Chapter 4

1878 Words
Chapter 4 “Pa, Sorry po kung ganun ang naging asal ng mga magulang ko alam ko po ang nararamdaman ninyo. Alam ko din po ang side ng mga magulang ko naging mali po sila sa paraan para ipakita ang pagkadismaya ako na po ang humihingi ng tawad at isa pa pong pagkakataon. Ayoko pong maghiwalay kami ni Katy. Naniniwala po ako na madidinig din ng diyos ang mga dasal namin na magkaroon ng anak. Huwag naman po sana ninyo kami paghiwalayin ng asawa ko. Mahal ko po si Katy kahit po maubos ang mga ipon ko ay gagawin ko sa paghahanap ng solusyon namin. Hindi po ako titigil, sana po ay hayaan ninyo kaming magsama pa. Huwag po kayo mag-alala hindi na po kami babalik sa bahay. Nakausap ko na rin po ang mga magulang ko at hindi rin po nila ginusto ang nangyari kay Katy,” saad ni john. “Nasaan sila? Bakit hindi man lang dumalaw at humingi ng dispensa sa anak namin?” napapailing na sabi ni Janet. Ang ina ni Katy. “H-Hindi ko na po pinapunta dahil baka mapano lalo si Katy at magkaroon pa po ng gulo. Hayaan po ninyo pipilitin ko na hindi na po ito maulit,” saad ni john. “Hindi na talaga dapat maulit dahil sa susunod ay ipapapulis namin sila maski magulang mo pa ang mga ‘yun at tuluyan ipapahiwalay ang anak namin sa inyo,” matigas nasabi ni Pablo. “Pa, Please huwag naman po,” malungkot na sabi ni John sa biyenan. Tahimik naman si Katy at tulala lang para kasi siya nagising sa realidad na wala siyang kwentang asawa dahil tulad nga ng sabi ng biyenan na si Mirna na wala silang bunga para matawag na isang pamilya. Walang kwenta ang matres niya, Walang kwenta ang sinapupunan niya dahil hindi kaya magdala ng sanggol na magbubuklod sa kanila ng asawa. Pansamantala muna nag indefinite leave sa trabaho si Katy sobra kasi talaga siyang na frustrate at parang nagdedepressed na siya. Nawalan na siya ng gana magtrabaho dahil kahit Malaki ang sahod ay wala naman siya paglalaanan nito. Gusto sana ni John na samahan siya pero sinabi niya na kailangan din niya na mag-isa at mag-isip ng solo. Maaga naman ito umuuwi kaya sinabihan niya na ayos lang siya sa bahay mag-isa. Kaya naman siya kung tutuusin buhayin ni John o ng mga negosyo nila pero ginusto niya na hindi iwan ang career dahil bukod sa pinaghirapan niya ito ay nakakatulong na madivert ang isip niya sa problema. Iba lang talaga ngayon dahil unti unti na siyang nawawalang ng pag-asa na magkakanak pa sila. Malungkot na pinasok niya ang isang kwarto na puro pink para ito sa magiging anak nila kung babae. Kumpeto ito ng gamit at mga damit dahil lahat ng makita nila noon ay bnibili agad. Ganun din sa kabilang kwarto na puro blue naman kung sakaling lalake ang ibibigay sa kanila. Unti unti na nga nababasawan ang laman dahil meron iba na ibinibigay na lang nila sa ampunan dahil kailangan ng mga ito. Malungkot na sinara niya ang mga pinto saka pumasok sa sarili niyang study room / office sa bahay. Nakita niya sa lamesa ang mga past medial record at result na ginawa nila. Halos mapuno na nga ang isang box pero kung babasahin ang alam ay iisa lang ang nakapaloob. Not capable for pregnancy. Naluha siya at napasubsob. Natatakot siyang iwan ni John. Alam niya na mahal siya ng lalake pero alam din niya na wala sa pangarap nito na tumanda na walang anak. Naalala tuloy niya ang sinabi ng papa niya pwede itong makabuntis ng ibang babae lalo siya naiyak parang hindi niya yata kaya kung malalaman na sa iba ito naghanap ng pagkukulang niya. Napabangon siya ng maramdaman na nagvibrate ang cellphone. Ang doktora niya na si Dr. Huang ang nagtext tinatanong ito kung ano ang pasya nila sa sinabi nito noong nakaraan na nagpaheck up sila. Tinignan niya ang isang papel at nakita ang Surrogacy procedure na sinasabi nito nito na isa sa nakikita nitong best way sa kaso nila. Nagbukas siya ng laptop at nagsearch ng tungkol dito sa google. Surrogacy is an arrangement, often supported by a legal agreement, whereby a woman (the surrogate mother) agrees to bear a child for another person or persons, who will become the child's parent(s) after birth. How long does surrogacy process take? On average, the surrogacy process takes between 15 to 18 months on average, however, any individual journey could take more time, or less time. The process looks something like this: Choose a surrogate, usually through an agency. Create a legal contract and have it reviewed. Go through the egg retrieval process (if using intended mother’s eggs) or obtain donor eggs. Create embryos using intended father’s sperm or donor sperm. Transfer embryos to the gestational carrier (surrogate) and then — if it sticks — follow the pregnancy. If it doesn’t work out, the intended parents and surrogate may pursue another IVF cycle. The child is born, at which time the intended parents obtain full legal custody as outlined in the legal contract. Source: Google Wikipedia Napahinga ng malalim si Katy. Sa Edad niya na 35 anyos at health condition ay pasok nga sa kanila ang ganitong paraan pero papayag kaya si John? Maski na sa kanilang dalawa pa rin ng asawa kukunin ang egg at sperm cell ay iba ang magdadala nito. Hindi rin niya alam kung sino ang kukunin para magdala ng magiging anak nila kung sakali. Walang problema sa pera dahil kayang kaya nila ang gastos pero parang ang hirap naman magtiwala. Kung dadaan naman sila sa Agency ay hindi rin niya sigurado. Nireplyan nalang niya ang doctor na pag-uusapan pa nila ito at babalitaan kung papayag sa sinasabi nitong procedure. Sinabi ng doktora na ito ang paraan na nakikita nito para maiwasan ang risk factor sa kalusugan niya. Nag-alok pa ito ng tulong sa mga agency para makasiguro sila na malusog at maayos din ang makukuhang surrogate mother. Iniisip din kasi niya kung malaman ito ng magulang ni John ay baka lalo siya mahusgahan na kailangan pa maghanap ng ibang babae na magdadala para lang sa kanya. Natrauma na siya sa mga masasakit na salita nito laban sa kanya. Badtrip na badtrip si Linda na lumabas sa maliit na clinic na pinapasukan. Nagkaroon kasi ng problema dahil may isang buntis ang namatay dahil sa hindi naman sadya na pangyayari kahit kasi private iyon ay medyo kulang sila sa mga gamit. Hindi kinaya ng babae ang panganganak kaya binawian ito ng buhay. Nagkataon naman na pulis ang asawa nito kaya hindi tumigil sa paghuhumirintado. Idinaan pa sa munisipyo ang nangyari kaya ang ending pinasara ang lying in clinic. Kinasukan ang doctor samantalang sila naman ay tuluyan nawalan ng trabaho. Inis na umuwi si Linda at nahiga sa maliit na kutson. Nasa isang bed spacer lang siya kung saan kasama ang mga babae na nagtatrabaho sa isang kalapit na beerhouse. “Bakit ang aga mo yata?” tanong ni Kitkat. Isa sa malapit sa kanya at kasama sa kwarto. “Paano tuluyan na nagsara ‘yung clinic! Bwisit kasi ‘yun panot na pulis na ‘yun eh! Gusto pala niya sa maayos manganak asawa hindi pa dinala sa hospital eh may sakit pala sa puso!” asar na asar na sabi ni Linda. “Naku! Paano na ‘yan bayaran na sa katapusan ng upa.” Tugon ni Kitkat. “Ewan ko nga nakakairita!” lalong na inis na sabi ni Linda. “Bakit kasi hindi ka pa pumasok sa club ulit? Natry mo naman na rati diba? Madami ka magiging customer agad panigurado hindi ka naman na virgin noh!’” sabat naman ni Sisa na ka-room mate din nila habang tumatawa. Inis na binato ng unan ni Linda ang babae. “Tumigil ka nga Sisa alam mo naman si Linda ay laking madre sinubukan lang niya talaga noon,” natatawa rin na sabi ni Kitkat. “Okay naman sa club doon mo nga nakilala si Joel eh!” lalo nainis si Linda ng marinig ang pangalan ng lalake. Nobyo niya ito pero nakulong dahil sa pinagbabawal na gamot. Matagal na rin niya ito hindi dinadalaw dahil wala naman siya napapala sa lalake kundi hirap. Akala niya noon ay ito ang mag-aangat sa kanya dahil sa unang beses niya na subukan magtrabaho sa club ay ibinahay siya agad nito. Maliit lang naman kasi ang sahod nya sa clinic dahil kung walang buntis ay wala din sila kita kaya napilitan siya umextra sa club. Nakagaanan niya ito ng loob at naging nobyo. Nalaman niya ang masamang bisyo nito na naging bisyo na rin niya. Hindi na siya noon na kakapunta sa mga madre dahil nalululong na rin sa bisyo noong nakulong ito ay gumawa siya ng paraan para hindi paghinalaan ng mga pulis. Pumasok siya na volunteer sa ampunan kaya inakala ng mga ito na wala siyang alam sa mga ginagawa ng nobyo. Bigla tuloy niya naisip sila Katy lalo ang gwapong asawa nito na si John saka napangisi. Magagamit nito ang problema ng mag-asawa para magkapera siya. Tumayo ito agad at nagbalot ng mga damit sa ampunan na muna siya tutuloy dahil hindi alam ang bahay ng mga ito at kapag nakita na ang mag-asawa ay sasabihin niya na siya nalang ang kunin sa sinasabi nitong paraan upang magkaroon ng anak. “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng dalawa kay Linda. “Hindi ko na kayang magbayad kaya aalis na ako rito,” sagot niya saka binalot lahat ng gamit. “Ano? Saan ka naman pupunta? Kakaloka ka!” ani Kitkat. “Sa mga madre o sa ampunan basta atleast doon libre pagkain at bills,” natatawang sabi pa ni Linda. Hindi naman na siya napigil ng dalawa at tuluyan na umalis sa tinutuluyan. “Ma! Please tumigil ka na nga! May asawa ako ano bang date ang sinasabi mo?” inis na sabi ni John habang kausap ang ina sa cellphone. “Anak, Maganda at bata ang pamangkin ng amiga ko nasa 24 years old lang, Flight stewardess pa ang trabaho at ang mas magandang balita okay ang health niya It means na pwede siya magbuntis. Pinakita nga daw ng amiga ko ang picture mo at sinabi na ang gwapo mo raw,” natatawa pang sabi nito. Napailing si John kahit sinabi nito ang nangyari sa asawa ay para wala itong pakielam sinabi pang ituloy ang hiwalayan kung gusto ng magulang ni Katy mas mainam nga raw para makakilala siya ng ibang babae na magbibigay sa kanya ng anak. Ibinaba nito ang cellphone kahit nagsasalita pa ang ina siya mismo ay nababastusan na sa asal nito. Mahal niya si Katy kahit may pagkukulang ito ay hindi naman maaalis na manabik siya sa anak pero nakikita niyang sobrang apektdo na ang asawa sa mga nangyayari. Nakarating na si Linda sa ampunan sinabi niya ang nangyari at tinanggap naman siya agad dahil kilala naman siya ng mga ito. Hindi naman siya mapakali dahil isang linggo pa ang dadaan bago magpunta ang mag-asawa. Pinilit niya alamin ang bahay ng mga ito at napangiti ng makita na mayaman pala talaga ang mag asawa. Mas mayaman pa sa inaasahan niya kaya lalo siya napangiti. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD