Chapter 7

2128 Words
“Ma, naman oh siya sige pero hindi ako pwedeng magtagal sa bahay nila Tita jacky at sa bahay natin dahil walang kasama si Katy,” ani John. “Hmp! Masyado mong mahal ang asawa mo wala naman silbi! Anak, sabi ko naman masama rin ang pakiramdam ko sana naman ay maglaan ka rin ng oras sa mama mo dahil ako ay hindi mapapalitan. Ang asawa kahit sampu ay pwede kang magkaroon,” himutok ni Mirna. Napiling naman si John. Alam niya na kaya ganun ang ina ay dahil lang sa wala pa sila anak. Noon naman ay maayos ang pakikitungo nito kay Katy. “Sige pa aalis na ako,” paalam ni John. “Okay, hwuag mo na isama ang babaeng ‘yan kila Jacky at baka matanong pa kelan siya mabubuntis mapano na naman at ako ang masisi,” asik ni Mirna. “Sige na ma,” sagot ni John sabay baba ng tawag. Medyo nababastusan din siya sa ina pero pilit na lang itong initindi. Ayaw naman niya talaga maipit sa dalawang babae na parehong mahal at importante sa kaniya. “Hon, aalis ka?” tanong ni Katy. “Ah Oo, si mama kasi may pinapasuyo na kuhain kay Tita Jacky. Sabi ko nga ipakuha na lang sa maid or driver ang sabi gusto akong makita dahil hindi maayos ang pakiramdam niya. Tumatanda na kasi siguro kaya nagiging ganoon,” sagot ni John. “Sasama ba ko?” tanong ni Katy. Medyo natigilan si John dahil sa habilin ng ina. Niyakap niya ang asawa at umiling. “Dito ka nalang walang kasama ni Linda saka baka mapagod ka. Sandali lang naman ako,” ani John. “Sige dalhan mo ng mga prutas ni mommy para gumanda pakiramdam,” saad ni Katy. Napangiti naman si John. Isa sa mga nagustuhan niya sa asawa ay ang pagiging thoughtful nito. Kahit may nagawang kasalanan ang ina ay mas inintindi pa rin ang kalagayan nito. “Katy, muli akong humihingi ng tawad sa nagawa ni mommy na masasakit na salita sa’yo,” malungkot na sabi ni John. “Hon, okay lang ‘yun. Sige na umalis ka na para makauwi ka agad.” “Sige.” Sa kabilang banda ay lihim na nanonood sa mag-asawa si Linda. Napasimangot ito dahil sa inggit dahil halatang mahal ng lalake si Katy. “Hello? Amiga? Papunta na si John ngayon diyan sa inyo. Kayo na ang bahala,” natatawang sabi ni Mirna. Nag ngitian din ang mag-inang Jacky at Lexy ng marinig ang sinabi ni Mirna sa telepono. “Sige sisiguraduhin natin na magiging manugang mo ang anak ko,” natatawang sabi ni Jacky. “Ano ba ang plano ninyo?” tanong ni Mirna. “Edi gagawan tayo ng apo!” lalong humalakhak na sabi ni Jacky. Napangisi rin si Mirna. “Gusto ko ‘yan oh siya basta balitaan ninyo ako bye!” tugon ni Mirna. “Ma, paano na ang gagawin natin?” kinakabang sabi ni Lexy. Kunindat naman ang ina at inaya ang dalaga sa kusina. Naglaabs si Jacky ng mga tablet mula sa isang box at inihalo sa isang pitchel ng juice saka inilagay sa ref para lumamig. “Anong tablet ‘yun?” gulat na sabi ni Lexy. “Pamaptulog. Papainumin natin tapos magkukunwari na may nangyari sa inyo. Ang gagawin mo ay ikaw ang sumalubong kay John kunwari umalis ako pero magtatago lang ako tapos mahuhuli ko kayo sa kamang magkatabi,” natatawang sabi ni Jacky. Nag-apir ang mag-ina sa plano. Kalahating oras pa ang lumipas ng dumating si John sa bahay nila Jacky. Ayaw na sana nitong pumasok sa loob ng bahay lalo na at sinabi ni Lexy na mag-isa lamang siya na naroon. “Pasok ka muna John. Pasensya kana biglang umalis si Mommy hindi ko alam saan nilagay ang mga ipapamigay pero ikukuha kita sa maleta. Uminom ka muna,” kinakabahan na sabi ni Lexy dahil baka hindi matuloy ang plano. Halos lumukso ang puso niya ng makita sa personal si John. Napakagwapo nito at halata talagang mayaman. Hindi naman ito makatingin sa kaniya ng diretso dahil parang umiiwas. “Babalik na lang kaya ako kapag narito na si Tita Jacky,” saad ni John. “Naku huwag ka na umalis. H-Hindi ko alam anong oras uuwi si mommy. Sige na maupo ka muna at magmeryenda tatapusin ko lang yung pagkuha ng mga ibibigay,” ani Lexy saka tumakbo sa taas ng kwarto kaya walang nagawa si John kundi maupo sa sofa. Uminom na rin siya ng juice dahil halos sampung minuto na ang lumipas ay wala pa ang babae. Napansin niya na maraming walang gamit sa bahay kumpara noon na nakakadalaw pa sila kapag may oksyon doon. Nakasilip naman ang mag-inang Lexy at Jacky. Natutuwa sila dahil naka tatlong punong baso na si John sa iniinom na juice dahil sa pagkabagot sa paghihintay sa dalaga. “Talalab na ‘yan siguro sige sabihin mo ay tulungan ka mag-ayos tapos tagalan mo ulit para makaramdam na siya ng tulog,” utos ni Jacky saka palihim na lumabas. “Ah John, pwede bang patulong?” saad ni Lexy ng sumilip siya sa lalake. Tumayo naman si John agad pero parang bigla nakaramdam ng pagkahilo. Umiling iling ito dahil parang bumigat ang pakiramdam niya. Umakyat na siya sa itaas at pumasok sa kwarto ng babae. Lalong napailing si John dahil sabog sabog ang mga laman ng maleta ng dalaga. “Sorry ha patulong naman sa pag-aayos. Ito nga palang isang maleta ang ibibigay kay Tita Mirna halo halso na iyan may chocolate, perfumes, mga ibang stuff galing iba’t ibang bansa,” nakangiting sabi ni Lexy sa binta. Nagulat naman si John dahil ang suot na nito ay isang manipis na nighties dress. Kitang kita ang mga hita nito na abot na sa sa kaselanan nito sa iksi. Lumiliyad pa ito kaya sumusungaw ang malalaki nitong dibdib na halatang walang bra na suot. “A-Ano ba ang maitutulong ko?” tanong ni John. “Bumagsak kasi tong mga maleta ang bigat kasi okay lang ba ililigpit ko lang tapos pakibuhat pagkatapos? Upo ka muna diyan sa kama. Mainit din kasi sa sala rito naka open ang aircon,” sagot ni Lexy. Wala naman nagwa si John kundi maupo nga kama. Mas komportable nga roon sa kwarto dahil malamig. Isa pa ay parang nahihilo siya talaga. Medyo napapapikit nga siya kaya hindi namalayan na napahiga na ng tuluyan. Tinigil naman ni Lexie ang pagkukunwaring pag-aayos ng mga kalat. Tinignan niya si John na mahimbing ng nakatulog. Niyugyog pa niya ito at ng matiyak na hindi na gumagalaw ang binata ay tinawag ang ina. “Ma, okay na tulog na siya!” kinikilig na sabi ni Lexy. Natawa rin si Jacky at napatango sa anak. “Sige simulan na natin ang plano. Mga tatlong oras lang ang bisa ng pampatulog kaya bilisan natin. Hubaran natin siya para mas kapani paniwala na kunwaring may mangyari sa inyo,” ani Jacky. “Paano kapag nalaman na hindi totoo? Baka ipamediko legal ako?” ani Lexy sa ina. “Pwede ba huwuag mo na muna isipin ‘yan isa pa ay kasangkot ang ina nitong si John may back-up tayp kung sakali,” sagot ni Jacky. Hubo’t hubad si John na iniwan ni Jacky sa kasama ng anak. Nilock naman ng dalaga ang pinto. Kinuhaan pa niya ang sarili at ang binata na kunwaring naghahalikan, magakyakap at sweet na nag-lolove making. Nagkunwari pa si Lexy na umibabaw sa puson ng binata habang umiindayog habang naka record ang camera video para mas madaming ebidensya na may nangyari sa kanila. Binuksan ni Lexy ng bahagya ang pinto saka naghubad at tumabi ng higa kay John. “Ma’am Katy?” Napalingon naman si Katy kay Linda. Tumabi sa kaniya ito ng upo. “Umalis po si Sir?” “Oo, may kukunin saglit saka idadaan sa mommy niya. Huwag mo nakaming tawaging Ma’am at Sir kahit ate at kuya na lang. Ganun din naman ang tawag sa amin ng mga staff sa mga negosyo namin,” ani Katy. “Sige po ate, salamat po ulit ha?” “Wala ‘yun.” “Ahm Ate katy kanina ay hindi sadya na narinig ko nag so-sorry sa’yo si Kuya tungkol sa mommy niya. Hindi po ba kayo magkasundong dalawa?” tanong ni Linda. Napayuko naman si Katy dahil muling naalala ang mga masasakit nitong sinasabi sa kanya. “S-Sorry po ate kung masyado akong matanong,” nahihiyang sabi ni Linda. “Okay lang, alam mo noon pa ay may sakit na ako sa puso. Bata pa lang ako ay sakitin na ako sa konting mga gawin lang. Hindi pwede mapagod kaya nga hindi ako nakapaglaro nung bata. Nanonood lang ako sa mga kapitbahay namin. Nang mag highschool ako naging kapit bahay namin sila John dahil nag apartment muna sila habang ginagawa ang bahay nila doon sa subdivision nila. Naging close kami at sinasamahan ako lagi. Alam ko bored din siya dahil hindi tulad ng iba na mga kabataan na nakakagala kami ay nasa bahay lang namin pero kahit ganoon ay lagi niya ako pinapatawa. Pag tuntong namin sa college niligawan niya ako. Wala naman tutol ang lahat hanggang sa nakatapos kami at nagkatrabaho. Nag propose si John kaso habang tumatagal ay lumalala ang sakit ko sa puso kaya natakot ang mga magulang ko na baka hindi ko kayanin ang magbuntis pero tinuloy pa rin naming. Si Mommy Mirna okay naman siya noon. Proud nga siya at pinagkakalat na wala pang two years ay nagin manager na ako sa bangko kaso nung umabot kami ng tatlong taon na mag-asawa ni John ay nag-iba na siya. Palaging naninita kung bakit wala pa kaming anak. Ilang hospital at doktor na ang napuntahan namin. Madaming gamot ang sinubukan pero sa huli hindi ako capable dahil ayaw sumugal ng mga doktor dahil baka mapano ako. Kung sa akin lang ay payag ako na magbuntis kahit mamatay mabigyan ko lang ng anak ang asawa ko. Nag-iisa lang kasi si John dahil naoperahan ang papa niya noon at hindi na pwedeng magkaanak kaya yung mga magulang niya ay sabik sa maraming apo. Kaso wala eh, hindi naman kami mabiyayaan. Kaya nga ang huling chance namin ay maging successful ang surrogate na nakuha namin para magdala sa anak namin,” ani Katy. Napalaki naman ng mga mata si Linda sa narinig. “May nakuha na kayong Surrogate mother?” gulat na tanong niya. Pati si Katy ay nabigla dahil nasabi niya. Balak pa man din niya ay ililihim muna nila ito sa lahat. Napakamot siya ng ulo at napatango na lang. lihim naman na napasimangot si Linda dahil masisira ang plano niya. “Sino naman? Sigurado ba kayo na maayos ang nakuha ninyo?” “Oo, mismong yung doktora ang naghanap mula sa agency,” tugon ni Katy. “N-Nasaan na siya ngayon?” “Nasa hospital na. Wala kaming gagawin kundi hintayin na manganak siya. Dapat nga ay lihim pero nasabi ko dahil maagan ang loob ko sa’yo,” natatawang sabi ni Katy. “A-Ako rin Ate Katy,” pilit ang ngiti na sabi ni Linda. “Magluto na tayo baka dumating na ang kuya mo,” aya ni Katy saka dumiretso sa kusina. “Sige ate,” sagot ni Linda at nakasimangot itong sumunod sa babae. Tatlong oras ang lumipas ay wala pa rin si John. Nakaluto at hain na sila Katy at Linda pero wala pa rin ito. Tinatawagan naman niya ito pero hindi sumasagot kaya napilitan na siyang tumawag sa bahay ng biyenan kahit ayaw niya sanang makausap ito. “H-Hello? M-Mommy? Kamusta na po kayo? Nariyan pa po ba si John?” tanong niya. “Bakit sa akin mo hinahanap ang anak ko? Wala siya rito!” paasik na sagot ni Mirna. Nagpigil naman ng inis si Katy dahil imbes na siya ang tanungin nito kung okay lang siya ay pabalang pa ito sumagot. “Sabi po kasi niya ay dadalawin kayo pagkagaling kila Tita Jacky dahil masama ang pakiramdam ninyo,” seryosong sagot niya. “Pwes! Wala rito ang anak ko. Ano’ng malay mo at may iba lang pinuntahan na babae yung may silbi at makakapag bigay ng anak,” sagot ni Mirna saka binabaan siya ng telepono. Parang may kumurot sa dibdib ni Katy pero pilit pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahospital dahil baka pilitin na siya ng magulang nahiwalayan ang asawa. Magagawa ba ni John na lokohin siya at maghanap ng ibang babae? Tinawagan niya ulit ang cellphone ng asawa at hindi hinintuan. Nanonood naman sa kanya si Linda habang nakangisi habang maganang kumakain Masakit ang ulo na napadilat si John dahil sa tunog ng cellphone pero nanlaki ang mga mata niya ng makita si Lexy na katabi at parego silang Hubo’t hubad dalawa. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD