Kabanata 4

1049 Words
Samantha, ang ganda mo talaga maladiyosa ang ganda mo. May kulang diyan make -up, lagyan kita ng kaunti para mas gumanda pa.." "Huwag makapal, ha?" Sabi niyang habang abala sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin. "Semprey, hindi no!" Maarting sagot sa kaniya ni Aira. "Heto patapos na rin. Gamitin mo itong hikaw at necklace. Para bumagay sa damit mo Bakla! Naks naman pak na pak!" Pagtingin niya sa salamin parang ibang tao ang nakikita niya. Hindi siya? Napakagandang dalaga at dalagang dalaga na, dahil sa make up. "Ano? Ayos ba?" "Bakit sobrang ganda naman yata..." Tinaasan siya nito ng magkabilaang kilay sabay hampas sa balikat niya. "Aba dapat lang! para kapag nagkita kayo ni Troy mamaya luluwa ang mga mata niya sa ganda mong iyan! At magbago pa ang isip huwag na magpakasal sa Bianca na iyon. Hihi.." Wika nito. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Ready?" "Kinakabahan ako?" Totoong kinabahan talaga siya. "Hinga nga lang ng malalim? Hindi pa naman kayo magkikita, eh? Unang kikitain mo ngayon si Sir, Elmo. Dios ko Bakla, namamangka ka sa dalawang ilog! Hiyang hiya naman ako sayo. Dinaig mo pa ang beauty ko! Ikaw na talagang maganda sa balat ng lupa." "Boses mo! Marinig ka ng mga kapitbahay mo." Saway niya dito. Nasa bahay siya ngayon ni Aira. Inaayosan kasi siya at pinahiram ng damit. "Hayaan mo sila?" Sagot nito sa kaniya. "Hali kana. Anong oras na... Basta bukas Balitaan mo ako, ha?" "Ihahatid kita sa restaurant at makalipas ng isang oras balikan kita. Para sa susunod mong kitaing boylet. Pero hindi na kita masusundo!" Dagdag pa nito sa sasabihin. "Oo, alam ko salamat, ha?" Sabi niya dito. "Walang anoman... Pero ang sarap ng chocolate, ha?" Ngiting sabi nito. "Okay, thank you ulit, Ai?" "Your welcome. Basta bukas suklian mo ako ng maraming kwento sa inyo ni Troy, lahat lahat!" "Opo?" Pagdating sa restaurant nakatingin sa kaniya lahat ng mga tao nasa loob. Pakiramdaman niya tuloy isa siyang celebrity naligaw sa restaurant na iyon. Hindi nila alam, isa lang pala siyang tinderang inayosan, para gumanda. Lumapit siya kay Elmo ng matanaw ito. Hindi ito nakakilos ng makita siya at kung hindi siya nagpakilala hindi siya nito makilala "Beautiful..." Sabay hila sa kaniya ng upuan. Naupo na siya agad matapos magpasalamat dito. "Salamat..." Sabi niyang nakangiti. Naramdaman niya namang may nakatingin sa kaniya at sa paglingon ay nakita niya, sa side table sina Bianca at Troy roon. Napakaganda rin ni Bianca sa sout nito. Naiilang naman siyang nag-iwas ng tingin ng magsalubong ang kanilang mga paningin. Sobrang kaba, damang dama niya iyon at panglalamig ng kaniyang mga kamay. "Samantha... Okay ka lang? Ayaw mo ba dito gusto mo lipat tayo ng place?" Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nang sulpyan niya si Troy. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito na sa kaniya ang tingin nito. "Oo, okay lang ako..." Agad binawi ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. "Ang lamig kasi ng kamay mo." "Ganito lang talaga ako Sir, Elmo--?" "Elmo?" "O-okay, Elmo?" "Good." "Elmo iyong date natin ngayon... Bilang kaibigan lang to, ha?" Paalala niya dito. Napilitan naman itong ngumiti matapos sabihin dito. "Naitindihan ko. Don't worry." Nakahinga siya ng maluwang. Boung akala niya magagalit ito. "Sam gusto kita. Pero hindi ako nagmamadali. Alam mo naman na matagal na kitang gusto. Ikaw lang naman ang hinihintay ko." Hindi siya makasagot hindi niya alam ang isasagot dito. "Uhm, alam ko pero ang bata kopa para pumasok sa isang relasyon. Baka masaktan lang kita." Dahilan niya dito. Narito niya ang paghinga nito ng malalim. "Sige. Pag 18 kana. Sana naman makakamit ko na ang matamis mong Oo." Ngumiti siya ng tipid at sabay tango. "Talaga!" "Opo..." Napipilitang sagot niya kay Elmo. Ang totoo hindi niya alam kung matutupad niya ito. Pero bahala na. "Kain na tayo..." Sabi niya matapos nilapag ang mga pagkain sa mesa. Isa pa, gusto niya lang maiba ang topic. "Sure..." "Sinusubuan siya nito kahit ayaw niya. Pero mapilit ito. Kaya naman hinayaan niya lang ito. Hanggang sa matapos ang date nila ni Elmo at nagpaalam na siya ditong umuwi. Ayaw pa sana nito pero nagdahilan na siyang masama ang pakiramdam niya. "See you tomorrow... Samantha." Tumango lang siya. Pagkatapos magmadaling umalis, sana darating si Troy. Nang makaalis na ang taxi saka pa siya nakahinga ng maluwang. Sobrang kulit ni Elmo gustong gusto niya na itong sigawan sa kakulitan, kaya lang nakakahiya kung doon pa siya magkakalat. Hindi natuloy ang pagsundo ni Aira sa kaniya. Dumating raw ang jowa nito at mag dedate daw sila. Loma-lovelife rin... Bago siya pumunta sa place ni Troy. Tumagay muna siya ng Gin. Para may lakas loob siyang harapin ang Binata. Nang makalahati na siya, saka pa siya naglakad palapit sa kotse nito. Sigurado siyang kotse ni Troy ang nakaparada sa madilim bahaging iyon. Kabisado niya ang plate number ng kotse nito. Kaya hindi siya pwiding magkamali. Nang maramdaman niyang medyo natamaan na siya. Naglakad na siyang papunta sa kotse nito. Walang gaanong tao sa lugar at 12 pm ng hatinggabi na. Solong- solo nila ang lugar. "Hi!" Sabi niya dito. Kaagad naman nito binukas ang pinto ng sasakyan. "Hello? Ikaw ba ang gusto kumausap sa akin, bakit?" Bungad sa kaniya ng gwapong mukha ni Troy. Naaamoy niya ang pabangong gamit nito. Nakainom rin ito. Dahil amoy na amoy niya ito. Naka sumbrero ito. "Yes... Sorry, ha? Matagal ako! Kasi... Traffic sa edsa.. kung pwidi pa lang paliparin ko ang taxi ginawa kona kaso... Hindi pwide, eh?" Mahabang salaysay niya dito. Nakatingin lang ito habang nagsasalita siya. "Your drunk!" Pansin nito. "Ha? Hindi. Guni-guni mo lang." Nakita niya ang pagtaas ng labi nito sa gilid ng bibig. "Amoy na amoy ko ang hininga mo young lady... " Sa malamig na boses. "Hehe... Sorry, ha? Kailangan ko kasi uminom nito, para pangpalakas loob, ba? Gusto mo ba uminom. Heto tikman mo! Masarap ito.." "Anong wine iyan?" "Gin. Gin bilog! Haha?" Sabi niya. "Sige na, inom ka rin." "Pe---?" "Sige na..." Pamimilit niya dito. Hinding hindi talaga siya magsasawa titigan ang mukha nito. Ang gwapo at maamo pa masarap ikulong sa mga palad niya kung pwede palang. "Kahit kunti lang... " Sa malambing na boses. "Okay." Nakita niya ang pag-inom nito. "Wooh! Pait!" Reklamo nito. "Anong pakiramdam?" Excited na tanong niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD