"Magandang simula na 'yan, bes, ituloy-tuloy mo 'yan. Papayag akong gamitin mo 'tong jowa ko basta siguraduhin mong mapapaamo mo 'yan ah?" Umagang-umaga ay ibinalita na kaagad ni Dreams ang nangyari sa pagitan nila kagabi ni Kaiden lalo sa pag-iisip nito na nobyo niya si Pablo. Hindi niya naipakilala kay Kaiden na boyfriend iyon ng bestfriend niyang si April. Para kay Dreams, maganda rin na hindi niya ito naipakilala para may magamit siya da kanyang plano. "Oo na. Jusko! Tama lang na sundin ko 'yong suggestion niyo e. Taba talaga ng utak niyo." Tugon niya at saktong rinig niya na na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kaiden. "Bes, babye na, gising na siya. Babalitaan na lang kita mamaya." Hindi na niya hinintay ang sagot ni April at ibinaba na niya ang tawag saka dali-daling inayos ang