"Aalis nga pala ako," walang ganang tugon ni Dreams habang abala na inaayos ang dadalhin niyang bag na nakapatong sa lamesa. "Pupunta ako kina April ngayon, 'di naman ako gagabihin dahil uuwi naman ako agad." Naroon si Kaiden sa dining table kaharap ang kanyang laptop at kasing bilis pa ng kabayo kung magtipa ang mga daliri niya sa keyboard nito. Tutok na tutok ang kanyang mata roon kaya hindi niya tinapunan ng kahit isang sulyap si Dreams nang magpaalam ito na aalis. Nasa left side niya ang isang can ng san mig at sa right side naman nito ay may slice ng apple. "K," tipid na tugon ng lalaki rito habang abala pa rin sa pagtitipa sa kanyang laptop. "Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung ano ang gagawin ko don?" Pag-iinarte ni Dreams dahil nakaramdam siya ng kaunting inis dahil hindi