninda ko Aira? Nabubuwiset na talaga ako sa ama ko, Aira? Kahit mga kapatid ko dinadamay niya sa kawalanghiyaan niya." Galit naman inayos, ng dalaga ang sarili at nakahandang umalis. "Hoy, maghunos dili ka, ha? Ama mo pa rin iyon kahit baliktarin mo man ang mundo bakla!" "Wala na akong pakialam! Aira? Punong-puno na ako. Kung hindi magawang palayasin ni Nanay si Tatay. Pwes! Ako ang gagawa?" Boung tapang na sabi niya sa kaibigan. Hindi na nakaimik si Aira. Wala itong ibang choice ang pakinggan ang kaibigan. Hindi naman kasi tama ang ginagawa ni Mang Ben. Sumusobra na kasi ito! Malayo palang si Samantha ay narinig na niya ang iyakan ng mga kapatid sina Charmaine, Charlie at Cherry, ang malakas na boses ni Tatay hanggang labas at kalabog ng mga gamit, sinisira ang kanilang barong-barong bahay. "Walang kwentang buhay 'to! Palaging asin ang ulam wala man lang masarap na ulam ihahain sa mesa! Bwisit!" Malulutong na mura ni Mang Ben nagpapainit sa kaniyang ulo. "Ayaw mo palang mag ulam ng asin. Bakit hindi ka maghanap ng trabaho? Bakit hindi ka magbanat ng buto sa ganoon makatikim naman kami ng masasarap na ulam sa araw-araw." Galit niyang sabi dito. "Hoy, Sam! Huwag mo akong sagot sagotin ng ganiyan ha? Ama mo ako! At dahil ama mo ako dapat nirerespeto mo pa rin ako! At hindi mo alam ang sakripisyong ko para pakisamahan kayo. Dahil sa inyo nasira buhay ko!" Bulyaw nito sa kaniya. "Kailangan niyo pala ng respeto! Bakit si Nanay sinasaktan niyo sa harapan namin? Nirespeto niyo ba siya, ha? At kung kami ang dahilan, kung bakit nasira buhay niyo. Bakit hindi pa kayo umalis?" Galit niyang sabi dito. Hindi na makapagpigil sa kaniyang emotion. "Anak? Tama na... Huwag mo ng palalain ang sitwasyon." Pakiusap sa kaniya ni Nanay na umiiyak. May nakita siyang dugo sa gilid ng bibig nito na sariwa pa. Dahilan para lalong uminit ang ulo niya sa ama. "Hindi, Nay? Nakakapagod na, eh? Paulit-ulit na lang kayo sinaksaktan ng taong ito! At paulit-ulit ko na nalang naririnig sa taong iyan ang depression niya sa buhay. Wala na ngang ginawa ang humilata maghapon, sinasaktan niya pa kayo!" Turo niya dito na masama ang loob. "Anak..." "Bastos ka, ah!" Napaling ang mukha niya sa ibang direksyon. Dahil sa matigas at malalaking nitong kamay, dumugo agad ang bibig niya. "Bastos na kung bastos! Lumayas na kayo dito sa bahay! Wala kayong kwentang ama! Dapat kayo ang magandang halimbawa sa lahat ng mga ama! Pero dahil sa ugali niyong lasenggo at batogan wala na kayong kwenta ama, kaya kung buhayin ang mga kapatid ko na wala kayo!" Boung tapang niyang sigaw dito. Sasaktan pa siya ulit ng pumigil si Nanay. "Ben?!" Si Nanay. Umawat kay Tatay. Ramdam niya ang paghihirap na kalooban ni Nanay. "Wala kang utang na loob! Sana pinatay na lang kita nung nasa tiyan ka ng Nanay mo! Kung ganiyan lang din ang ugali mo bastos ka!" Galit na sigaw nito sa kaniya. "Sana rin hindi kayo naging ama namin. Dahil kung kayo lang maging ama namin responsible at nanakit ng babae. Mas mabuti huwag na lang!" Matapang niyang sagot sa ama. "Ah. Porke't lumalaki na iyang mga buto mo kaya mo na akong labanan. HAHA! Suwail at wala kang utang na loob!" Umangat ang isang kamay ni Ben para sampalin siya namana pero humarang ang Nanay. Tumilapon si Nanay dahil sa pagtanggol sa kaniya. "Nay?" Tinakbo niya ito ng makitang nasaktan ang ina. Pero hinablot naman ang kaniyang buhok, palayo kay Nanay. Pinalo siya ni Ben ng Dos por dos... "Ate?!" Sina Charmaine, Charlie at Cherry nasipaglapit sa kaniya. "Tatay tama na po..." Pakiusap ni bunso si Cherry. 13 years old palang si Cherry napakabata niya para makita ang kaharasan ng kanilang ama. "Hindi. Dapat turuan ng leksyon ang ate niyo!" Galit nitong sabi na hindi paawat sa pagpalo sa kaniya. Iyong sakit na nararamdaman niya ngayon walang wala sa mga sakit na pinagdaanan ni Nanay sa mga kamay ni Tatay "Ben!? Tama na iyan... Parang awa mona!" Umiiyak na pakiusap dito ni Nanay. Pilit inaawat si Tatay. "Hindi! Mas mabuting alam ng anak mong ito na lumaki na ang ulo ang lugar niya sa pamamahay na ito." "Tama na iyan sabi! Kung ayaw mong tatagas ang dugo mo dito!" Nakatayo na si Nanay at hawak nito ang samurai na pamana dito ni Lolo bago ito mamatay. "Myrna... Baba mo iyan." Takot na boses na sabi ni tatay dito. "Nakakapagod kana! Lahat tiniis ko para sa mga anak natin. Dahil ayaw ko silang mawalan ng ama! Gusto ko buo parin tayo pero pag anak ko na sinaktan mo! Hindi ako tatahimik sa tabi habang sinasaktan mo sa harapan ko, ha!?" Winawasiwas ni Nanay ang hawak na samurai. "Lumayas kana dito at huwag na huwag ka ng bumalik! Hayop ka! Walang kang kwentang lalaki!? Wala na akong pakialaman kung hindi bou ang pamilya ko! Layas!" Galit na sabi ni Myrna sa lalaki. Kita sa mga mukha ang kaseryosohan ni Nanay. Akala mo mahina ito pero hindi. Hindi ganoon ang nakikita niya sa Nanay ngayon. "Myrna, mag-asawa tayo huwag mong gawin sa akin iyan." "Mag-asawa?" Ulit nito. Ngumiti ito ng mapait. "Wala na akong naramdaman may asawa ako! Ben? Dahil wala ka ng ginawa ang umasa sa akin mula ng matanggal ka sa trabaho. Puro ka inom at sumama sa mga barkada mo! Kung hindi naman ang humilata maghapon. May asawa paba ako? Alam ko sa mag-asawa nagtutulongan sa pagpapalaki ng mga bata at sa lahat ng bagay pero sa ginawa mo wala akong asawa. Mas mabuting maghiwalay na tayo!" Sabay wasiwas ni Nanay sa hawak nitong samurai sa takot ni Tatay umalis ito ng bahay dala ang mga damit nitong hinihagis ni Nanay sa labas. Tinuldokan na ni Nanay ang pagsasama nila ni Ben. Nang mawala ito. Hinarap siya ni Nanay para gamotin, ang mga sugat niya. Umiiyak ito habang ginagamot ang mga sugat niya. Hinayaan niya lang itong umiyak ng umiyak. Alam niyang makaka recover rin si Nanay at tutulongan niya ito. "Nay? Sorry..." Paghingi niya ng tawad dito. "Hindi. Anak? Tama ka, eh? Hindi ako dapat nagpaka marter! Sana noon ko pa ginawa... Hindi ka sana nasaktan ng ganito... Sorry anak... Kinakailangan pang umabot sa ganito para lang matauhan ako." Lumuluhang sabi nito sa kaniya. "Mama, kasalanan ko rin naman dahil ginalit ko si Tatay?" Pag- amin niya dito. "Sshh... Isa kang mabuting anak.. proud si Nanay, dahil naitindihan mo ako... Pero sorry, sa mga pagkukulang ko sa inyo mga anak, bilang ina niyo. Dapat sa edad mong iyan nag-aaral ka ngayon pero hindi, mas ginusto mong tumulong nalang sa mga kapatid mo." "Nay? Ginusto ko ito... Sina Charmaine, Charlie at Cherry nalang ang magpatuloy sa pag-aaral. Maging katuwang mo ako sa pagpalaki sa kanila. Hindi natin kailangan si Tatay. Mula ngayon, tayo na lang magtutulongan. Pinapangako ko sayo Nanay... Hindi ko kayo pababayaan at mga kapatid ko." Boung pusong sabi niya sa Ina. At niyakap ito ng mahigpit. "Salamat, anak... Pero may mapapasokin na akong trabaho sa palengke kay Mrs. Foster..." Napalunok siya ng laway. "Bakit?" Nang makaramdam ng kakaiba sa kaniya si Nanay. "Wala po, Nay? Iyan po ba may anak na lalaki na gwapo at matangkad?" Tanong niya dito. "Hindi ko alam. Pero sabi may anak siyang binata..." "Bakit? Kilala mo ba?" "Uhm, hindi naman po gaano Nanay? Nakikita ko lang po siya sa tuwing namalengke siya... Sobrang gwapo nga ho iyan eh? Maraming girls nakaka crush diyan, eh?" Sabi niyang parang kinilig na. "Bakit feeling ko kinikilig ka diyan?" Napapalitan ng ngiti ang kanina lang nangyaring iyakan. "Slight lang po..." Nahihiyang amin niya dito. "Walang masama kung crush lang, ang masama ang pinasok mo dito." Turo sa kaniyang dibdib. "Bakit naman po?" Takang tanong niya dito. "Samantha... Masyado ka pang bata. Ilang taon kapa lang 17 year old. Anak? Ang pag-ibig isang seryosong relasyon. Huwag mo na lovelife mag-ipon ka muna para mag-aral ka ulit?" "O-okay..." sagot niya. Sa totoong lang sa tuwing matatanaw niya ang guwapo binatang iyon. Hindi na maalis ang mga mata niya dito para itong magnet. Unti-unting hinihigop ang kaniyang kaluluwa. Semprey hindi na niya sinasabi kay Nanay. "Pwide rin po akong tumulong Ate, Nay? Pagkatapos ng klase ko." Si Charmaine ang sumunod sa kaniya. 16 years old naman ito isang taon lang ang pagitan nila magkakapatid. "Ako din tutulong din ako magtitinda ng kahit ano-ano diyan para makadagdag po." Si Charlie. 14 years old. "Semprey ako rin po tutulong." Si Cherry 13 years old pa lamang. "Sige. Basta ha? Ang pag-aaral niyo Huwag niyo pabayaan. Sabi niya sa mga ito. "Yes namen!" Agad na sagot ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook