Chapter 3

1260 Words
Chapter 3 “Ma!” saway naman ni John sa ina. Alam kasi nito na magsisimula na naman na ang ina sa panenermon. “Bakit? Totoo naman ah! Si Katy ang hindi kayang magkaanak siya ang problema talaga! Kahit saan lupalok pa nang mundo kayo pumunta para maghanap ng doctor ay iisa lang naman ang resulta lagi. Hindi siya pwedeng magkaanak!” Inis na sabi nito. “Mirna. Nasa harap tayo ng pagkain,” saway din ng asawa nito. “Ano ba ang mali sa sinabi ko? Hindi ba noon pa ay sinabihan na kita John na bago kayo magpasakal ay magpachek up kayo kung kakayanin ni Katy ang pagkakaroon ng anak dahil nga mahina siya. Ilang beses ba siya na ho-hospital palagi noon kaso kahit sinabihan na kayo na malaki ang chance na malalag parati at may risk sa buhay niya ay sumige kayo sa pag-aasawa. Alam ninyo kaya nag-aasawa ang isang babae at lalake ay para bumuo ng pamilya at kapag sinabing pamilya ay may mga anak! Wala naman kaso sa akin kung nagmamahalan kayo sige magkaroon kayo ng relasyon walang pipigil pero ibang usapan na kapag nagsasama nga kayo pero hindi naman kayo nakakabuo ng mga supling ninyo. Walang bunga kumabaga! Yung matres walang pakinabang walang kwenta! Hindi siya matatawag na ina kundi asawa lang! Mabuti pa yata kung hindi na kayo nagpakasal eh! Anak, Mabilis ka lang makakahanap ng ibang babae na kayang magbigay sa’yo ng anak itong asawa mo ano na ba ang edad? Lagpas na siya sa tamang age bracket kung magkaroon man baka magaya sa kanya na mahina at sakitin! ” lintanya pa nito. “Ma, Please tama na huwag mo naman pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko,” himutok ni John. “Alam mo anak ngayon ay sige tanggap mo pa pero kapag dumating ang araw maiinggit ka sa mga kaibigan mo na may mga anak na. Ayoko naman na pagtawanan ka ng mga kakilala natin. Ang mga amiga ko nga ay madalas ko na iniiwasan dahil napapahiya ako tuwing sinasabi bakit wala kayo anak. Siyempre ako sinasabi ko na ang problema ay ‘yang asawa mo. Walang silbi ang matres niya! Sabi nga nila sana sa ibang babae na lang kita pinakasal baka ngayon ay ilan na ang mga apo namin ng papa mo,” patuloy pa nito. Hindi na nakayaan ni Katy ang pangungutya nito bigla siyang tumayo at kinuha ang handbag saka walang paalam na lumabas ng bahay ng biyenan. Humabol naman si John sa asawa agad. Sawa na siya sa mga pasaring nito na nakakapangliit sa pagkatao niya. Maayos naman dati ang pakikitungo nito at ibinibida pa ang magandang trabaho niya pero nang lumaon ay naging matabang na dahil sa pagpipilit nito na magkaroon sila ng anak. Nagsimula na itong magpakita ng masasamang pag-uugali na iniintindi nalang niya. Kaso ay napupuno na rin siya hindi niya na kaya ang bigat ng damdamin. Ayaw na niya marinig ang masasakit nitong mga sinasabi, ang mga matatalim nitong tingin sa kanya na bakas ang pagkadismaya. “Katy! Wait!” sigaw nito ng magsimula siyang maglakad sa labas ang babae. Pinaandar naman na ni John ang kotse para makabol ito agad. Napaluhod sa gitna ng kalsada si Katy habang umiiyak. Hindi naman niya ginusto ang lahat. Hindi naman siya baog pero dahil sa sakit niya sa puso ay hindi pa rin siya pwedeng matawag na ina. Agad lumapit si John sa asawa pero nakita niyang bumagsak ito at nawalan ng malay. Sa Hospital na nagkaroon ng malay si Katy masama talaga sa kanya ang sobrang nagdaramdam dahil mahina talaga ang puso niya. Nasa tabi niya ang mga magulang at kapatid ng magmulat siya ng mga mata. “Anak! Ayos ka lang ba?” umiiyak na tanong ng ina nito. “Sinabi sa amin ni John ang nangyari sobra naman yata ang mga biyenan mo! Hindi na tama ‘yan! Pinalaki ka naming maayos tapos ganun lang ang gagawin sa’yo,” seryosong sabi naman ang ama pero bakas ang lungkot nito at pag-aalala. “Hindi namin alam ang gagawin kapag may nangyari sa iyong masama anak,” umiiyak na sabi ulit ng ina. “M-Medyo ayos na po ako huwag na kayo mag-alala. N-Nasaan po pala si John?” tanong niya. Umismid ang ama at umiling. “Lumabas sandali dahil may aayusin sa billing,” sagot ng ina. “Anak, kung ayaw na ng mga biyenan mo sa’yo ay humiwalay ka na sa asawa mo. Kung hindi nila tanggap ang sitwasyon ay ngayon pa lang tapusin na ninyo ang lahat dahil alam namin na hindi lang ngayon ang unang beses na kinastigo ka nila tungkol sa hindi ninyo pagkakaroon ng anak. Ayaw namin na humantong pa sa pagkakaroon ng samaan ng loob sa bawat isa. Kahit nga ginanun ka nil ay ayaw nitong mama mo na sumugod kami para komprontahin sila dahil si John ang iniisip niya pero anak paano naman kapag wala na kami? Aapihin ka nalang ba nila? Hindi naman yata kami papayag sa ganoon, Oo, sino ba naman ang ayaw magkaroon ng apo? Pero kami ay alam at tanggap ang sitwasyon mo kung sila ay hindi ganoon ay talagang magkakaroon lang ng hidwaan ang mga pamilya natin. Ayokong dahil sa mga masasakit nilang salita ay mapano ka kapag ganun ay hindi na ako mapipigilan ng mama kapag naulit pa ang ganito,” saad ng ama saka napapailing. “Ate, umuwi ka nalang sa atin tama sila papa maganda naman ang trabaho mo hindi mo kailangan ang asawa mo,” sabat din ng kapatid na si Chad. Hindi naman nakasagot si Katy at napaiyak na lang. Tamang tama naman ng pumasok si John ay nakitang gising na siya pero umiiyak. Agad itong lumapit at humakaw sa kamay niya. “Katy, ayos ka lang ba? Patawad sa mga nasabi ng magulang ko kanina,” naiiyaik nitong sabi. “Johh, Alam namin na sabik na sabik na kayo sa anak. Maski kami naman ay araw araw nagdadasal na kahit isa lang ay biyayaan kayo ng diyos pero hindi naman namin ginusto na lumaking may sakit si Katy. Bago mo pa lang siya nililigawan ay alam mong madalas na siya noon nahohospital dahil sa sakit niya sa puso. Ako pa nga mismo ang tutol na magpakasal kayo dahil mawawalay siya sa amin at hindi namin matutulungan agad kung sa ibang bahay na titira pero dahil sobrang nagmamahalan kayo ay pumayag na rin ako.” saad ng ama ni Katy. “Pa,” malungkot na saad ni John. “Nirerespeto ka namin bilang asawa ang anak ko maging ang mga magulang mo pero hindi naman siguro tama na hamakin ng mga magulang mo ang anak namin dahil sa problema na hindi naman niya ginusto. Sino ba ang may gusto na magkaroon ng sakit sa puso? Sino bang tao na may gusto na hindi magkaanak? Mabuti nga at hindi mo pinagtakpan ang mga magulang mo ay dahil kung si Katy ay hindi magsasalita at kikimkimin lang ang sakit. John, Kung masakit sa magulang mo na hindi magka apo aba ay mas masakit sa parte namin dahil babae ang amin. Ikaw pwede ka mambabae at makabuntis kahit ilan pa eh sa babae? Hindi naman pwede ang ganun. Ngayon palang na malakas pa kami ng asawa ko ay isolo mo na ang anak namin para hindi na ito lumaki pa. Ayos lang kung magpa annull kayo ng kasal tutulong pa kami sa gatos basta lang huwag na makarinig ng masasakit na salita ng ganoon,” seryosong sabi ng ama ni Katy na si Pablo kay John. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD