“Tama ka Mirna. Kami ng asawa ko noon ay madalas mag-away noon dahil tatlong taon na kami nagsasama ay hindi pa ako mabuntis kaya nambabae rin ang asawa ko noon. Pero ng dumating si Kiko ay tumino tapos nasundan pa ni Lexy,” ani Jacky.
“Oh diba? At saka kahit mangbabae ulit ang mister mo ay babalik at uuwi siay sa inyo, sa inyo dahil gusto ng mga asawang lalake na makitang may buo silang pamilya. Si John ay ganun din. Matino ang anak ko kahit kelan ay hindi kami binigyan ng sakit ng ulo ng papa niya kaya nga naaawa ako kasi baka pinagtatawanan na ng mga kakilala naming dahil nagtitiis sa asawa niyang walang kwenta ang matres. Kaya Lexy huwag kang mag-alala hindi na magtatagal ang pagsasama nila. Isa pa ay may sakit sa puso yung babaeng ‘yun baka nga hindi na magtagal ang buhay,” inis sabi pa ni Mirna. “oh siya mauna na ako dahil may appointment ako sa spa. Tatawagan kita kung kelan tayo magseset ng date ninyo ni John.”
“Sige po Tita Mirma maghihintay ako pero sana huwag masyadong matagal,” ani Lexy.
“Ako ang bahala,” nakagiting sabi ni Mirna.
“Sige amiga sa susunod ay sasama ako sa spa may lakas lang kami ni Lexy ngayon,” sabat ni Jacky.
“Saan?” tanong ni Mirna. Nagkatingan naman ang mag-inang Lexy at Jacky.
“Sa trabaho niya balak kasi niya magleave ng tatlong buwan para naman makasama namin saka birthday ko sana inaalok kasi siya sa ibang airline titignan namin kung may okay ang benefits,” saad ni Jacky.
“Ah sige pero alam ko kapag ikaw na ang asawa ni John kahit hindi ka na magtrabaho. Mas gusto ni John na plain housewife ang asawa niya para mag-alaga ng mga anak. Sige alis na ako,” ani Mirna
“Ma, gusto ko talaga si John pero baak iwan din ako kapag nawalan ang kondisyon ko,” malungkot na sabi ni Lexy. Sakay na sila ng kotse kasama ng ina papuntang hospital. Ilang buwan na kasi hindi nagkakaroon ang dalaga. Hindi naman siya buntis. Nagpacheck up na siya sa Dubai at nalaman na may PCOS siya o cyst sa matres. Magpapa second opinion sila ngayon para makasiguro.
Magpapa second opinion sila ngayon para makasiguro. Totoong mag le-leave siay dahil gustong dito sa pilipinas magpagamot. Hindi kasi biro ang pagkakaroon ng bukol sa matress dahil isa sa mga masamang epekto nito ay ang hirap magkaanak.
“Huwag mong isipin ‘yan. Ikaw ay wala naman sakit sa puso hindi tulad ng asawa ni John. Magagamot ‘yan,” ani Jacky.
“Totoo kayang hiwalay na sila John at Katy? Nakita ko ay nagpost pa si John ng bulaklak na bigay niya sa asawa kagabi,” malungkot na sabi ng dalaga.
“Ang totoo ay hindi rin ako naniniwala na naghiwalay na sila. Nakita ko pa sila sa simbahan nung isang linggo na magkasama. May pagkasinungaling itong si Mirna at hindi talaga gusto si Katy dahil hindi siya mabigyan ng apo,” saad ni jacky habang nagmamaneho.
“Paano po ako? Kapag nalaman nila ay tiyak hindi itutuloy na i-set ako ng date kay John,” naiiyak na sabi ni Lexy.
“Lexy, dapat ay makuha mo si John. Alam mo naman na may problema tayo sa pera dahil sa ama at kapatid mong lulong sa casino. Kung hindi ka pa nga nagtatrabaho ay baka wala na kami maakain. Ang kita sa mga negosyo ay sa utang at sugal lang nila napupunta. Si John ang sagot sa problema natin,” inis na sabi ni Jacky.
Hindi na kumibo si Lexy. Muntik na maremata ng banko ang bahay nila mabuti at nakautang siya ng malaki at naipambayad pansamantala. Hindi na kasi halso umuuwi ang ama at kapatid na babad lang sa casino kaya medyo alanganin ang dalaga.
Hindi porke may anak ay hindi na makakayang sirain at iwan ang pamilya. Kapag sugal o bisyo na ang umiral ay mas matindi pa sa pambababae. Ubos pati mga ari-arian nila. Wala na nga sila mga katulong at driver dahil hindi na kayang magpasahod. Kay pursigido silang magpagamot para kung sakali ay mabuntis agad ni John at makuha ito.
Sa hindi inaasahan ay si Dra. Huang ang naging doktora rin ni Lexy. Binabasa nito ang mga test ng dalaga habang tahimik naman ang mag-ina na naghihintay.
“Same result sa test mo sa Dubai. May PCOS ka nga both ovaries,” saad ni Dra. Huang.
“Ano baa ng PCOS doktora?” ani Jacky
“Ang PCOS ay isang hormonal disorder. Ito ay syndrome o grupo ng mga sintomas tulad ng iregular na dating ng buwanang regla. Maaaring dumating ito ng madalang o less than 9 times a year, o kaya, masyado namang madalas. may sintomas na mataas ang male hormone na Androgen. Pagmataas ang hormone na ito, maaaring maka-trigger ng acne, paglago ng buhok sa katawan at mukha, pagnipis o pagkalagas ng buhok sa ulo, pangingitim ng balat sa leeg at singit. Isa pa ay ang pagkakaroon ng Polycystic Ovaries. Ito ay makikita sa ultrasound na ang ovary ay may sampu o higit pang immature follicles. Ito ang test na ginawa kay Lexy. Hindi pa tukoy kung ano ang eksaktong sanhi ng sakit na PCOS, ngunit mayroong ilang mga risk factors tulad ng genes o minana, ang pagkakaroon ng sobrang insulin sa katawan, at inflammation. Manuti ng nalaman mo agad paramakakaiwas sa komplikasyon tulad ng infertility, diabetes, high blood, sakit sa puso, abnormal vaginal bleeding, at obesity. “
“Curable naman iyon hindi ba doktora?” tanong ni Jacky.
“Well, the truth is walang gamot sa PCOS pero we can treat the syntoms pero hindi ito lubusan mawawala,” ani Dra. Huang.
“Maaari pa ba ako magkaanak doktora?” kinakabahan naman na sabi ni Lexy.
“Oo naman marami akong pasyente na ganun ang case pero hindi magiging madali. Pwede tayo magtry ng mga pills para makapag ovulate ka. Teka, may asawa ka ba? Single ang status mo rito,” saad ng doktor.
“M-Malapit na siya mag-asawa,” saad ni Jacky.
“Really? Dapat pala ay sinama mo ang magiging asawa mo para aware rin siya. Oo at pwede ka naman magbuntis pero it takes time and lots of effort. Medyo magiging magastos din dahil marami akong irereseta na mga gamot,” dagdag ng doktora.
“Kahit anong gamot ibigay mo doktora para mabuntis siya agad. Siguro naman ay hindi aabutin ng taon bago sila makabuo hindi ba?” wika ni Jacky.
“Hindi ko ‘yan maipapangako dahil iba iba ang case. Meron akong pasyente less than a year ay nabuntis pero meron naman after 5 or more years pa. ang mahalaga naman ay makabuo at walang problema ang asawa mo sa sperm niya. Kapag healthy ang lalake mas papadali na makapag produce ng itlog ay makakapunta sa healthy din na egg cell mo,” sagot ng doktora.
“Hindi po ba ako pwedeng operahan na lang para mawala ang mga cyst?” ani Lexy.
“May chance kasi na magkaroon ka ulit kahit alisin saka magkabilang ovary mo ang meron it will be too painful sa part mo. Daig mo pa nanganak,” sagot ni Dra. Huang.
Napahinga ng malalim ang mag-ina. Kahit sinabi nito na may chance naman magkaanak ay may kaakibat naman na problema dahil hindi agaran kumabaga ay maghihintay pa rin sila. Matapso magbigay ng reseta ay agad pumunta ang mag-inang Lexy ay Jacky sa pharmacy. Napailing sila dahil halos libo ang presyo ng bawat gamot at bwuan buwan iyon iinumin.
“Lexy, gagawa ako ng paraan. Makuha mo na dapat si John. Kahit mag set tayo ng trap sa kaniya. Kahit hindi pa sila hiwalay ng asawa ay dapat ikaw na ang uuwian,” seryosong sabi ni Jacky.
“A-Ano po ang ibig ninyo sabihin ma?”
“Ise-set up natin si John. Lalasingin natin ay magkukunwaring may nangyari sa inyo. Tatakutin natin na baka mabuntis ka kaay dapat ay panagutan niya. Hindi naman iyon siguro papalag dahil sabik sa anak lalo na si Mirna tiyak ay sa’yo kakampi,” sagot ni Jacky.
“Sige payag po ako. Kayo na ang bahala,” nakangiting sabi ni Lexy. Tinawagan naman ni Jacky si Mirna at sinabing papuntahin sa kanila bukas si John ng mag-isa at sinabi na kunwari ay may ibibigay na pasalubong dahil kay Lexy at ito ang pakuhanin. Pumayag naman agad si Mirna at nangakong pupunta ang anak mag-isa.
Halos mamilog ang mga mata ni Linda sa pagkatulala ng mas makita at mapasok ang bahay nila Katy. Napaganda nito at magara ang loob. Modern ang lahat ng gamit. Masasabing mayaman talaga ang mga nakatira.
“Ang ganda po ng bahay ninyo Ma’am Katy,” ani Linda.
“Halika ililibot kita,” nakangiting sabi ni Katy. Pinakita nito sa dalaga ang bawat kwarto maging ang mga nursey room na dapat sa mga magiging anak. Huli nilang pinasok ang master bedroom. Naimagine ni Linda na siya ang asawa ni John at ang katabing nahihiga roon. Lalo tuloy siya nainggit kay Katy.
“Tara, dito ka pansamantala tumuloy,” aya ni Katy kaya bumalik na sa isip si Linda. Sa isang guess room sila pumasok. Malaki rin ito at animo ay hotel.
“Wala po ba kayong maid’s room ang ganda naman po rito nakakahiyang higaan ang kama,” kunwaring nahihiyang sabi ni Linda.
“Ginawa kasi namin na extra tambahan ng mga abuboy yung dalawang maid’s room kaya dito ka na lang. Aalis na rin naman si Yuna next month kaya okay lang na dito ka sa guess room. Dito minan natutulog ang kapatid ko kapag dumadalaw. Sige nagpahinga ka muna mamaya ay magluto tayo,”tugon ni Katy.
Pagkaalis ni Katy ay humilata na sa higa si Linda. Mas gusto sana niya sa master bedroom pero sa ngayon ay makukuntento na siya rito. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakahiga sa ganitong kalambot at kabangong kama.
Napangiti siya dapat ay umayon ang lahat sa mga plano niya. Aalukin niya ang mga ito na siya ang kunin na surrogate pagkatapos ay gagawin ang lahat para maagaw si John kay Katy. Natatawang pumikit si Linda hanggang nakatulog.
Dinalaw ni Dra. Huang si Mindy. Ang surrogate nila Katy at John. Secret lover niya ito at kailangan ng pera kaya pumayag na siya ang magbuntis para sa mayamang mag-asawa.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” ani Dra. Huang. Umismid naman ito at bumangon ng higa.
“Beth, kailangan ba talaga na nine months ako makukulong dito sa hospital? Ang tagal naman! Eh kahit may pera hindi ko maenjoy eh!” inis na sabi nito saka kinuha nag bag para mag yosi. Agad inagaw ni Beth ang sigarilyo at inis na tinapon.
“Maaamoy ng smoke detector gusto mong bumaba ng tubig dito? Isa pa ay baka mapano ang bata hindi ka pa nayaran. Tandaan mo daig mo pa yung mga propesyonal sa ibabayad sa’yo!” ani Beth.
“Aba! Tama lang na isang milyon ang ibayad sa akin dahil bukod sa masisira ang kaatawan ko ay mabuburo ako ng matagal dito,” tumayo ito ay sinara ang pinto saka nilock. Hinalikan nito si Beth at agad sinapo ang mga dibdib. Pumiglas naman ang doktora dahil nag-aalala na makunan ang nobya.
“Mindy, tumgil ka nga! Critical stage mo pa ngayon baka duguin ka!” lalo naman nabanas si Mindy at naupo sa sofa. ISang excecutive suite ang kinuha nila Katy para dito upang mas maging komportable ang pananatili nito kumpleto rin ito sa gamit at pagkain.
“Pati ba s*x natin bawal?”
“Ano bang tanong ‘yan! Sympre!” sigaw ni Beth. “Mindy, magagawa natin ‘yan kapag sure na tayo na maayos ang bata sa sinapupunan mo. Konting tiis Okay? Hindi ba kailangan mo ng pera? Magbibigay agad ng half p*****t ang mag-asawa once naka five months ka na at nakita kung ano ang gender. Huwag kang mag-alala lagi akong dadalaw sa’yo,” saad ng doktora.
“Dito ka matulog mamaya. Hindi ako sanay na hindi ka katabi,” ani Mindy.
“Okay,”
“Hello? Ma? Bakit?” ani John. Medto tampo pa siya sa ina dahil sa nangyari kay Katy pero hindi naman ito matitiis na hindi kausapin.
“Anak, makikiusap sana ako na magpunta ka ngayon sa Tita Jacky mo. Pakikuha ang pasalubong ko galing kay Lexy. Maskait kasi ang ulo ko ayokong lumabas,” ani Mirna.
Napaismid si John dahil alam niya na pinaglalapit sila nito ng anak ng amiga.
“Bakit po hindi ninyo ipakuha sa driver? O kay manang?” sagot ni John.
“Anak, please ikaw na lang para makita rin kita paghinatid mo rito. Huwag mo na isama si Katy dahil baka mapano na naman,” wika pa ni Mirna.
itutuloy