Chapter 2
“Ayos lang, Alam mo hindi ko rin alam kung bakit meron mga ina o ama na kayang itapon o iwan nalang basta ang mga anak nila. Para bang basura na basta nalang iiwan kapag nagsawa na o kapag sa tingin nila walng pakinabang sa kanila, samantalang ang daming gusto magkaanak,” tugon ni Katy.
“Kayo po nasaan ang anak ninyo? Bakit hindi po ninyo kasama yata? Sigurado po ako kung babae ay kasing ganda mo po kung lalake naman ay gwapo rin,” tanong nito ulit.
Nalungkot naman si Katy bigla saka napailing. Sa edad niya na 35 years old ay halos yata lahat ng tao na nakakasalamuha niya ay inaakalang may anak na siya.
“W-Wala pa akong anak. Hindi kasi kakayanin ng katawan ko ang pagdadalang tao dahil may sakit ako sa puso makakasama sa akin at pwede ko pang ikamatay,” malungkot na sabi niya.
“Grabe naman po. Wala na po bang ibang paraan? Napakabait ninyo po sayang naman kung hindi ninyo mararanasan magkaroon ng anak. Teka, bkit hindi po kayo mag-ampon pala tutal palagi po kayo rito medyo kilala na ninyo ang mga bata at makakapili kayo ng kukunin. Pwede rin ang mga sanggol pa lang po. ‘yun isa po dito at malusog at mistisahin pwede po ‘yun hindi na po aakalain na hindi sa inyo,” suhestiyon nito.
“Ayaw ng asawa ko na hindi sa amin man gagaling ang magiging anak kung sa akin lang ay walang problema matagal ko na gusto kumuha ng mga bata rito lalo na ‘yung mga sanggol pa lang kaso hindi talaga papayag ang asawa ko,” tugon ni Katy.
“Bakit naman po ayaw niya? Mababait naman ang mga bata rito saka mabibigyan ninyo sila ng maayos na buhay. Paano po ‘yan? May iba pa po bang paraan para magkaroon kayo ng anak?” usisa nito.
“Meron, kaso ewan ko kung uubra ang ganung paraan,” saad ni Katy.
“Ano’ng paraan po?”
“Surrogate.”
“S-Surrogate? ” kunot noon na tanong ni Linda.
“Magbabayad kami ng isang babae para siya ang magdalang tao para sa akin. Ang mga itlog naming mag-asawa ay ilalagay sa sinapupunan niya kapag naging successful at nabuo ay sa kanya ito lalaki. Kumbaga uupahan naming ang matres niya para siya ang magdadala at magluluwal,” sagot ni Katy. Napatango naman si Linda.
“Ah opo alam ko po ‘yun nakalimutan ko lang. Bihira kasi ang ganoon. Siya nga po pala, Midwife nga po ako sa isang maliit pero private clinic,” nakangiting sabi ni Linda.
“Talaga?”
“Opo, tuwing weekends lang naman po ako dito para tumulong sa ampunan. Teka, Ayun naman pala po bakit ayaw ninyo po subukan? At least po ‘yun ay sa inyo pa rin galing kahit ibang babae ang magbubuntis. medyo mahal nga lang at hindi basta basta ang proseso,” anito.
“Hindi pa kasi namin talaga napag-usapan ng asawa ko kapag kasi tungkol sa anak at ewan ko pa ang hirap sa loob namin pareho. Sa halos mag aanim na taon namin bilang mag-asawa ni minsan ay hindi ako nabuntis kahit hindi ako baog. Nakailang doctor na rin kami pero palaging bagsak ako sa test hindi daw ako uubra talaga. Mas masakit daw kung pipilitin namin dahil kapag nakabuo man may chance ako ang mamatay o ang bata pwede rin na kaming dalawa, Pakiramdam ko nga kailangan ko na din magpatingin sa psychologist. Sobrang laking impact na sa kasi ang problema sa isip ko. Wala na akong peace of mind at palagi akong may anxiety,”malungkot na sabi ni Katy.
“Alam mo Ate Katy minsan talaga may mga bagay na hind iibibigay sa atin. Isipin mo kung may anak siguro kayo ay hindi ka ganito na sobrang active sa pagtulong sa mga bata sa ampunan siyempre ang pokus mo ay sa mga anak mo. Hindi rin siguro tayo magkakakilala at wala sana laging nagbibigay ng malaking tulong sa orphanage na ito,” nakangiting sabi ni Linda.
Napangiti naman si Katy ganito siguro ang kailangan niya may nakakausap na positive ang vibes. Naisip niya tuloy ang mga friends niya palaging busy na ang mga ito sa mga buhay dahil sa mga anak. Mga stay at home wife na nga ang mga ito kaya madalang sila makalabas hindi katulad noon na nakakagimik pa sila.
“Ilang taon ka na Linda?”
“25 na ako ate,” sagot nito.
“Ikaw may asawa ka na ba? O boyfriend?”
“Wala po dalaga po ako. Hindi ko nga po kayang buhayin ang sarili ko ayokong mahirapan ang magiging anak ko hindi ko gagayahin ang mga magulang ko na itinapon lang ako basta dahil hindi kayang magpalaki ng anak,” sagot nito.
“Mabuti naman, Sana lahat ng babae ay pareho mo mag-isip. Mabilis lang gumawa pero ang mahirap ay ang responsibidad pagkatapos. Mas mabuti pa nga ‘yun nag-iisa kesa madamay ang mga bata sa hirap."
“Katy, Nariyan ka lang pala. Let’s go na inaantay na tayo nila mommy sa bahay,” saad ni john. Napatiningin naman si Linda sa lalake at agad natulala sa kagwapuhan nito.
“Linda, siya ang ang asawa ko si John,” pakilala nito sa lalake. Nakipagkamay naman ang dalaga sa lalake.
“Hi,” nakangiti na sabi ni John kay Linda saka inaya na ang asawa umalis.
“Sige mauna na kami sa susunod na linggo nalang ulit tayo magkwentuhan,” wika ni Katy. Naiwan si Linda na humahabol pa rin ng tingin sa mag-asawa.
“Kamusta na? Ano na ang sabi ng doctor nung huling check up ninyo? Magkaapo na ba kami?” tanong ng ama ni john.
Hindi naman nakasagot ang mag-asawa at nagkatinginan na lang sa bawat linggo kasi na dumadalaw sila sa bahay ng parents ni John ay palaging tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ang tanong ng mga ito. Solong anak kasi John kaya sabik din ang mga magulang na ang anak ang magkakaroon ng malaking pamilya para mas dumami pa ang lahi nila. Sa partido naman ni Katy ay dalawa lang sila ng kapatid na malaki din ang agwat ng edad dahil medyo mahina rin ang ina dahil sa asthma nito.
“Gagawin naman po namin ang lahat para magkaanak siguro ay hahanap kami ng ibang doctor,” sagot ni John.
“So, Ano ang sabi ng doktor wala na daw talaga? Hindi na kyo magkakaanak ganun ba? Aba! Ilang doctor na ba ang pinuntahan ninyo? Dalawa? Tatlo? Eh hindi ba pang anim na ‘yan? John, wala sa doctor ang problema ikaw wala din naman sa’yo ang problema diba?” seryosong sabi naman ng ina ni John habang nasa hapag kainan sila. Napatigil sa pagkain si Katy at napayuko.
itutuloy