Prologue
"Tell me the f*****g truth, Dreams! Huwag mo 'kong gawin tanga."
Maririnig sa kuwadradong silid ng apartment ang pagsigaw ng doktor na si Kayden habang pinipilang magwala sa harapan ni Dreams. Kagagaling lamang nila sa probinsiya dahil dumalo sila sa fiesta'ng pambarangay doon. Habang masyaa silang nanonood ng parada ay may pumukaw ng atensyon ni Dreams dahilan para masira ang magandang trato ng doktor sa kanyang.
Sa kalagitnaan ng byahe pabalik ng syudad ay halos nabingi si Dreams sa katahimikan na namutawi sa pagitan nila ng doktor. Gustong-gusto niyang magsalita upang magpaliwanag pero tinakasan siya ng lakas ng loob dahilan para matahimik na lang. Tanging pag-agos ng luha sa kanyang pisngi ang kanyang nagawa.
Pasulyap-sulyap siya sa doktor na kasama ngunit galit at inis ang nabasa niya sa itsura ng lalaki. May pagsisisi siya na hindi ipinaalam ang bagay na iyon sa lalaki. Kung alam niya lang na 'yon ang sisira sa magandang pagsasama nila ni Kayden, dapat noon pa lamang ay inamin na niya ito upang ganoon ay hindi na kailangang humantong pa sa mapusok na sagutan ang pagitan nima ni Kayden.
"Kayden, maniwala ka naman sa'kin, anak mo 'to. Sa'yo ang batang 'to." Depensa ng babae habang nakahawak sa tyan niya na mapapansin na ang kalakihan nito dahil nasa ika-anim na buwan na niya itong pinagbubuntis.
"Paano mo nalaman, dahil sinabi mo? Ha?" Galit na galit na usal ng lalaki. May pagtataas na sa tono ng kanyang boses dahilan para manginig sa takot si Dreams.
"Dahil sigurado ako!" Nagsimula nang bumuhos ang luha ni Dreams na kanina pa niya pinipigilan. "Malakas ang kutob ko na anak mo 'to at hindi sa kanya."
"Tangina naman!" Umiling-iling si Kayden saka napahilot sa kanyang batok bago itinapon ang tingin sa babaeng takot na takot na sa gilid. "Nawalan na ako ng tiwala sa'yo, Dreams. At alam mo ba, dumating na 'yong araw na kinakatakot ko sa lahat. 'Yon ay 'yong malaman ko na wala tayong kasiguraduhan kung ako ba talaga ang tatay ng batang 'yan."
Nalaglag na sa pisngi ni Kayden ang kanyang mga luha. Diretso ang titig niya kay Dreams at nais niyang iparating dito na malaking heartbreak ang mararanasan niya kung mapalabas na hindi siya ang tunay na ama ng bata. Hindi alam ni Kayden kung kakayanin niya bang harapin ang katotohan kung sakali na magnegative ang resulta ng paternity test na binabalak niyang gawin kay Dreams.
Naglakad palapit si Dreams kay Kayden kahit natatakot siya. Nanginginig ang kamay nito na humawak sa braso ng binata pero mabilis na inalis ni Kayden ang pagkakahawak nito sa kanya. Napaatras si Dreams nang akmang susuntukin siya ni Kayden sa mukha.
Ang inaasahan ni Dreams ay may kamao na tatama sa kanyang mukha pero wala siyang naramdaman. Kaya naman dahan-dahan siyang dumilat at doon niya nakita si Kayden na nakayuko't nakayukom ang nga kamao sa baba. Nasaktan si Dreams sa naging kahihinatnan ni Kayden kaya napapikit siya't naiyak na lang. Ramdam na ramdam niya 'yong sakit na nararamdaman ni Kayden at sobra niyang sinisisi ang sarili.
"Minahal ko ang batang 'yan kahit hindi ko pa siya nakikilala. naging tatay ako at nangarap ng marami para sa kanya. Isinuko ko lahat ng pangarap ko, kahit 'yong pagiging doktor ko, pinabayaan ko para lamang mabigyan siya ng oras. Tapos darating yong araw na malalaman ko na may chance na hindi ako ang tunay niyang ama." Mararamdaman sa tinig ng doktor ang sakit na kanyang nararamdaman. Sobrang sama ng loob niya kay Dreams. "Masakit sa akin na kung kailan napamahal na ako sa kanya, doon ko malalaman na may chance na hindi siya akin. Dreams, masakit sa akin na kung kailan nagseryoso na ako sa bagay na kailanman hindi ko pinangarap, doon mo naman ako sinaktan. Minahal ko na siya ng higit pa sa sarili ko. At ang masakit pa roon, minahal na rin kita."
Mas lalong nasaktan si Dreams sa kanyang narinig mula kay Kayden. Nakita naman niya lahat kung paano naging responsableng tao si Kayden sa kanya kahit noong una ay dinaig pa ang diablo sa pagiging salbahe. Akala niya nga noon ay hindi sila kailanman magkakasundo. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan masaya na ang kanilang pagsasama, doon dumating ang problemang hindi nila inaasahan.
Nag-ipon ng lakas ng loob si Dreams bago sinubukang hawakan ang mukha ni Kayden. Nakita niya kung paano umagos ang mga luha ng binata at doon niya nalaman kung paano ito nasaktan ng sobra. Hinawi ni Dreams ang ilang butil ng luha sa pisngi ng lalaki gamit ang kanyang daliri. Lalo siyang nasaktan nong hindi manlang siya tinitigan ni Kayden sa mata.
"Kailanman hindi ko maiisipang magtago ng sikreto sa'yo, Kayden."
Napatingin ang lalaki sa kanya at itinapon nito ang galit na galit na awra. Kung ilalarawan ni Dreams, ganoon ang itsura ni Kayden noong pinagmamalupitan pa siya nito. At kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang bumalik ang dating trato ni Kayden sa kanya. Nagiging panatag siya sa bagong ugali ng lalaki.
Tinapik ni Kayden ang kanyang mga kamay na nakahawak sa kanyang mukha. "You did it already, Dreams." Malamig na prangka ni Kayden habang masama siyang nakatitig rito. "At kung maibabalik ko lang ang gabing 'yon na may nangyari sa'tin, sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita pinag-interesan para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon."
Naiyak lalo si Dreams sa kanyang mga narinig. "Kayden..."
Nag-iigting ang panga ni Kayden sa galit na tumingin sa babae. "You gave me the worst nightmare, Dreams. At bukas na bukas din, ayoko ng makita ang pagmumukha mo rito. Umalis ka na kasama 'yang anak mo."
Pinanood na lang ni Dreams ang bulto ni Kayden na pumasok sa kwarto nito. Pabagsak na isinarado ng binata ang pintuan ng kanyang kwarto, sa paraan na 'yon ay naramdaman ni Dreams ang galit ni Kayden. Wala siyang nagawa kundi ang mapaupo at yakapin ang sarili. Tanging hikbi niya ang maririnig sa sala ng apartment ni Kayden. At wala siyang ibang nais kundi ang ipaliwanag kay Kayden na hindi siya nagkakamali ng kutob.
Parusahan man ako ng Diyos, alam kong ikaw ang ama ng anak ko, Kayden....