Chapter 24: Bra

1685 Words

"Bes, free ka ba today?" Pakikipag-usap ni Dreams kay April na nasa kabilang linya ng tawag. Nakaipit ang selpon nito sa pagitan ng balikat at teinga nito. Sa mga oras na 'yon kasi ay abala siyang nagluluto ng kanyang umagahan. May mahalaga siyang sasabihin kay April at kinakailangan niya itong makausap ng personal. "Oo, bakit anong kailangan mo? Don't tell me lalamutakin mo na naman 'yong mga lansones namin dito ah." Natawa si Dreams sa pinuna ni April sa kanya. Alam ng kanyang kaibigan na naglilihi siya ng sobra sa lansones. Sakto naman na may tanim na lansones sa harapan ng bahay nina April kaya kinukulit niyang bigyan siya nito. Hindi lang isang beses na humingi na ito sa kanila. Walang magawa si April kundi ang pagbigyan ang gusto ng maligalig na buntis at baka ito ay magtampo. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD