Chapter 5
Napangisi ng malaki si Linda ng makita ang malaking bahay ng mag-asawang Katy at John sa isang exclusive subdivision.
“Mayaman pala talaga sila. Ang swerte nama ni Katy ang gwapo na ng asawa mapera pa.” ani Linda habang pabalik sa bahay ampunan. Buo na ang loob niya. Dapat ay mapalapit siya sa mga ito at alukin na maging Surrogate mother kapalit ng malaking pera.
Isang boquet of roses ang bitbit ni John ng makauwi. Naamoy niya agad ang mabangong amoy ng niluluto ni Katy sa kusina. Meron silang katulong pero uwian ang mga ito o on call lang para maglinis, laba o mamalansta ng mga damit dahil maghapon din sila wala kapag nasa trabaho.
Inilapag ni John ang bulaklak at sumilip sa kusina. Naka maiksing dress si Katy at nakaayos. Napangiti naman si John dahil hindi na ito mukhang depressed kesa kaninang umaga na iniwan niya. Niyakap niya ito habang nakatalikod.
Nagulat naman si Katy kaya napalingon agad sa kanya.
“Hon, nariyan ka na pala? Hindi ko narinig ang kotse mo,” ani Katy.
“Kakarating ko lang. Ano baa ng niluluto mo ang bango parang ikaw,” nakangiting sabi ni John.
“Calderetang baka. Luto na gusto mo na bang kumain o magliligo ka muna?” tanong ni Katy habang naghahanda ng mga plato.
“Kain na muna para sabay tayo maligo pagkatapos,” kumikindat na sabi ni John. Natawa naman si Katy.
“Naligo na ako.”
“Oh edi maligo ka uli o paliguan mo ko,” sagot ni John. Lalo naman natawa si Katy.
“Ang dami mong alam halika na kumain na tayo,”
Lalong napangiti si Katy ng iabot ni John ang dala nitong bulaklak. Pagkatapos kumain at makaligpit ay magkasamang nasa loob ng bathtub ang dalawa habang magkayakap. Isang maiinit na gabi ang nangyari pero nananatiling gising si Katy hanggang madaling araw.
Bumangon siya at pumunta sa terrace at malungkot na tumanaw sa labas. Nagising naman si John ng maramdaman na wala ang asawa sa tabi ay napakitang nakatayo ito sa patio ng kwarto. Nilapitan niya ito at niyakap. Tahimik na umiiyak si Katy at yumakap din ng mahigpit sa kaniya.
“John, alam kong mahirap pero sa tingin mo ba tamang subukan natin ang alok ni Dr. Huang? Papayag ka bang kumuha tayo ng surrogate para magbuntis para sa akin? Hindi ko na kasi alam kung anong dasal ang gagawin ko para lang madinig niya na magkaroon tayo ng anak,” lumuluhang sabi ni Katy.
Pinunasan naman ni John ang luha sa mukha ng asawa. Matagal niya pinangarap si Katy mula pa ng pagkabata nila ngayon na asawa na niya ito ay ayaw niyang makaramdam ng pagsisisi dahil lang sa hindi siya nito mabigyan ng anak.
Kanina sa trabaho ay nanood siya ng mga video tungkol sa surrogacy mas nagkaroon siay ng idea na hindi naman ito anak ng iba kundi sa kanila pa rin talaga. Ibang babae nga lang ang magdadala at manganganak pero dugo pa rin nila ito ng asawa.
“Pumapayag na ako. Sige gawin natin pero dapat maging maayos ang proseso. Mahirap na kung sino lang ang kunin. Kausapin natin si doktora. Magleleave din muna ako sa mga business natin para matutukan natin ‘yan,” sagot ni John.
“Salamat John.”
Kinabukasan nga ay muli silang nagpunta sa hospital upang makausap ang doktora tungkol sa proseso.
“Natutuwa naman ako ay pumayag kayo. Una sa lahat ano ang mga tanong ninyo? Para malinaw bago tayo magsimula,” ani Dra. Huang.
“Doktora, sigurado naman na anak pa rin namin ng asawa ko ang mabubuong bata kung sakali hindi ba?” ani Katy.
“Oo naman 100% anak ninyo. Walang makukuhang dugo o genes ang bata sa magiging surrogate mother na kukunin dahil kumbaga buo na ito mula sa mga itlog ninyo bago ilagay sa matres niya ang gagawin lang niya ay maging healty upang hindi magkaroon ng problema tulad ng miscarriage,” tugon ni Dra. Huang.
“Saan po tayo kukuha ng surrogate na babae?” tanong naman ni John.
“Well, maraming agency pero pwede rin kung kakilala ninyo basta pumasa sa mga health test ay pwede na. Yung iba ay ayaw makilala ang surrogate mother pero nasa inyo naman iyon,” saad ng doktora.
Tumayo ito ay kumuha ng isang files na may naglalaman ng mga surrogate mother mula sa isang agency.
“Heto ang mga sample surrogate mother na kilala sa isang agency. Masasabing professional na sila sa ganito,” dagdag ng doktora.
Binuklat nila Katy at John ang folder. May mga babae na nakalista, may larawan, edad, mga past medical record at ang presyo na hinihingi. Medyo nagkatingingan ang mag-asawa dahil bayad palang sa magiging surrogate mother ay pinakababa na ang kalahating milyon wala pa roon ang bayad sa doktor, hospital bill o expense at sa mismong procedure na milyon ang halaga.
“Dok, paano namin malalaman na okay ang mga babaeng ito?” ani John
“Kapag nakapili na kayo ng surrogate magsasagawa muna ng test sa inyo para kumuha ng healty egg at sperm cell i-fo-froze iyon. Ang surrogate naman ang sasailaim sa health test. Kapag pumasa na siya magpipirmahan na kayo tapos gagawin ang procedure. Paalala ko lang pwedeng sa unang attempt ay hindi mabuhay ang mabubuo kaya manibagong procedure ang gagawin hanggang maging successful na.”
Nagkatinginan muli sina Katy at John hindi lang isa o dalawang milyon ang magagastos kundi baka doble dahil parang trial and error ang gagawin.
“Oras na nabuo na sa matres ang punla ay hindi na pwedeng lumabas ang surrogate sa hospital. I coconfine na siya hanggang s manganganak. Bawal rin ang bisita na lalake sa kanya kahit kapamilya o kaibigan para maiwasan ang problema. Meron kasing mga client na nag-iisip na baka nakikipag s*x ang surrogate at may mangyari sa anak nila kaay parang naka isolate siya.”
Napatango naman sila Katy.
“Ibig po pala sabhin halos 9 month naka confine ang babae dito sa hospital?”
“Oo Katy kaya medyo magastos pero mas makakasure naman kayo dahil mahigpit ang protocol sa ganun case. Makakasigurado pa kayo na malusog ang magiging anak ninyo,” sagot ng doktora.
“Kung sakali ba hindi mahawa ang magiging anak namin ng sakit ko? Kasi hindi ba dugo at laman ko pa rin iyon?” nag-aalalang sabi ni Katy.
“Well, it’s a risk kasi nga itong gagawin natin ay way para magkaanak kayo. Maiiwasan na mapano ka at ang sanggol sa tiyan mo. Kung sakaling mahawa nga ng condition mo ay hindi naman magiging malala lalo at healthy ang surrogate. Aalagaan natin sa vitamin, gamot para masiguro na mailuwal niya itong maayos,” nakangiting sabi ng doktora.
“Sige papayag na po kami. Ikaw na ang humanap ng sure na surrogate doktora,” ani John.
“Sure no problem!”
Sinimulan na nga ang procedure. Isang surrogate na hindi nila personal na nakausap ang nakuha ni Dr. Huang. Mukhang okay naman ito ayon sa health test. Paglipas ng dalawang linggo ay nabuo na sa sinapupunan ng surrogate ang itlog nila Katy at John kaya kasalukuyan na itong nakaconfine.
Sa bahay ampunan ay halos hilain ni Linda ang mga araw upang makaharap muli ang mag-asawa. Gusto na niay puntahan ang mga ito pero baka magtaka kung paano niya nakahanap ang tintirhan ng mga ito at maghinala sa kaniya ng masama.
Inis na inis isya dahil magdadalawang linggo na ay hindi pa nagpapakita ang mga ito. Buryong na buryong na siya sa trabaho sa ampunan.
Napangiti siya malapad ng makitang paaprating ang magarang kotse ng mag-asawa. Mabilis siya lumapit sa mga ito upang sumalubong. Pinagtutulak niya ang mga batang nagnanais din na makalapit sa mga ito.
“Ma’am Katy! Sir John! Kamusta po? Bakit ngayon lang po kayo nadalaw?” saad ni Linda. Inabot nito ang mga dala ng mag-asawa.
“Medyo busy lang,” nakangiting sagot ni Katy. Napansin niya na malungkot si Linda kaya ng maibigay sa mga bata ang mga pasalubong ay inaya niya ang dalaga na makapag-usap.
“Ayos ka lang ba Linda?” tanong niya rito habang nagmemeryenda sila ng dala nilang donut. Si John ay kausap ang paring namumuno sa ampunan. Umiling naman si Linda at naiiyak na nagkwento.
“Hindi ba po ay nasabi ko noon na nagtatrabaho ako sa isang maliit na clinic? Nagsara po eh. May namatay po kasi na isang pasyente. Asawa pa po ng pulis. May sakit po pala sa puso hindi kinaya ang normal delivery ayun po kinausahan ang doktor ay clinic kami po na mga staff ay nawalan ng trabaho. Hindi ko na nga po alam kung paano na ako. Napalayas na nga po ako sa bed spacer ko dahil walang maibabayad. Ayoko naman po bumalik sa mga madre kaya narito ako sa ampunan pala lang makalibre ng kain,” umiiyak na sabi ni Linda.
Naawa naman si Katy kaya dumukot sa wallet at nagbigay ng limang libo sa dalaga.
“Ma’am Katy, salamat po pero sana ay trabaho ang maibigay ninyo sa akin. Dito po sa ampunan ay libre nga ang pagkain pero wala pong sahod ang mga volunteer. Meron din po akong mga pangangailangan. Kung maaari po sana ay kunin ninyo akong katulong. Kaya ko po maglaba, luto, plantsa kahit ano po ay kaya kong gawin. Hindi po ako relamador. Kahit mlaiit na sahod ay sahod lang po basta may kikitain,” lumuluhang sabi ni Linda.
Lumapit sa kanila si John dahil tapos na kausapin ang pari narinig nito ang sinabi ng dalaga.
“John, ayos lang ba kung kunin natin si Linda pansamantala sa bahay? Hindi ba next month ay may aalis na staff sa grocery shop natin? Siya ang ipalit kapag umalis na si Yuna,” ani Katy.
“Oh sige bahala ka,” ani John.
Ngumiti ng lihim si Linda dahil tagumpay siya sa unang plano.
“Kapag umalis na si Yuna ay ikaw ang papalit minimum ang sahod at may bahay sila sa likod ng shop. Mga stay in kasi dahil galing ng probinsya. Kaso uuwi na dahil mag-aasawa,” ani Katy.
“Kahit anong trabaho po ay ayos lang Ma’am, Sir. Maraming salamat po.” umiiyak na sabi ni Linda.
Mabilis itong nagbalot ng mga gamit at nagpaalam sa ampunan. Kasama na siya nila Katy at John na umuwi.
“Hi, Tita Mirna! How are you po?” ani Lexy. Ito ang anak ng amiga ni Mirna na nagtatrabaho sa isang kilalang airlines.
“Hello, Napakaganda mop ala talaga iha! Mas maganda ka sa personal kesa sa picture. Bagay na bagay kayo talaga ng anak ko na si John,” ani Mirna.
Dumalaw siay sa bahay ng amiga ng malamang umuwi ang anak nito na si Lexy dahil balak ireto sa anak.
“Mirna, hind ba may asawa na si John? Ano gagawin niya na kabit ang anak ko? No way!” sabay naman ni Jacky. Ang ina ni Lexy.
Napasimangot naman si Mirna ng maalala si Katy. Nagalit si John ng maospital ang asawa pero wala na siya talaga amor sa babae. Naiinis nga siya dahil hindi pa natuloy ang hiwalayan ng mga ito. Ewan ba niya sa anak at hindi maiwan ang asawa. Oo at maganda ito pero wala naman silbi ang matres.
“Naku amiga malapit na sila magpa annul. Actually, on process na,” pagsisinungaling ni Mirna.
“Talaga?” gulat na sabi ni Jacky.
“Oo, kaya itong si Lexy mo at ang anak kong si John ay pwede na natin ma-set ng date,” tumatawang sabi ni Mirna.
“Sure, sa totoo lang kapag nakikita namin si John noon ay talagang binibiro namin kay Lexy kaso may long-time girlfriend pala,” saad ni Jacky.
“Sigurado ka po tita na wala na sila ng asawa niya?” tanong ni Lexy na bakas sa mukha ang excitement dahil talagang type ni si John dahil bukod sa gwapo ay maganda ang financial status nito. Pwede niyang ipagyabang kahit na kaninong friends niya. Sigurado pa siyang maiinggit ang mga ito.
“Yes! I’m sure.s Hindi magtatyaga ang anak ko sa babaeng hindi kaya magkaanak. Alam ninyo kasi tayong mga babae ay binigyan ng matress para magkaroon ng anak kung hindi natin mabibigyan ang mga asawa natin ay siguradong magloloko iyon. Isa pa sabin na natin na mangbabae man ay sa atin uuwi dahil sa mga anak natin. Iyon ang alas natin sa kanila. Gusto ng mga lalake ang buong pamilya. Siguradong nagsisisi na ngayon si John na pinakasalan si Katy maniwala kayo sa akin,” saad pa ni Mirna.
Itutuloy