Chapter 1
Chapter 1
“I am sorry Katy pero talagang hindi mo kakayanin ang pagbubuntis dahil malalagay pareho sa risk ang buhay ninyo ng magiging anak mo. Isa pa kung mabuntis ka man ay wala rin tayong malaking chance na lumabas itong malakas dahil pwedeng makuha niya sa’yo ang congenital heart condition mo which is magpapa worse pa ng health risk mo. Gusto mo bang makabuo nga pero ilang buwan lang ay kailangan na natin alisin para hindi ka mapano. Mas masakit iyon sa part mo,” malungkot na sabi ni Dra. Huang. Ang Ob-gyne ni Katy.
“W-Wala na ba ibang paaran talaga para magkaanak kami?” naiiyak nang tanong ni Katy.
“Meron naman pero ewan ko kung ayos sa inyo ang ganung way,” tugon nito.
“Ano po ‘yun? meron pa ba ibang way para magkaroon kami ng anak na hindi naman malalagay sa alanganin ang buhay ng asawa ko?” saad ni John.
“Oo meron ito ay ang tinatawag na Surrogate. Maghahanap kayo ng pwedeng magdala ng sanggol sa sinapupunan niya para sa inyo. Isa ‘yun sa best way sa mga tulad mo na hindi kayang magbuntis. Actually, kahit walang sakit ay mas pinipili nga ‘yun ng iba dahil meron takot sa sakit ng panganganak, meron naman dahil sa sobra na ang edad kaya ang ginagawa ay nagbabayad ng babae. Medyo mahal ang bayad dahil siyam na buwan niya halos dadalhin kaya sasagutin ninyo lahat ng expenses pero sulit naman kapag lumabas na dahil tapos na ang kontrata ninyo sa kukunin niyo na babae parang bang Womb for rent lang,” ika nito saka nagkatingan ang mag-asawa.
"Mas magiging madali ito kay Katy dahil hindi naman siya ang magdadala sa sinapupunan niya, hindi na rin malalagay sa risk ang health niya basta kukuha lang ng malulusog na egg at sperm cells sa inyong mag-asawa saka gagawin ang procedure. Nasa inyo naman kung payag kayo sa ganito. Anak pa rin naman niyo talaga ang bata dahil galing sa inyo ang mga genetic niya 'yun nga lang ibang babae ang magdadala sa kanya. Capable naman kayo in terms of financial kaya ninyo iyon. Isa pa Katy sa edad mo ngayon ay mas advisable talaga sa iyo na ganito na ang gawin kung gusto ninyo nga ay pwedeng kunan ko na kayo ng mga cells ninyo para ma preserved," patuloy nito.
Napahinga naman ng malalim si Katy at malungkot na tumingin sa asawang si John na bakas sa mukha ang pagkadismaya. Mahigit Limang taon na kasi silang kasal pero hanggang ngayon ay walang kasiguraduhan kung magkakaroon pa ba sila ng anak o hindi na.
Parehong maganda ang trabaho ng mag-asawa. Manager sa isang sikat at premyadong banko si Katy. May sarili naman negosyo ang asawa kaya kung sa pera lang ay hindi sila problemado at sobra pa sa pangangailangan nila. Pareho din may kaya ang mga pamilya nila.
May Malaki silang bahay, mga sasakyan, mga paupahang bahay at sariling negosyo. Wala na nga sila mahihiling pa bukod sa pagkakaroon ng anak na magsasabing isang pamilya talaga sila.
Malungkot na umuwi ang mag-asawa hindi naman na sila umaasa sa magandang balita ng doctor dahil sa ilang taon ay hindi laging pumapasa ang katawan ni Katy para magdalang tao. Wala naman sana problema dahil mabubuntis naman ito dahil hindi sila baog ngunit dahil sa may sakit ito sa puso ay pwedeng buhay nito ang maging kapalit.
“Sorry. Sorry dahil hindi kita mabigyan ng anak. Hindi ganito ang pinangarap mo noon,” malungkot na sabi nito sa asawa niyakap naman siya nito dahil alam niyang sobrang sabik na ang lalake sa anak.
“Gagawa tayo ng paraan hindi tayo susuko,” sagot nito saka niyakap siya g mahigpit.
Isa sa mga naging diversion ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng mga charity works paborito nilang puntahan kapag weekends ay ang Holy Child Orphanage malapit lang kasi ito sa church na inaattendan nila tuwing lingo. Namimigay sila ng mga pagkain, gatas, diaper, damit, at laruan sa mga bata rito. Pinamumunuan ito ng Pari na kura paroko rin nila sa simabahan at ilang mga madre. Nakilala na nga sila ng mga bata kaya tuwing dumadating ay agad silang sinalubong.
“Mama Katy!” sigaw ng isang batang babae na nasa lima ang edad. Itinapon ito noon sa tabi ng basurahan ng simbahan. Mabuti at may nakakakita dahil nilalangaw na ito at pinaglalaruan ng mga asong gala. Mahigpit itong yumakap sa babae at gumanti rin naman ng yakap si Katy sa bata.
Sa ampunan niya nararanasan na may tumawag ng mama o maging ina pansamantala sa mga ito. Tumutulong din kasi siya minsan sa pagpapaligo, pagbibihis at pagpapakain sa mga bata. May ilang sanggol pa ang nasa amupan na palagi niyang tintignan at hinehele hanggang makatulog.
Minsan ay napapatanong siya sa diyos dahil bakit hindi siya hinayaan na magkaroon ng sariling anak samantalang ang daming ina na basta nalang iiwan ang mga sanggol na akala mo ay walang buhay at pakiramdam.
Palabas na si Katy sa banyo ng mabunggo ang isang babae na may dalang mga labahan kaya nagkalat ang mga ito sa lapag agad naman siya tumulong sa pagpulot at pagsalansan ulit sa lalagyan ng mga damit.
“Sorry ha hindi kita napansin nagtetext kasi ako sa mister ko,” hinging paumanhin ni Katy.
“Naku! Ako po dapat ang mag sorry natatakpan po kasi na nitong dala ko ang daanan kaya hindi ko rin po kayo nakita. Teka kayo po si Mrs. Martin hindi ba? Kilalang kilala po kayo ng mga volunteer at ng mga bata. Ako nga po pala si Linda bago lang po ako rito,” masayang sabi nito saka inabot ang kamay.
“Katy nalang ang pormal naman nag Mrs. Martin,” napangiti naman si Katy dahil sa masayahin na awra ng dalaga inabot din niya ang kamay nito. Sabay na sila naglakad nito at dinala ang mga labahan sa laundry area kung saan meron mga volunteer na nag-aantay paa maglaba sa washing machine.
“Alam po ninyo galing din ako sa ampunan pero sa ibang lugar po doon ako lumaki pero walang nakaampon sa akin naging close kasi ako sa mga madre noon kaya tuwing may nagtatangka na kukuha sinasabi nila kunwari na meron na akong foster parents. Pinag-aral nila ako tapos nung medyo malaki na ako ayun nagsolo na sa buhay pero lagi naman ako dumadalaw sa kanila pag may oras. Dito naman sa ampunan ay tumutulong din ako alam ko kasi ang pakiramdam ng lumalaki na wala ka man lang malay kung bakit ka naroon, kung nasaan ang mga magulang mo o kung bakit ka nila iniwan. Sorry po ah ang daldal ko,” natatawang sabi nito. Umiling naman si Katy saka ngumiti.
Itutuloy